- I'LL TELL YOU WHEN -
"Nice game guys! Nice game!" Sa sulok ay napapangiti nalang ako kung saan pinapanood ko ang ultimate crush ko na si Ryker na magpunas ng pawis at uminom ng tubig mula sakanyang tumbler matapos ang laban.
Panalo sila, 81-64 ang score, tambak ang kalaban kaya naman sobrang saya ko para sakanila, abot langit ang saya.
Lalapit sana ako sakanya para magpa-picture pero dumating ang sinasabi nilang nililigawan niya, si Mikaela, kinuhanan sila ng litrato ng mga kaibigan niya at kita ko ang pagtodo ng ngiti niya.
Kaya imbes na lumapit pa ako sa gawi nila ay unti-unting umatras ang aking mga paa at napabulong nalang.
"Wag nalang." Tsaka ako tumakbo sa labas para maabutan ang malakas na ulan. "Gagi, wala akong dalang payong." Sabi ko sa aking sarili, kay ganda lang naman kasi ng panahon kanina, hindi ko naman aakalain na uulan ng malakas ngayong natapos na ang kanilang laro.
Malapit ang municipal gym sa bahay ng kaibigan ko kaya naman tinawagan ko siya para sabihing doon muna ako tutuloy hanggang sa tumila ang ulan.
Syempre, wala naman siyang angal, tsaka ko na rin siguro ipapaalam kay Mama 'pag nakarating na ako sakanila.
Bahagyang lumabo ang paningin ko dahil sa nabasang lens ng aking salamin, pero kahit ganoon ay pinilit ko pa ring aninagin ang paligid.
Subalit kahit anong gawin kong pag-aninag ay natutuluan lang ng ulan ang aking salamin kaya naisipan kong punasan nalang ito kaya lalong wala na akong nakita.
Pagkatapos kong punasan tsaka ko iyon ulit sinuot, napansin kong wala na rin gaanong tao sa baba, puro nagsisi-alisan na.
Malas pa naman dahil maraming mga sasakyan ang dumadaan kaya damit ko'y nadudumihan na, tumingin ako sa side para sana roon muna sumilong habang hinihintay na mawala ang mga sasakyan at para makatakbo ako sa kabila upang doon muna maghintay ng tricycle, pati tricycle ubos na rin.
"Maraming tao talaga ang dumalo sa labang ito."
Nagulat ako sa natumbang transparent na payong sa aking paa, pinulot ko 'yon at tinignan kung sino ang may-ari, pero wala akong nakita, isang lalaki lang na naka-hoodie at naka-mask ang dumaan kasabay ng pagtumba ng payong kaya sa tingin ko'y siya ang nagbigay nito sa 'kin.
"Imposible namang iiwan niya rito eh dapat nga gamitin niya pa dahil sa malakas na ulan ngayon."
Magpapasalamat sana ako pero wala na siya, sumakay na sa kotse na katapat ko mismo, tanging tinted lang na bintana ang nakikita ko sa labas.
"Ultimo mukha hindi ko nakilala kaya paniguradong hindi ko na ito maisasauli sakanya."
Kaya kasabay ng pagharurot paalis ng kotse...
"Salamat..." Sambit ko at nakangiting naglakad papunta sa bahay ng kaibigan ko, kahit may kalayuan ay wala akong choice kundi maglakad kasi wala namang dumadaan na tricycle o kakilala.
"Mukhang nasayang lang ang OOTD at effort natin na i-cheer siya, baka official na silang dalawa."
Pero kahit gano'n ang nakita ko ay hinahangaan ko pa rin siya, hindi na nawala sa isipan ko 'yon.
Medyo may kalayuan ang nilakaran ko, nag-offer kanina ang kaibigan ko na susunduin nalang ako sa gymnasium pero tumanggi na ako, sakanila na nga lang ako pupunta magpapasundo pa.
Kaya nang makarating na ako sa bahay nila, pinagpalit agad ako ng damit at nasa kusina kami habang tinitimplahan niya ako ng kape.
"Nasaan si Tita?" Tanong ko rito, pinahiraman din ako ng kumot kasi giniginaw akong dumating dito.
"Saan pa ba, naghahanap ng bago kong stepfather." Naupo siya sa tabi ko tsaka nilapag ang kakatimplang kape na 3 in 1. "Sabi ko naman kasi sa 'yong susunduin nalang kita, tumanggi ka pa kaya ayan tuloy, basang-basa kang dumating dito at baka magkasakit ka pa."
"Sabi ko nga lang na okay lang ako, malayo ito sa bituka kaya 'wag ka ng mag-alala." Ngumiti ako sakanya para ipakitang okay lang talaga ako kahit papa'no.
"Sabi mo ah, tsaka teka nga lang muna, may payong ka naman pero bakit basang-basa pa rin iyang mga suot mo?"
"Wala akong dalang payong kaninang uwian, nag-aantay ng tricycle sa ilalim ng puno eh ang lakas-lakas ng ulan kaya kahit ano'ng gawin kong silong, mababasa at mababasa pa rin talaga ako." Tugon ko sabay higop sa aking kape. "Hindi ko naman alam na sa kalagitnaan ng pagsilong ko may magbibigay ng payong." Bahagya niyang tinignan ang pinapatuyong payong sa pintuan nila.
"May logo na A, sa tingin mo? Sino ang kakilala mong may pangalan na nagsisimula sa A?" Nag-isip din ako pero walang sumagi sa isipan ko. "O 'di kaya naman, apelyido, at Altre 'yon!" Kinililig niyang sabi, Altre ang apelyido ni Ryker kaya naman pati ako ay nagulat din.
"Pero imposibleng siya ang nagbigay no'n, nararamdaman kong hindi siya."
"Hindi mo ba nakita ang nagbigay?"
"Naka-hoodie at naka-mask lang ang nakita kong dumaan kasabay ng payong na 'yan, kaya imposibleng si Ryker 'yon, sigurado akong hindi talaga siya."
"Paano mo namang nasabing hindi siya? May ebidensya bang hindi siya? Eh pati nga ikaw hindi mo rin namukhaan ang taong 'yon eh, baka inutusan."
"Bakit naman niya 'yon gagawin kung may nililigawan na 'di ba?" Natigilan siya sa pagdada at naupo ulit sa tabi ko.
"Sinong nililigawan? Sa'n mo nakalap 'yan mare?" Natatawa niyang sagot nang maka-recover.
"Sa school natin malamang."
"Oh eh sino naman ang babaeng nililigawan niya base sa chismis na nakalap mo?"
"Iyong Mikaela ba 'yon? Oo siya." Natigilan ulit siya. "Kilala mo?" Nang magtama ang paningin namin ay tsaka siya unti-unting nagsalita.
"Hindi niya 'yon nililigawan, maniwala ka, matalik lang na magkaibigan ang dalawang 'yon." Paninigurado niya kaya napaisip ulit ako.
"Kung 'yong crush ko man ang nagbigay nito, ano ang dahilan? Kung isang taong hindi ko naman kakilala ang nagbigay, sino naman siya? Who is that person? Where can I meet you? Or when can the world tell me when?"
"OMG! Tama nga ang hula ko! I'm so happy na napansin na niya rin feelings mo."
"Can I meet you?"
---
YOU ARE READING
The Window Between Us
Romance[Dusk Series #01] When a cheerful and go lucky girl meets her new neighbor, a quiet type boy, leading to see each other all the time because of their windows facing each other. Even so, she can't approach him because she's scared that he might treat...