67

90 1 0
                                    

Nanghihina ako dahil sa narinig mula kay Almina. "You're lying..."

"Klai...kahit kami nahihirapan---"

"But you came here, smiling. How sure are you na pinatay niya ang sarili niya?"

"Kasi naroon kami mismo sa harap niya! Hindi namin pwedeng i-spoil ang announcement ni Tucker. It's been days, nilibing na namin agad siya dahil iyon ang sabi niya. Nag-iwan siya ng sulat bago niya gawin sa harap namin. He killed herself using her gun..." Bakas sa boses ni Jersey na nahihirapan siyang magsalita. 

Ayaw kong maniwala pero sa pinakita nila sa akin ngayon, sa mga sinasabi niya. Nagtatalo ang isipan ko. "Pupuntahan ko siya. Hindi ko alam kung nagsasabi kayo ng totoo pero gusto kong dalhin niyo ako sa kanya." Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak.

"Klai..." Bumaling ako kay Tucker, he hugged me. He knew. Hindi niya sinabi sa akin, hindi nila sinabi sa akin. "I'm sorry..."

"Gusto ko siyang puntahan." Hagulhol ko. 

No, it can't be. Hindi pwedeng mawala siya, hindi pa kami nag-uusap. 

Sinunod nila ang gusto ko, dinala nila ako sa sementeryo. Pinaiwan ko muna ang anak ko sa yaya niya. Tanong siya nang tanong sa akin kung bakit ba ako umiiyak but I can't answer him. Bata pa siya para malaman ang ginawa ng Tita Fresha niya kung totoo man iyon. I need to see it by myself. 

"Sa kotse na ako mag-aantay," paalam ni Tucker. Iniwan niya kaming apat sa isang puntod na nakasulat ang pangalan ni Fresha. 

Hindi ko kaya. Napaluhod ako sa damuhan, humahagulhol ng malakas. Naramdaman ko rin na niyakap nila akong tatlo at ganoon din, kagaya ko ay umiyak na rin sila na tila ba ngayon ko lang narinig ang malakas ng iyak ng isa't isa. 

"I'm sorry, we failed to stop her. Here, nakita namin ito sa kwarto niya." Inabot sa akin ni Munique ang isang sulat. 

"Fresha..." Nahihirapan kong banggit sa pangalan niya.

Dear Bitches,

Alam kong umiiyak kayo habang binabasa ang sulat na ito. Hindi ko sinasadya na papaiyakin kayo pero patawad kung gagawin ko ang bagay na ito. Wala na akong pamilya, gusto ko silang makita. Ang laki ng kasalanan ko sa inyo, nagtiwala kayo sa akin pero binigo ko kayo noon pa. I want to end everything. Huwag ninyong kalimutan na mahal na mahal ko kayo. Almina, find your parents and be happy this time. Buong buhay mong inalay ang buhay mo sa amin, tama na ang pagiging ate muna, panahon naman na sarili mo ang isisipin mo. Hey, Jersey. Sana makita mo na ang pangarap mong lalaki na tatanggapin at mamahalin ka, kung pinapaiyak ka, huwag mong kalimutan na sabihin sa kanila. They will torture that guy. Hi Munique, kumain ka ng marami ha. Huwag mong sarilihin ang problema mo, huwag kang tumulad sa akin. And Klailea, sigurado akong huli mo itong mababasa at sigurado akong nakakabalik ka nasa taong mahal mo. I'm sorry for what happened. Please be happy with him and with your son. Girls, huwag niyo na akong isipin, kung nasaan man ako magiging masaya ako. I did this for myself, I know I am selfish pero mangako kayo sa akin na magiging masaya kayo. Ito ang sulosyon kong lumayo sa sumpa ni Alessandra, I'm sorry for leaving you. I love you four.

Love,

Fresha

 

"No! Bumangon ka diyan, hindi pa kita nasampal sa ginawa mo. Damn it, Fresha! Bumangon ka!" sigaw ko. Hindi ko na maiwasan ang sumigaw at umiyak ng sobra.

"Klai, tama na." Niyakap ako ni Almina.

Hindi siya pwedeng mawala. "Ang daya niya naman e. Okay naman kung umalis siya, pumunta sa ibang bansa pero bakit kay Lord siya pumunta. Fresha, potangina mo bumangon ka!"

Humahagulhol ako lalo, ganoon din ang mga kaibigan ko. "Paano ako sasaya kung kulang tayo. Nangako tayo sa isa't isa na magsasama tayo sa hirap at ginhawa, may lalaki man o wala at kahit hindi natin mahanap ang mga magulang natin. Nangako siya sa atin na hindi niya tayo iiwanan, nangako siya."

"Shhh, Klai. Masakit man pero wala na tayong magagawa. She decided her fate. Ang gawin na lang natin ay gawin ang gusto niyang mangyari para sa atin," sabi ni Munique. 

Mahirap tanggapin, buong buhay kong dadalhin ang araw na ito. Fresha is my best friend. 

Pagkatapos akong yakapin ng mga kaibigan ko, nakita ko si Tucker sa harap ko. This time, siya na ang yumakap sa akin nang mahigpit kaya humahagulhol na naman ako. "Let yourself cry, love. I'm sorry you suffered like this."

"This is my fault. Kung sana nalaman kong ginamit lang siya ni Alessandra, niligtas ko na sana siya. Kasalanan ko ang lahat---"

"Hey, please do not blame yourself. Wala kang kasalanan." Hinarap niya ako sa kanya, hinawakan ang pisngi ko at pinunasan nang mahinahon ang luha sa pisngi ko. "Fresha loves you and she's not blaming you for what happened. Don't torture yourself again for saying that this is your fault. Hindi ko na kakayanin kung may gagawin ka na naman dahil sinisi mo na naman ang sarili mo. Not anymore, love. Not anymore."

Niyakap niya ulit ako nang mahigpit hanggang sa nanghina na ako at nakatulog sa balikat niya. 

Nagising akong nasa loob na ako ng kotse. "Where are they?" agad kong tanong sa kanya nang makitang kaming dalawa na lang ang nasa loob ng kotse.

"Umuwi muna sila, pupuntahan ka nila ulit para tumulong sa kasal." Hinawakan ni Tucker ang kamay ko nang bigla akong nanahimik dahil sa sinabi niya.

Bakit nakaramdam ako ng mali? Namatay ang kaibigan ko pero ikakasal ako na tila ba walang nangyaring masama. "What are you thinking?" he asked me. 

"I don't know. My friend died and ito ako ngayon, maghahanda para magpakasal. Hindi ba't mali iyon?" Hindi ko sinadya na iyon ang maitanong ko sa kanya pero gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. 

"Hahayaan kitang mag desisyon kung kailan mo gustong magpakasal. Nandito lang naman ako, aantayin ka palagi. Pero bago pa hilingin ni Fresha na ayain kang magpakasal, naisipan ko na talagang ayain ka---"

"Nag-usap kayo?" agad kong tanong. Hindi niya sinabi sa akin.

"Hmm, bago niya gawin itigil ang buhay niya. Nakipagkita siya sa akin habang tulog ka sa kama mo sa hospital. She told me to marry you again dahil alam niyang iyon ang magiging solusyon para maging masaya ka na. Na makasama kami ng anak mo, she told me to love you more than she do."

Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. Damn it, Fresha. Mukhang plinano mo na lahat bago mo kami iwanan. 

"Hey, I just promised her to marry you pero ikaw pa rin ang bahala kung kailan mo gusto." Hindi ko siya sinagot. 

I love him, kung iyon ang gusto ni Fresha gagawin ko pero hindi muna ganito kabilis. Bago ko pa lang nalaman ang nangyari sa kanya, I need time. 

"I will marry you but I need time..." Hinawakan ko ang kamay ni Tucker na nasa hita ko. 

"I know. I love you, love. I will wait for you." 

Huminto ang kotse and he looked at me. I smiled at him, lumapit siya sa akin and he kissed me passionately.

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon