49

43 2 0
                                    


Nakatayo pa rin ako sa likod niya, inaantay na tumingin ulit siya sa akin pero ilang segundo ang lumipas ay hindi nia ako nilingon, naglakad siya palayo sa akin.
"Tucker," tawag ko. Humito siya pero hindi pa rin ako binalingan.
"I will just call someone." Iyon lang ang sinabi niya at tuloyang umalis. Napapikit ako nang mariin, pinigilan ang sarili na umiyak.
Bakit sa pagkakataong ito, nanghihina akong makitang siya ang lumalayo sa akin. Nahihirapan akong marinig ang mga sinasabi niya kanina, hindi ko alam ang mga bagay na iyon. Ang tanging iniisip ko lang noon ay ang mission dahil sa oras na tapos na ako sa mission ko, aalis na ako pero hindi iyon ang nangingibabaw kung bakit ako umalis. Para sa kaligtasan niya. Alam kong mali ang ginawa ko ngunit wala na akong alam kung anong ibang ipalit na solusyon.
Walang araw na hindi ko iniisip si Tucker kahit noong pinagbuntis ko pa ang anak namin at hanggang sa pinanganak ko si Thrunder, si Tucker pa rin ang naaalala ko sa tuwing pingmasdan ko ang anak ko. Gusto ko lang din naman makasama si Thrunder at siya kahit na ayawan niya ako o parusahan basta hindi na ako aalis sa tabi ng mag-ama ko.
Ilang oras ang lumipas, habang inaantay ko ang anak ko hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan lang ako nang may maramdaman akong humawak sa ulo ko kaya agad akong tumingin kung ano iyon.
"Tucker..." Gulat kong banggit, bahagya akong umatras sa kanya. Nakatulog ako sa balikat niya? Bakit hindi ko iyon napansin na katabi ko siya kanina?
"Hindi na muna kita ginising, nasa kwarto na ang anak natin-" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita nang agad akong tumayo. Bakit hindi niya sinabi sa akin?!
"Saang kwarto? Kumusta siya? Maayos ba siya? Walang galos?" Hindi ko maiwasan ang sunod-sunod kong tanong. Tumayo rin siya at hinarap ako.
"He's fine. Don't worry, okay? Dadalhin na kita sa kanya." He was about to hold my hands but I averted my eyes. "I'm sorry...let's go." I nodded. Nauna siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya.
Ano bang nangyayarii sa akin? Para akong shunga, kanina ay nag-da-drama ako dahil umalis siya na alam ko namang may tatawagan lang siya dahil iyon ang sinabi niya, ngayon naman na nasa tabi ko siya, nag-iinarte ako!
Inalis ko muna ang kahibangan kong iyon nang makarating kami sa kwarto ng anak ko, binuksan ni Tucker ang pintuan at nauna akong pumasok. Agad akong lumapit sa kama ng anak ko kung saan siya nakahiga, he is still asleep.
Bumaling ako kay Tucker nang lumapit siya sa katapad ko. "Bakit hindi pa siya gising? Anong sabi ng doctor, Tucker?" Hindi ko maiwasan ang mag-alala kaya naitanong ko.
"Maayos na siya, kailangan niya lang daw muna magpahinga. Maraming hangin ang hindi pumasok sa kanya kanina kaya nahihirapan siya but don't worry, he is fine." Mahabang sagot niya. Hindi pa rin ako kampante sa sinabi niya, paanong nahihirapan ang anak kong tumanggap ng hangin? Ibig bang sabihin ay malubha ang naging dulot ng nangyari sa kanya kanina. "Magigising din siya mamaya...mas mabuti pang magpahinga ka muna, ihahatid na kita sa bahay-"
"No. Ayaw ko. Hindi ako aalis hangga't hindi magigising anag anak ko, kailangan ko siyang makitang magising at nandito ako sa tabi niya. Pwede ba iyon, Tucker?" Tiningnan niya ako ng seryoso, he heaved a sighed and nodded.
"But at least, eat some or drink a liquid? Bumili ako kanina...here." Tinalikuran niya ako, lumapit sa maliit na lamesa at kinuha ang sinasabi niyang pagkain. Habang inaabot niya ito sa akin, kinuha ko naman nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Thank you," I said. Umupo ako sa couch at nang makitang nakatayo lang siya. "Umupo ka sa tabi ko." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero lumapit din naman siya sa akin at tumabi sa akin.
Siguro kailangan lang namin ng kaunting oras para maintindihan ulit ang isa't isa. Hindi naman mahirap intindihin si Tucker ngunit ang hindi ko alam kung ako ba ay maintindihan niya at hindi na ulit balikan ang nakaraan. "Tucker," banggit ko sa pangalan niya. He turned to me. I can see how serious his eyes, kitang-kita ko rin na nahihirapan siya.
"Ikwento mo naman sa akin kung paano ka naging ama kay Thrunder," sabi ko. Gusto ko lang malaman dahil mas matagal sa kanya si Thruner, sa kanya ito nagkamuwang.
"Bakit gusto mong malaman?"
"Gusto kong punan kahit papaano ang pagkukulang ko bilang ina sa kanya at pagkukulang ko sa'yo noon." Natahimik kami pareho pagkatapos kong sabihin.
I looked at him when he held my hand, he smiled. "Presensya mo lang naman ang kulang sa amin noon ngunit alam kong maging mabuting ina ka rin sa kanya. You saved him, siguro masama lang ang loob ko sa'yo kasi hindi ka nagpakita sa amin kahit isang beses. Ang hirap mong hanapin."
Hindi ako makapagsalita. Sinadya kong hindi niya ako mahanap dahil kilala ko si Tucker, marami siyang koneksyon kaya minabuti kong hinding-hindi niya ako mahahanap o ng kahit sino.
"But I will tell you what kind of father I am," he said. "Noong binigay mo sa akin ang anak natin, hindi ko alam kung paano humawak ng bata at mag-alaga, nanuod lang ko sa youtube kung paano at sa tulong ng mga kaibigan kong may mga anak na. Mahirap ngunit nakayanan ko at nakasanayan ko. At alam ko noong nasa iyo pa siya, hindi mo ako nilayo sa kanya kaya ganoon din ako, lagi kitang kinukwento sa kanya at kung gaano ka kaganda. Though, I did not mention your name at hindi ko rin pinakita ang litrato mo dahil alam kong matalino ang anak natin, hahanapin ka niya nang hahanapin. Kapag nangyari iyon, wala akong ipakita sa kanya."
I can't say a word. Ganoon niya ako pinakilala sa anak ko? "Hey...why are you crying?" Agad akong umiwas sa kanya, lintek na luha ito. Ang bilis lumabas!
"Napuwing lang ako-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hawakan ni Tucker ang magkabilang pisngi ko. I looked at him as he wiped my tears away using his thumb.
"You're still a good mom to him, even though you are not with him." As he said that, palapit nang palapit ang mukha niya sa mukha ko. I closed my eyes as I felt his soft lips kissing me.
I responded to his kiss until someone broke it. "Daddy..."
Mabilis kaming lumingon sa anak namin at sabay na pumunta sa kanya. "Hey buddy, how are you?" Tucker asked him. Hinawakan ng maliit niyang kamay ang kamay ni Tucker and he looked at me kaya ngumiti ako sa kanya.
"Hi, baby. Maayos ka na ba? Wala bang masakit sa'yo?"
"I saw the two of you kissed." I stopped. No, we both stopped and looked at each other. Bumaling ulit ako sa anak namin nang maramdaman ang maliit niyang kamay sa kamay ko.
"Are you my real Mom?""

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon