52

41 1 0
                                    


Nakatayo kaming lima habang pinagmasdan ang mga taong pinapunta ni Jersey dito sa amin, lahat sila ay mga lalaki at hindi ko alam kung saan niya ito nakilala. Hindi na nga kami nakapag-ayos dahil sila na mismo ang gumawa, anim silang lahat. Hindi rin naman mapagkaila na lahat ng nandito ay mga gwapo naman talaga.
I bit my nails in my thumb finger, iniisip pa rin kung paano ito nagawa ni Jersey. Matagal na kaming hindi nakabalik dito sa Manila, hindi rin naman pamilyar ang mga taong ito kaya natitiyak namin na hindi siya galing sa camp.
Dahan-dahan akong lumingon kay Jersey at doon ko lang din napagtanto na pati ang mga kasamahan ko ay nakatingin din sa kanya. She is smiling like a child na tila ba inaasahang magtataka kami. "Who are they?" Almina asked.
"I just knew them online." Kibitbalikat niyang sabi. mas lalong kumunot ang noo ko. Anong online pinagsasabi niya? E'di they are all strangers and she don't know them personally. "Hey, bakit ba?" reklamo ni Jersey nang hilahin siya ni Fresha palayo, sumunod din kami sa kanila at bago pa kami tuloyang tumalikod. Lumingon ako sa mga lalaki.
"Excuse us, mag-uusap lang kami saglit. Kung may kailangan kayo, sabihan niyo lang kami." Nakangiti kong sabi. Nagulat naman akong lumapit ang isa sa kanila sa akin, halos manlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"Oh my gosh." Bumaling ako kay Munique na ngayon ay hindi na rin umiyak nang dumating ang mga ito, kanina pa siya nakatingin sa mga lalaki. "Ang hot talaga nila," dagdag niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na nahiya.
"It's okay, wala pa kaming kailangan pero mukhang pagkatapos nito ay meron na." Pilit akong ngumiti sa lalaking hinawakan ang kamay ko, I bit my lowerlip at umiwas ng tingin. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko mula sa kamay niyang nakahawaka pa rin sa akin dahil mukhang walang balak bitawan.
"T-talaga? Mabuti na man kung ganoon, s-sige...puntahan lang namin ang mga kaibigan namin." Umatras ako nang bahagya sa kanya. Bigla akong kinabahan sa tingin niya kahit bakas naman na magaan ang tingin niya sa akin at sweet pero nakaramdam ako ng takot.
"Hali ka na, babae." Hinila ko palayo si Munique, sumunod na kina Almina sa likod ng bahay.
Pinalibutan na namin si Jersey, naka-upo siya sa upuan at kami naman ay nakatayo habang nakatingin sa kanya. Nag-aantay kung ano ang magiging paliwanag niya. "Magsasalita ka ba o magsasalita ka, Jersey?" seryosong sabi ni Fresha.
Sa aming lima, siya talaga ang pinaka-strict sa ganitong bagay. Ayaw niyang may nakakalaalm tungkol sa amin lalo na kung hindi pa namin nakikita o hindi pamilyar sa amin at biglaan lang.
"Kasi, na-bored ako nang nasa camp tayo. I downloaded a dating app at nakausap ko sila---"
"Lahat sila?" gulat kong tanong, grabe naman kung lahat sila ay nakilala niya. Tumango naman siya.
"Kaibigan lang naman at saka, pinagsabay ko silang kinausap kaso nahihirapan ako kaya gumawa ako ng group chat sa app na iyon at ina-add ko sila, doon ko na sila kinausap." Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaibigan namin.
Sinong baliw ang gagawa no'n? She talked to six guys all together at dahil nahihirapan siya replayan isa-isa, gumawa pa talaga ng group chat. Ano bang pinakain namin sa kanya at nagkakaganito siya? "Hindi sila nag-aaway sa'yo?" Sabay kaming bumaling tatlo kay Munique nang nagtanong siya na nakangiti pa. Mukhang tuwang-tuwa sa kinwento ng best friend niya.
"Hindi, sinabi ko naman na huwag silang mag-away kasi lahat sila gwapo at crush ko," she replied with a smile like an idiot. Napasapo ako sa noo ko, bumaling kina Fresha at Almina na mukhang hindi na rin alam gagawin.
"Alam mo namang bawal ang ganito, Jers. Hindi natin sila kilala, paano kung masama silang tao?"
"Grabe ka naman, Fresh. Mukha silang mga anghel---" Hindi natapos ang sasabihin ni Munique nang sinamaan siya ng tingin ni Fresha.
"Mukha rin naman kayong mga mababait pero kaya ninyong pumatay ng tao na hindi naaawa, anong pinagkaiba natin sa mga taong hindi natin kilala? Baka nakalimutan na natin na lahat ng tao kahit hindi natin kilala ay may kasamaan. Hindi ka nag-iingat."
Natahimik kami nang biglang umalis si Fresha, naiwan kaming nakatingin sa kanya. "Gusto ko lang naman makatulong." Bumaling ulit ako kay Jersey nang tumayo siya. "Papauwiin ko na lang sila, pasensya na."
"Jersey..." I was about to stopped her pero nagpatuloy siyang naglakad papasok. Tumingin ako kay Almina at Munique.
"Naiintindihan naman siguro natin silang dalawa? Gustong makatulong ni Jersey ngunit nag-iingat lang din si Fresha. Ayusin na lang natin ito mamaya," she said.
Tumango ako at magsasalita pa sana nang biglang tumunog ang cellphone ko, tumingin muna ako sa kanilang dalawa bago sagutin kung sino ang tumawa. It was Tucker. Ilang minuto lang na tiningnan ko ang pangalan niya, hindi ko pa rin sinagot hanggang sa nagsalita si Almina.
"Puntahan mo na sila, kailangan ka ng anak mo." Tumingin ako sa kanya ng seryoso, bumaling din kay Munique na sumeryoso na rin ang mukha. Hindi ko pa sinabi sa kanila ang nangyari kanina.
Natatakot akong makita ang anak ko, hindi dahil ayaw ko siyang makita kundi dahil ayaw kong masaktan na hindi ako ang kailangan niya. Na hindi niya ako kilala bilang ina niya. "Siguro mamaya na lang---"
"Klai, puntahan mo sila. kaya na namin ito at babalitaan ka na lang namin kung nagkaayos na sina Fresha at Jersey." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Alam naming may pinagdadaanan kang hindi sinasabi sa amin, at naiitindihan namin iyon. Nirerespeto namin na ikaw lang ang nakakaalam, kahit hindi namin alam kung ano iyan ramdam namin na mahirap para sa'yo. Mahirap para sa ating lahat, ngunit alam din naman natin na kakayanin natin, hindi ba? Kaya, puntahan mo na ang mag-ama mo. Kung gusto mong bumawi sa kanila, ito na ang pagkakataon na gawin mo. Kung nagsisis ka sa ginawa mo noon, ito na rin ang panahon para matanggap ang pagkakamali mo." Mahabang sianbi niya.
Bigla akong nanlumo sa mga salitang sinasabi niya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hanggang ngayon mahirap pa rin talaga para sa akin ang lahat. Pero, alam ko rin naman na kasalana ko kung bakit ako nahihirapan. Wala akong karapatan mag-reklamo ngunit may karapatan akong masaktan, dahil anak ko ang pinag-uusapan dito at ang lalaking minsan ko na ring minahal.
"Hindi ko alam ang gagawin ko..." Nahihirapan kong sabi. BUmaling ako kay Munique nang lumapoit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko sabay ngiti.
"Ikaw na ang nagsabi sa akin na kakayanin ko, kaya ibabalik ko sa'yo iyon. Makakaya mo dahil ikaw si Klailea at wala kang mga bagay na sinusukuan. Yes, mahirap dahil naging ina ka na minsan ngunit mas mahirap kong hindi mo ipaglalaban ang karapatan mo sa kanya...sa kanila. Tama si Almina, ito ang panahon para itama ang mga pagkakamali mo. Nandito lang din ako, kami para sa'yo kapag sa tingin mo wala kang makakapitan."
Niyakap ko silang mahigpit dalawa. "Thank you, I will do it. Ako ang nanay ni Thrunder kaya ako ang dapat kasama niya."

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon