Chapter 01: Who's the new neighbor?

0 0 0
                                    

- NICE TO MEET YOU -

CLAIRE

"Ma!" Sigaw kong tawag kay Mama kasi hindi ko mahanap ang isang pares ng aking medyas. "Ma! Ma!" Paulit-ulit kong tawag hanggang sa may marinig akong mga yabag ng paang papunta sa aking kuwarto. "Nakita mo ang isang pares ng medyas ko? Nawawala kasi eh."

"Palagi nalang bang 'pag may nawawalang gamit mo ako ang dapat may alam?" Ani ni Mama tsaka lumapit sa aking mga gamit para makihanap. "Aba'y malay ko'y baka nabato mo sa bintana riyan sa kabila." Napalingon ako kay Mama sabay tingin sa bintanang katapat ng bintana ng nasa kuwarto ko.

Walang tao, madilim sa loob at nakasara ito, ilang taon na rin kami ritong nakatira pero hanggang ngayon wala pa akong naabutang nakatira riyan.

"Kailan ang huling may tumira riyan sa kabila Ma?" Tanong ko na kinalingon niya rin sa kabilang bintana.

"Hindi ko alam, ang sabi nila, bago pa tayo manirahan dito, may isang pamilya na masayang namamalagi riyan, hindi alam ang dahilan kung bakit sila umalis." Maya't-maya'y may nilapag siya sa aking kama. "Iyan na pala ang medyas mo, nasa libro mo, naipit, ayusin mo kasi sa susunod ang mga gamit mo nang hindi mapunta sa kung saan-saan." Sabi niya bago siya umalis ng aking silid, hindi ko pinansin ang magulong kama ko dahil sa paghahanap, mabilis akong naupo sa study table at marahang binuksan ang aking laptop.

May miscalls si Maya kaya ako naman ang tumawag sakanya, video call nalang ang ginawa ko para kung sakaling may bago siyang chismis ay makikita ko ang reaksyon at aksyons niya.

Maya is my long time best friend, palagi siyang nandiyan sa tabi ko, through good and bad times kaya I never doubted na masisira kaming dalawa.

"Uy beh, may chika ako!" Nakikilig niyang sabi, napanganga naman ako kasi sinasadya niyang pinapakita ang malaking banner sakanyang likod na may nakalagay na RYKER × CLAIRE. "Beh... Mukhang crush ka na rin ni Ryker!"

Ryker, my great crush since first year high school, basketball player at always rank 1 sa klase namin, pero never in my life na nakausap siya kahit halos isang dipa nalang ang layo ng upuan namin ngayong year.

"Alam kong sinungaling ka, at magpapatuloy 'yon." Singhal ko sakanya na kinairap niya lang.

"Pero aminin mo... Kinilig ka... Hahahahahaha." Pang-aasar niya sa akin tsaka nilapit ang mukha sa kamera. "What if sa Lunes liligawan ka na niya?"

"Sa panaginip? 'Di na bago sa'kin 'yon." Umilag ako kahit screen lang naman niya ang binato niya ng unan.

"You are so tanga talaga."

"Galit na 'yan, nagco-conyo na eh."

"I'll call you back later Maya, babalitaan kita." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa, pinatay ko na agad ang tawag nang marinig ang ingay ng sasakyan at nakitang tumigil ito sa tapat ng katapat naming bahay.

"Is it finally happening?"

Masaya ako sa loob-loob kahit hindi ko pa naman nakikita kung sino-sino ang mga tao na nakasakay sa loob ng magarang kotse.

"Is it finally here?"

Pinanood ko silang isa-isang bumaba mula sa sasakyan, at naagaw ng pansin ko ang lalaking nagsara ng pintuan sa likod.

The Window Between UsWhere stories live. Discover now