Chapter 6

492 9 9
                                    


"My God! What happened here?" Bulalas ni Valerie dahil sa nasaksihan. Sa paligid ay nagkalat ang basyo ng alak. Nakakalat din ng unan at kumot sa sahig. Nakasampay kung saan-saan ang ilang piraso ng damit. Ngunit tila hindi iyon alintana ni Rothus na nakasalampak sa sahig at patuloy sa pag-inom. Muli itong tumungga sa hawak niyang beer can na tila 'di napasin ang mga bagong dating.

"Bakit nagkaganito ang anak ko?" Gustong maluha ni Valerie sa nakikitang hitsura ni Max Rothus. Hindi maayos ang pagkakabutones ng polo nito na suot pa niya noong nakaraang araw. Mukhang miserable. Kitang-kita ang pangingitim ng ilalim ng mata nito. Magulo ang buhok nito at nagsisimula nang tumubo ang bigote nito.

"Hay naku, Madam. Mula nang umalis si ma'am Taliyah ay halos araw-araw nang ganyan 'yan."

"Taliyah." Isinansal ni Rothus ang gilid ng kanyang ulo sa gilid ng kama.

"Sa tuwing malalasing siya ay walang isang ibang bukambibig kundi si ma'am Taliyah. Hindi ko na rin alam kung ilang ulit ko na ba siyang sinabihan na iniwan na siya ng misis niya."

Buntong-hininga na lumapit si Valerie sa kanyang anak. Marahan nitong kinuha ang hawak nitong beer habang ito ay nakapikit. Naging dahilan naman iyon upang magmulat ng mata ang lalaki.

"Give that to me!" Suminok ito. Nagtangka itong agawin ang alak na hawak ng sopistikadang Ginang ngunit mabilis namang naiiwas iyon ni Valerie. Awtomatiko niya iyong iniabot sa katulong.

"C'mon son, please stop this. Fix yourself. This is not anymore, Hijo."

Kumurap-kurap naman si Rothus at ilang sandaling tumitig sa kanyang kaharap na para bang kinilala niya ito.

"Mom?"

"Yes, Hijo. It's me."

Buntong-hininga namang bumalik sa pagkakasandal si Rothus.

"What are you doing here, mom?"

Ginagap naman ng Ginang ang pisngi ng kanyang anak.

"You think I am not updated on what's happening here. I am your mother, Hijo. At kahit busy ako at nasa malayo, hindi ako magdadalawang-isip na puntahan ka. Especially now that your Dad is gone."

Muli na lamang napabuntong-hininga si Rothus. Marahan nitong inalis ang kamay ng kanyang ina sa kanyang pisngi. 

"Hindi ka na dapat nag-abala, mom."

"Hijo." Usal ng Ginang. Tila humapdi ang kanyang puso dahil ramdam niya ang malayong loob ng kanyang anak. Hindi naman niya ito masisi dahil nasanay siyang mas kasama ang ama nito. 

"You can go back to Australia, Mom. Don't worry about me, I can manage myself."

"Babalik lang ako, Hijo kapag inayos mo na ang sarili mo. At tama ba ako ng rinig kanina? Hinahanap mo si Taliyah. If you want your wife then get up and win her back, Hijo. Huwag mong ubusin ang oras mo sa paglalasing."

Hindi naman umimik si Rothus sa halip ay muli lamang itong kumuha ng panibagong beer.

"Please tama na ang inom, Hijo." Sinubukan agawin ni Valerie ang kanyang hawak ngunit hindi siya nagtagumpay nang iiwas ni Rothus ang kanyang kamay.

"Hay naku! Walang mangyayari kahit araw-araw kang uminom, anak. Hindi niyan magbabago ang katotohang mahigit isang buwan nang wala ang asawa mo sa bahay."

"Cedes is right, Hijo."

Nagbuga naman ng hangin si Rothus.

"I just can't understand, mom. How can she do that so easy?"

Bago pa makaimik si Valerie ay nagsalita ang katulong.

"Hay naku! Kasi naman lumabis na ng husto sa pananakit mo sa kanya. Aba eh, ginugulpi mo na nga, nambababae ka pa. Kung mayroon ka mang dapat sisisihin sa pag-iwan niya sa'yo, iyon ay walang iba kundi ang sarili mo."

Dark Secrets Series: Pain and PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon