10

63 1 0
                                    

Napamulat ako nang may marinig akong mga boses. Nakita ko si Tucker at isang doctor.

"She's fine now, don't worry." sambit ng doctor.

Ano ba ang nangyari? Nawalan ba talaga ako ng malay nang mangyari ang pagsabog? Damn you, Jersey!

Dahan-dahan kong iginilaw ang aking mga kamay, kumikirot pa ang ito. Akma kong tatanggalin ang mga naka dikit nang may pumigil.

"What are you doing?" Tucker asked. Kinunotan ko siya ng noo. Buhay ba talaga siya? Paano ang mga kaibigan niya? Nagtagumbay ba sila Almina?

"What are you looking at? Are you okay?" he asked again kaya binawi ko ang tingin ko.

"A-ano po bang nangyari?" I asked. Naalala kong siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay, siya rin ba ang nagdala sa akin dito?

"Nawalan ka ng malay, sa sobrang daming usok ang napunta sa katawan mo." ang doctor na mismo ang sumagot. "Maiiwan ko muna kayo," dagdag nito at lumabas na.

Umayos ako ng higa nang maramdaman ang seryosong tingin sa akin ni Tucker. Sana wala siyang alam, sana hindi niya ako paghinalaan kasi kung oo. Malalagot ako.

"Lahat ng tao sa bahay ay nilagay namin sa mansiyon ni Lolo. Inayos pa ang mansiyon namin, pagkagaling mo rito. Doon tayo didiretso." he said with a serious tone. Sa bahay ni Chairman?

"P-pasensya na po. Naabala ko pa kayo."

"Give me your family's contact. I'll call the-" I stopped him. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa katawan nang sabihin niya iyon.

"Sir, huwag na po. Mag-aalala lang sila ng sobra sa akin. Baka po lumala ang karamdaman ni Itay. Kaya ko naman na po. Maayos na ako." sunod-sunod kong wika.

Hindi niya dapat papuntahin ang pamilyang iyon. Kapag nagkataon, mabubuking ako. Malalaman nilang hindi naman talaga ako si Alora, at patay na ang tunay nilang anak. As much as possible, kailangan ko nang mag-ingat sa susunod. Ilang buwan kong tiniis ito, hindi puwedeng mawala lang ang pinaghirapan ko.

"Hey, are you listening?" Napatingin ako sa kanya. May sinasabi ba siya?

He heaved a sighed. "I'll go back later. Ngayong araw ka na lalabas. Pupuntahan ko lang ang dalawang kaibigan kong nasaksak." Nagulat ako sa sinabi niya. Nasaksak?

"A-ano po ang nangyari? I mean, puwede ko po bang malaman?" I asked. Mamaya ko pa makakausap ang apat.

"Someone stabbed them, no. I mean, they are trying to kill us. But don't worry, hinuhuli na ang mga lalaki." Lalaki? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Lalaki po?" I asked again, sinisigurado. He nodded.

"Yes, nahuli na ang dalawang sumaksak kina Braxton at Waylon. I'll go now." Akma siyang aalis nang hinawakan ko kaagad ang kamay niya.

Nagtagal ang tingin niya sa kamay ko kaya inalis ko kaagad. "Sorry po," I said.

"Sir, puwede po bang ngayon na ako aalis dito? Okay naman na po ako. Puwede po kayang sumama sa 'yo?" Wala nang hiya-hiya. Kailangan ko nang makausap sila Almina kung ano ang nangyari.

Kunot noo niya naman akong tiningnan. "You're not still okay." Umiling ako nang umiling. Usok lang 'yon, hindi ako mamamatay sa usok. Si boss ang papatay sa akin.

"Ayos na po ako. At saka, mas lalo po akong magkasakit kapag manatili pa ako. Sige na Sir, isama mo na po ako sa inyo." Pagmamakaawa ko. Pumayag ka na, hayop!

I smiled when he nodded slowly, "Okay, aayusin ko lang ang pag-discharge mo." I smiled widely at hinawakan ulit ang kamay niya. Naramdaman kong nanigas ito. Hinayaan ko lang.

"Thank you po!" Masayang sambit ko.

Siya na mismo ang nag-alis ng kamay kong nakahawak sa kamay niya at walang pasabinb umalis. Damn you, Tucker. Ang tagal mong makuha. Kahit manlang sa paghawak ko ng kamay mo ay kaunting hulog ka na. Gusto ko nang umalis sa puder mo.

Mabilis lang ang pag-asikaso ni Tucker kaya agad akong nakalabas, nandito na ako ngayon sa kotse niya. Inaantay siya. Wala ba rito ang mga kaibigan niya? Nasa ibang hospital? Sabagay, mga mayayaman naman iyon. Baka naka private.

"Let's go, fasten your seatbelt." he said. I just nodded at ginawa na ang sinabi niya.

Tahimik lang ang biyahe, iniisip ko kung ano ang nangyari nang mawalan ako ng malay. Lalaki? Bakit lalaki ang sinabi ni Tucker? Hindi ba sila Almina ang sumaksak? May gusto rin bang pumatay kina Tucker maliban sa amin? Pero sino? Nakakabaliw mag-isip. Kailangan na kailangan ko na talagang maka-usap silang apat.

"What are you doing?" Lumingon ako sa kanya nang magsalita ito.

I thought, he's talking to someone in the phone but no. Is he asking me?

"Ako po ba?" I asked.

"Of course, anong ginagawa mo at kanina mo pa kinagat ang mga daliri mo. What are you thinking? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod niyang sambit.

Sa bawat pagbigkas ng mga salitang iyon mula sa kanya, nakaramdam ako ng kakaiba. May pakealam ba siya sa akin? Ang arogante at sinasabi ng iba na demonyo ang kaharap ko ay demonyo ba talaga? Para bang hinahaplos ang puso ko ng lalaking ito. Tama ba na patayin ko siya?

Damn it, Klai! Of course, tama. Matagal mong trabaho ang maging mamamatay tao. Of course, you kill people kahit mga inosente pa. Back to yourself bitch!

"You always looking at me, baka isipin ko na talagang may gusto ka sa akin." I automatically diverted my gaze from him. Damn it.

Wala akong gusto sa 'yo at kahit kailangan hindi ako magkakagusto. Mamamatay ka rin naman soon.

"We're here," he said. Tumingin ako sa malaking gusali ng hospital.

Sabay naman kaming lumabas at sumunod lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa isang kwarto, may nakita akong babaeng iyak nang iyak.

"Erikiar," sambit ni Tucker kaya napatingin ang babae. "How's Braxton?" he asked. Mas lalong naiyak ang babae.

"Ang sabi ng doctor, maraming nawalang dugo sa kanya. Tucker, I can't lose him. Marami na akong tiniis para makasama siya muli. Please, help me to do something." Lumapit si Tucker sa kanya at niyakap ito.

Habang pinagmasdan ko ang lalaki ngayon, wala akong makitang demonyo at arogante sa kanya. He cares too much. Pinapakita niyang may pakealam siya sa mga tao at sa mga nangyayari.

"Don't worry. Babalik siya sa 'yo." he said at nagpaalam sa babae na puntahan ang kaibigan nitong si Braxton.

Huminga ako ng malalim bago umupo sa tabi ng babae. Tiningnan niya naman ako ng malungkot. "Sorry, nakita mo tuloy na malungkot ako. Do you want authorgraph?" Huh?

Umiling ako, "Hindi. Boyfriend mo ba ang nandito?" I asked.

Ngumiti siya nang malungkot at umiling. " I wish too, sana nga maging akin ulit siya." she said. Nakaramdam ako ng lungkot. "He was my boyfriend but suddenly, everything has changed. Pagbalik ko rito ay ikakasal na siya but look who's here. I am, instead of his fianceé." dagdag niya pa at inalis ang luha.

Maganda ang babae, matangkad at mukhang artista. Baka kaya binanggit nita ang authorgraph kanina dahil akala nito ay hihingi ako at kilala ko siya? Well, sorry. I am not fan of actors and actresses.

"Sorry sa pagdadrama," she said.

"No. It's okay," I said. She smiled at me and nodded.

Nabigla naman akong humarap siya at hinawakan ang kamay ko. She said something that make me shocked.

"Kung mahal mo talaga si Tucker, huwag mo siyang iwanan at huwag kang magpadala sa emotion mo." And she left me with still shocked in my face. What the hell?

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon