Waiting at Your Backdoor

4.6K 45 21
                                    

Waiting at Your Backdoor

(c) supergirlwearspants

S o f t  c o p i e s are not yet available.

All Rights Reserved.

______________________________________________

"It is surely of the essence of an emotion that we should be aware of it. Yet it is beyond question that we can 'have' feelings that we do not know about."   ~Sigmund Freud

______________________________________________

PROLOGUE

Eto ako ngayon, masugid na naghihintay sa backdoor ng buhay mo.

Ang tagal ko na rin dito, pero hindi mo pa rin binubuksan ang pintuan. Hindi na ako magtataka dahil alam ko namang abala ka sa paghihintay sa kanya sa frontdoor mo.

Habambuhay nalang ba akong maghihintay dito sa labas, at aabot pa tayo sa puntong aalis nalang ako dahil sa sobrang kapaguran?

Minsan, naisip ko na lamang umalis. Masyado nang mahirap - masakit. Hindi ko alam kung anong meron kaya't hindi pa rin ako makalayas sa kinatatayuan ko. May glue ba dito sa door step mo? Walang halong biro, ayoko na eh, pero hindi ko pa din makuhang umalis.

Nagmumukha na akong tanga dito sa kakahintay, at hindi mo man lang alam iyon. Nagmumuka ka na ring tanga, pati ba naman iyon, hindi mo rin alam?

Alam ko namang napapagod ka na rin sa kakahintay, pero hindi mo man lang ba naisip na may taong naghihintay din sa'yo sa labas?

Dahil nakatuon lahat ng atensyon mo sa kanya, nakakalimutan mo na 'yung ibang taong mas karapat-dapat pang papasukin sa buhay mo.

Hindi ko man kayang pumunta sa front door mo tulad ng ibang babae. Hindi man ako kasing ganda, sikat at kapansin-pansin tulad niya, pero masisiguro kong hindi ako maglalabas-masok sa buhay mo. Hindi kita papaasahin sa wala, at hindi ko kailan mang magagawang paglaruan ang puso at damdamin mo.

Hay, kung makakapasok lang sana ako sa buhay mo nang hindi mo namamalayan, kaso parang akyat-bahay naman ang peg ko dito. Alam ko namang... hindi ko kakayanin. Wala sa isip mo ngayon ang ibang bisita kundi siya lamang.

Pero, hindi naman kaya...

hindi niya binubuksan 'yung backdoor niya dahil wala namang kumakatok? Dahil ba hindi ko sinusubukang kumatok kaya iniisip niyang walang tao doon?

Ewan... parang... wala akong lakas ng loob para gawin 'yun.

Paano kung kumatok ako... pero pagsarahan niya pa rin ako ng pintuan? Kumatok man ako, wala rin naman nangyari. Kumatok man ako, hindi rin naman niya ako tinanggap. Kumatok man ako, hindi pa rin niya ako pinapasok sa puso niya. Huwag nalang kaya?

Kaso tuluyang nag-iba na ang ihip ng hangin ngayon. Hindi ko na kasi talaga kaya. Bahala na kung papapasukin niya ako sa buhay niya o hindi, basta ang importante nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kaya eto na naman ako ngayon, masugid na naghihintay pa rin sa backdoor ng buhay mo... Papapasukin mo na kaya ako? Tignan nalang natin.

Waiting at Your BackdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon