Chapter 4

454 11 17
                                    


Isa lamang ang tumatakbo sa isip ni Taliyah, hindi pwedeng malaman ni Rothus kung sino ang ama ng bata dahil tiyak na lalo siya nitong kamumuhian.

"Tell me who, Taliyah." Mahinahong turan nito.

Umawang ang labi ni Taliyah upang magsalita sana ngunit bago pa lumabas ang kahit anumang salita sa kanyang bibig ay nakuha ng atensiyon nila ang malakas na katok sa pinto. Sinundan iyon ng malakas na sigaw.

"Hayop ka, Max! Lumabas ka diyan! Harapin mo ako!"

Nanlaki ang mga mata ni Taliyah nang makilala niya kung sino ang may-ari ng tinig. Nagtangis naman ang bagang ni Rothus nang mapagsino nito kung sino ang kumakalampag ng pinto. Wala itong sinayang na sandali. Kaagad itong humakbang patungo sa pinto. Kumabog naman ang dibdib ni Taliyah, kaagad niyang sinundan ang kanyang mister upang mapigilan ang nagbabadyang gulo.

"That Bastard! What is he doing here again?" Mabilis ang bawat hakbang nito. Halos tumakbo na si Taliyah masundan lamang agad ang kanyang mister.

"Please kumalma ka, Rothus." Sandaling liningon ni Rothus ang kanyang misis dahilan upang makita nito ang kanyang matalim na titig.

"Huwag na huwag kang magkakamaling kampihan ang lalaking 'yon, Taliyah!" Mariing banta nito. Hindi naman naiwasan ni Taliyah ang mapalunok. Bigla niyang naalala ang dahilan ng huling pananakit nito sa kanya.

"Lumabas ka diyan Max! Hayop ka!" Muling kinalampag nito ang pinto ng bahay. Nagngangalit naman na binuksan ni Rothus ang pinto. Ngunit bago pa siya makahuma ay dumapo sa pisngi niya ang malakas na suntok.

"Rothus!" Tili ni Taliyah.

"Damn you!" Sigaw ni Rothus sa bagong dating habang sapo-sapo nito ang kanyang pisngi.

"No, Max! Para sa'yo ang salitang 'yan! Actually, Kulang pa nga ang salitang damn you! Hayop ka! Tarantado ka!" Nanggagalaiting kinuwelyuhan siya nito.

"Tama na, Marcus." Tinig iyon ni Taliyah. Nang lingunin siya ng lalaki ay kitang-kita nito ang pagmamakaawa sa mata ng babae. Sinamantala naman ni Rothus na nasa iba ang tingin nito. Itinulak niya ito ng malakas. Nang mabitiwan siya nito ay kaagad niya itong sinipa sa kanyang sikmura. Muntikan itong matumba sa damuhan ngunit nagawa nitong mabawi ang kanyang balanse.

"Akala mo aatrasan kita? Ang kapal ng mukha mong sumugod dito!" Muling humakbang palapit si Rothus kay Marcus ngunit bago pa siyang tuluyang makalapit ginantihan rin siya ni Marcus ng sipa.

"Rothus! Marcus!" Hiyaw ni Taliyah ngunit tila walang narinig ang dalawa.

"Huh! Akala ba papatalo ako sa'yo?"

"At lalo naman ako!"Nanlisik ang mga mata ni Rothus nang muli siyang sumugod kay Marcus. Binigyan niya ito ng suntok sa mukha. Hindi iyon nailagan ng lalaki ngunit nagawa naman niyang hablutin ang kanyang kwelyuhan.Ginamit niya ang kanyang lakas upang maibalibag ito.

"Ano ba kayo! Tama na 'yan!" Muling saway ni Taliyah.

Ngunit walang nagpatinag sa kanila. Muling sumugod ni Marcus ngunit nagawa siyang sipain ni Rothus dahilan para matumba ito. Ngunit sadyang walang gustong magpatalo. Nag-unahan sila sa pagtayo at kaagad na sumugod sa isa't-isa.

"Tama na, please. Tumigil na kayo!"

Nagpalitan sila ng suntok na tila walang naririnig. Pareho lamang silang tumigil nang pareho silang bumagsak. Pareho nilang habol ang kanilang hininga. Pareho rin silang may putok sa gilid mg kanilang labi. At kita rin ang gasgas sa kinilang mga pisngi. Sinamantala naman ni Taliyah na pareho silang nakasalampak sa damuhan. Kaagad siyang nagtungo sa pagitan ng dalawa.

Dark Secrets Series: Pain and PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon