Prologue: Can I finally touch you?

6 1 2
                                    

- Our distance -

"If any of this is a novel, then I'm not your leading man." Para akong nawalan ng hininga sa sinabi niyang 'yon. "I can't keep going on like this, masyado ko ng nasasaktan ang sarili ko, nadadamay ka pa, at ayaw ko na talagang mangyari ulit 'yon."

"Gusto kong magmaka-awa talaga sa 'yo, gusto kong sabihing dito ka lang."

"We should keep our distance from now on, bumalik sa dating gawi natin, mas maganda 'yon 'di ba?"

"Sabihin mo nalang kasing hindi mo ako minahal, hindi mo ako nagustuhan o kahit man lang pinahalagahan." Kumuyom ang palad ko, pinipigilan ko nalang ang pag-iyak ko kahit talagang nasasaktan naman na talaga ako sa mga naririnig ko mula sakanya.

"Ganito ba talaga 'pag nagmamahal ang isang tao? Kailangan mo siyang layuan, kailangan mo siyang kalimutan."

"Hindi ako gano'n, alam mo 'yon!" Pasigaw niyang sabi, gusto ko siyang suntukin pero malayo siya, hindi ko siya kayang abutin.

"Nais kong talunin nalang ito para mahawakan ko siya't masaktan nalang ng tuluyan nang tumigil na lahat ng aking sakit na nararamdaman."

"Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita nakita! At sana... Hindi nalang kita minahal!" Sigaw ko rin, iyong tipong dama niya talaga nang pati rin siya masaktan.

"Sana nga..." Nagsimula nang tumulo ang aking luha nang lumabas ang salitang 'yon sa bibig niya. "Panaginip nalang sana 'to Claire, mas sasaya pa ako." Mapait siyang ngumiti matapos sabihin 'yon. "I regretted it, nagsisi akong nadamay ka pa sa pasan ng aking mundo."

"Pa 'no ba yan? Eh ikaw ang mundo ko."

"Besides, I'm already in love with someone." Mapait din akong ngumiti at nakaisip pa ng kung ano sa aking utak.

"Let me be your someone then."

"Please just give me another chance, promise I won't screw it again... Please... I'm begging you." I closed my eyes to endure the pain I'm feeling right now, every flow of tears coming from my eyes totally kills me, and I can't do anything about it to stop.

"No... Don't beg for my love and company, please, I'm also begging you to let go of me, saan ang parteng do'n ang 'di mo maintindihan?"

"Lahat ng iyon..." Humihikbi kong sagot sabay pahid sa aking luha. "Lahat ng 'yon hindi ko magawang intindihin..."

"Let go of me before it's too late... I'm not worth it... I'm so stupid for wasting your love."

"But I can stay with you always... Kahit saan ka pa pumunta, susundan kita, kahit ilang dipa pa ang layo mo, tatakbuhin ko para makasama ka." I sounded desperate yet why am I still doing this.

"Don't be desperate because of me, why don't we just keep our distance? We can't see each other, touch each other, talk to each other at all, just two people living their damn life." Then he closed his window, hindi ko pala namalayan, nagsisigawan kami para magkarinigan.

All this year, palagi nalang may bintanang nakaharang sa ating dalawa, mukhang hindi na nga matatanggal.

"He's my neighbor, Aiden, while here I am, also his neighbor Claire, and together, we only see each other, barely having a physical contact with one another."

---

The Window Between UsWhere stories live. Discover now