48

53 2 0
                                    


Hindi ko na hinayaan na magsalita pa ulit si Tucker at bumaling ako sa anak ko na hanggang ngayon ay wala pang malay. They will pay for what they did to my son, walang ni kahit sino ang maaaring makasakit sa anak ko. Alessandra, humanda siya.
Hinayaan kong magmaneho ng tahimik si Tucker, hindi ko na rin siya kinausap dahil galit ako ngayon. Pakiramdam ko lahat ng tao nakikita ko ay sasaktan lang ang anak ko. Ayaw kong mangyari iyon kaya kahit na alam kong padalos-dalos ang desisyon ko kanina na samahan si Thrunder at kasama rin Tucker, hindi ko na babawiin iyon. Gusto ko ako ang mag-aalaga sa anak ko simula ngayon, kahit huwag niya muna akong kilalanin bilang Mommy niya. As long as he is safe, I will do everything for him.
"We're here," Tucker said. Tumingin ako sa kanya nang mapagtantong nakatingin din siya sa akin ng seryoso, agad akong umiwas. Bumaba siya sa kotse, binuksan ang pintuan sa likod. Bago pa niya kunin ang anak ko, bumaling siya sa akin. "I'm sorry if you feel dissapointed at me earlier..."
Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood na kausapin siya. Wala naman talagang problema sa akin dahil nagtawag naman siya ng mga tauhan at nakita ko rin na nag-aalala siya sa anak namin, sadyang ayaw ko lang muna makausap siya o kung sino. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang anak ko. "Dalhin na natin si Thrunder sa loob, kailangan niya nang magising."
Bumaba ako ng kotse para bigyan siya ng access na buhatin ang anak ko at ipasok sa emergency room. Agad kaming pumunta rito sa hospital dahil hindi pa rin talaga nagigising ang anak ko. Hindi ko alam kung anong ginawa nila na hanggang ngayon ay wala pa ring buha si Thrunder.
"I'm sorry, Ma'am, Sir. Dto lang po muna kayo..." Napatigil kami ni Tucker nang pigilan kami ng dalawang nurse na pumasok sa emergency room. Bakit bawal kaming sumama? Anak ko ang nandoon at kailangan niya ako.
"No. Kailangan kong samahan ang anak ko, nurse." Pilit akong lumalapit sa pintuan ng emergency room ngunit hinila ako ni Tucker kaya agad ko siyang tinulak, bumaling ako sa dalawang nurse na ngayon ay nakapasok na sa loob.
"Ang mga doctor na ang bahala sa anak natin, Klai." Sinamaan ko siya ng tingin nang sabihin niya iyon. Hindi ko na mapigilan ang luha na kanina pa gustong kumawala. Nahihirapan akong tignan siya dahil pakiramdam ko kasalanan ko rin ang nangyari, pakiramdam ko isa ako sa dapat na sisihin.
Napaupo ako bench at naramdaman kong tumabi si Tucker sa akin, hindi ko inalis o iniwas ang sarili ko nang hawakan niya ang balikat ko. "Kung mabilis lang ang pagtakbo ko para samahan ang anak ko, hindi ito mangyayari." Kung hindi ko siya hinayaan na maglakd mag-isa, sana hindi siya kinuha ng mga kalaban at dalhin sa kung saan.
"Don't worry, he is strong. Our son is strong..." Bumaling ako sa kanya at umiling. Hindi ko alam kung alam ni Tucker ang sakit ni Thrunder.
"He has an asthma, Tucker. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sa anak ko, matagal siya roon sa loob ng horror house at hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa anak ko. Paano kung dahil sa natakot ito ay nawalan agad siya ng malay o hindi kaya...hindi kaya sinaktan nila ang anak ko -"
"Klai...listen, listen. He will be fine, trust me. Alam kong may asthma ang anak natin at agad ko itong pinagamot, hindi pa maayos tottally hanggang ngayon ngunit alam ko rin na malakas siya. I've been with him for years, I know how strong he is." Natahimik ako sa huling sinabi niya at umiwas ng tingin.
Siguro nga tama siya, sa ilang taon nilang pagsasama ng anak ko mas kilala niya ang bata kaysa sa akin. Ang dami kong na-missed tungkol sa anak ko kaya hindi ko alam kung saan siya malakas o mahina, kung ano ang gusto niya at ayaw, kung saan siya mas masaya. Maybe I am just overreacting kasi hindi ko kilala ang anak ko.
"I'm sorry...nag-aalala lang ako para sa kanya, hindi ko alam na mas kilala mo pala siya kaysa mas kilala ko siya." Umiling si Tucker sa sinabi ko at hinarap ako sa kany.
"When he woke up, matutuwa iyon na narito ka pa rin kapag nakita ka niya," he said. Ngumiti ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Para akong batang uhogin na kanina pa umiiyak, nakakahiya.
"Papayagan mo ba akong sa inyo tumira?" Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at kumuha ng lakas na loob, tinanong ko iyon. I looked at him at seryoso na rin ang tingin niya sa akin.
Bakit ganito siya makatingin? Na para bang minute by now ay hihindi siya sa gusto ko. Hindi naman ibigsabihin na babalik ako sa bahal niya ay babalikan ko na siya, we are talking about our son here. Wala ng ibang iisipin kundi si Thrunder lang para maging ligtas ito.
"Bakit ngayon pa?" Huh? Nagugulohan ako sa tanong niya. Pero hindi ako nagsalita, tiningnan ko lang siya na nagtakaka. "Bakit ngayon mo pa naisipan sabihin iyan, Klai?"
"Dahil kailangan ako nga anak ko ngayon, ako ang mag-aalaga sa kanya-"
"Kung hindi ba nangyari ang ganitong trahedya, hindi mo sasabihin iyan para hilingin sa akin?" tanong niya. Ano bang probelam niya at tinatanong niya ako ng mga ganito. "Lalapit ka ba sa akin para hilingin iyan kahit na hindi nangyari ito?" ulit na tanong niya.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko siya maintindihan. May mali ba sa sinabi ko para magtanong siya ng ganito? Gusto kong makasama ang anak ko at naniniwala pa rin ako na may karapatan akong lumapit at samahan si Thruner.
"Ano bang ibig mong sabihin?" Nakakunot noo kong tanong.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin ng seryoso, hindi rin ako kumurap at tiningnan ko rin siya ng seryoso. Hinahanda ang sarili sa kung ano man ang sasabihin niya.
"Hihilingin mo ang bagay na ito dahil kailangan ka ng anak natin? Ganoon ba?" Tumigil siya at umiling, magsasalita na sana ulit ako nang napahinto dahil sa susunod na sinabi niya. "Five years, Lindsay. Limang taon kang kailangan ng anak natin, limang taon din kitang kailangan at sa limang taon na iyon...umaasa ako na magpapakita ka sa amin. Kilala ko ang anak ko, malakas siya noong maliit pa lang siya, malakas na siya noong iniwan mo siya ngunit minsan ba naisipan mong lumapit sa kanya?"
Oo! Nagpapakita ako sa kanya ng palihim!
Gusto kong sabihin iyon ngunit pinipigilan ko ang sarili ko, gusto kong marinig lahat ng gustong sabihin ni Tucker ngayon sa harap ko. Dahil hindi naman halaga kung malaman niya iyon.
"Matagal ka na niyang kailangan. Matagal na siyang naghahanap ng isang ina na tatanggapin at aalagaan siya. Ni minsan din ba naitanong mo kung nahihirapan ba akong alagaan siya at naisip na balikan ako para sa anak natin? Kahit iyon lang ang rason mo para bumalik sa akin, tatanggapin ko-"
"Tucker-"
"Hindi lang ang anak natin ang kailangan ka, Klai. Pati ako, kailangan kita matagal na. Umaasa ako na balikan mo ako, kahit huwag ka nang magpaliwanag dahil tatanggapin pa rin naman kita. I will accept whatever you did to me, gusto ko lang dati pa na bumalik ka."
"Let me-"
"Excuse me, aalis na muna ako." Tiningnan ko siyang tumayo at alam kong sa oras na ito ay tumulo na ang mga luha niya na kanina ko pa nakikita sa mga mata niya.
Ngunit bago pa siya tuloyang makaalis, tumayo ako at hinabol siya. "Tucker!" I shouted so he stopped. Hindi siya bumaling sa akin ngunit ayos na iyon dahil ayaw kong nakikita niyang umiiyak na naman ako.
"Kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko...alam ng Diyos kung gaano ko pinagsisihan ang ginawa kong kasalanan sa'yo..." Pinunasan ko ang luha ko at naglakad palapit sa kanya.
I was about to touch him but I stopped. Pinipigilan ang sarili na umiyak lalo. I gulped twice at tumingin ulit sa likod niya.
"Kaya nga gusto kong bumalik, hindi lang para sa anak natin kundi para rin sa'yo at pagsisihan ang ginawa kong pang-iwan sa'yo."

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon