Chapter 2

590 11 7
                                    

⚠️⚠️WARNING ⚠️⚠️





"Ohhhh baby! Faster! Ahhhh! I'm cumming"

Tila gustong umatras ni Taliyah at bumalik na lamang sa hospital. Hindi niya inaakalang iyon ang bubungad sa kanya sa pag-uwi niya ng bahay. Sa tatlong araw na nasa hospital siya ay hindi man lamang siya binisita o kahit sinilip man lang  ng kanyang mister. Kahit man lang sana tawag o text message ay wala. At sa pag-uwi niya ay ganito pa ang bubungad sa kanya. Tila namait ang kanyang panlasa. Habang siya ay nakaratay sa hospital, nagpapakasarap naman ang mister niya sa kanlungan ng iba. Sabagay, ba't nga naman mag-aabala si Rothus na puntahan gayong galit na galit ito sa kanya.

"Who are you?"

Tila nagbalik sa reyalidad si Taliyah dahil sa mataray na tinig ng isang babae. Nang mag-angat siya ng tingin ay noon niya napansin na bukas na ang pintuan ng Master's bedroom. Mula roon ay nakatayo ang isang babae. Nakasuot ito ng kulay pulang silk dress na hanggang kalahati ng hita ang haba. Matangkad at balingkinitan ang katawan nito na tulad ng isang modelo. Singkit ang mga mata nito na halatang nilapatan ng fake eyelashes. Matangos ang ilong at makipot ang labi nitong pulang-pula dahil sa lipstick. Maputi at makinis ang balat nito na lalong nagpalakas ng kanyang dating.

"Don't mind her, Babe. She's just one my whore."

Nang bumaling siya sa pinagmulan ng tinig ay kitang-kita niya ang kanyang mister na abala sa pagsusulot na kulay dark blue na polo nito. Nang bumalik ang tingin ni Taliyah sa babae ay kitang-kita niya kung paano siya hinagod nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napayuko na lamang si Taliyah. Nagmukha siyang basahan sa suot niyang kulay light blue na loose T-shirt at itim na leggings.

"Really? This kind of girl?"

"As I've said, don't mind her. She's nothing important."

Nanatiling nakatitig sa kanya ang babae. Napakurap-kurap ito at saka muling nagsalita. "She looks familiar."

"Nevermind, okay?" Pumulupot ang kamay ni Rothus sa beywang ng babae. "We need to go now, babe."

Tila sinaksak ang puso ni Taliyah nang lampasan siya ng dalawa na tila ba isang hangin. Naramdaman niya ang paghapdi ng kanyang mga mata ngunit pinigil niya ang sariling mapaluha. Wala na siyang nagawa kundi ang panoorin na lamang na papalayo si Rothus habang hapit-hapit nito sa beywang ang babae. Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang dalawa ay tila nanlalata siyang pumasok ang silid nilang mag-asawa. Hindi niya naiwasan ang pangingilid ng kanyang luha nang makita niya ang nakataob na picture frame sa ibabaw ng bedside table. Nanginginig ang kamay nitong dinampot iyon. Mula sa larawan ay kitang-kitang ang matamis niyang ngiti kahit walang kasing seryoso ang lalaking nasa tabi niya. Gwapong-gwapo ito sa suot niyang white suit. Hindi naitago ang matipuno nitong katawan. Medyo kulot ang buhok nito. Hugis almond ang mga mata, aristokradong ilong at ang labi nitong natural na mapula. Sa kakisigang taglay nito ay siguradong maraming kababaihan ang maghahangad sa kanya.

Ngunit tanong niya sa sarili, mahirap ba siyang mahalin o kahit tratuhin man lang sana ng tama? 

Kasabay ng muling pagkahulog ng kanyang luha ay ang pagyakap niya sa larawang tanda ng kasal niya kay Rothus Villaron. Napapikit na lamang siya ng mata kasabay ng kanyang paghagulgol. Kasunod no'n ay ang pagdaloy ng isang alaala.

"I don't want to marry him, Dad! Max Rothus is not my ideal man!"

Hindi naiwasan ni Taliyah ang mapabuntong-hininga dahil sa narinig. Ang nagmamaktol na tinig ng kanyang kapatid ang bumungad sa kanyang pagpasok sa kanilang bahay. Aniya, kung siya lamang ang nasa posisyon ng kanyang ate Althea ay awtomatiko siyang papayag.

Dark Secrets Series: Pain and PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon