Chapter 02: Your future

0 0 0
                                    

- NO, YOU DON'T -

AIDEN

"Hindi ko bagay." Sambit ko habang inaayos ni Tasha ang kwelyo ng uniporme na gagamitin ko para sa bago kong paaralan.

"Anong hindi? Guwapo mo kaya, 'di ba? Tingin ka nga rito." Hinayaan kong hawakan niya ang baba ko para tignan ang mukha ko, napapangiti pa nga ako eh.

She's my long time girl best friend, 2 in 1 sa totoo lang, 40% kaibigan, 60% crush since Grade 5, pero kahit palagi ko siyang nakakasama, I don't know the reason behind myself not confessing to her, she's my friend after all, baka masira lang ang relasyon naming dalawa kapag.

"It's not comfy." Reklamo ko matapos iyon tanggalin at maupo sa aking kama.

"Masasanay ka naman eh," Nakangiti niyang tugon sabay upo sa gaming chair ko. "Hindi mo pa naman na-experience ang lumipat ng bahay pati na rin school, kaya normal lang na manibago."

"I don't want to move, I just want to stay here and here only." Ever since that day my Father had announced that he got promoted as the Manager in one of their pharmacy branches, kaya sa ayaw at sa gusto namin kailangan naming lumipat ng tirahan kasi sa Region 2 iyon, masyadong malayo.

Hindi rin gusto ni Mama na palagi nalang siyang uuwi rito ng weekends, mas lalong mapapagod daw kaya kami na nag-adjust.

Sa susunod na Linggo ang alis namin, dahilan kung bakit inaayos ko na ang mga gamit ko para sa school at gamit para sa magiging bago kong kuwarto.

Sa tulong ng kaibigan kong si Tasha mas napadali ito, siya na ang nag-ayos sa iba kong damit sa maleta, ayaw ko man ay siya na ang nagsabing 'di naman daw nakakaabala 'yon para sakanya.

Ang alam ko nga'y may gagawin silang video ngayon sa bahay ng classmate niya pero mas pinili niyang sa susunod na araw nalang pumunta para masamahan ako sa pag-aayos.

Nauna ng dalawang buwan ang klase nila rito kesa sa amin, ang dahilan ay 'di ko alam, pero pinasadya nina Mama at Papa na sa August na ang paaralang papasukan ko para naman mas mahaba ang panahon na paghahandaan namin.

"That's their choice, you need to follow them, wala namang mawawala sa 'yo."

"Ikaw." Sabi ko sa isipan ko sabay tingin sakanya. "Ang torpe ko kasi masyado, nasabi ko na sana ngayon kung ano ka sa akin."

"Baka tatapusin ko lang ang video namin, bibisita rin kami sainyo sa bago niyong bahay, nais din nina Mama na makapasyal." Biglang lumiwanag ang mukha ko sa narinig.

"That means..."

"That means magkikita tayo ulit, at baka maging kaibigan ko pa mga bago mong kaibigan doon."

"That won't happen, paniguradong mag-isa ko lang do'n buong school year." Bahagya akong humiga sa kama tsaka tumitig sa kisame na binalik din sakanya ang paningin.

Siya'y isang maputing babae na matangos ang ilong, kulay tsokolate ang kanyang mga mapupungay na mata at ang haba ng makinang niyang buhok na kulay itim naman at nababagay lang sa mukha niya.

"Hoy, tinatanong kita." Nabalik ako sa huwisyo nang pitikin niya ang ilong ko, dahilan para mapabangon ako at doon makita ang seryoso niyang pagmumukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Window Between UsWhere stories live. Discover now