[5]

443 18 9
                                    

CHAPTER 5

<---Annikka's POV--->

Ang dami nang nagbago kahit dalawang araw pa lamang ang nakalilipas. Hindi lang naman kasi basta-basta ang nangyari noon, madami talaga ang maaapektuhan. Pero to think, ngayon pa lang nagsisimula ang pagbabago, parang ayoko nga lang subaybayan. There's still more to come. Tsk.

Una sa lahat? Profile picture na ni Jerome sa Facebook 'yung picture nilang dalawa ni Eris. Malay ko kung saan kuha 'yun, pero malamang nung Friday night 'yun. Nagsi-kalat na rin 'yung mga picture, mapa-pose o stolen, nila noong championships. Ang dami, para tuloy silang artista. Well, it-couple naman sila kumbaga eh, bagay na bagay nga sila. Haaaay.

Bale, sinagot na yata ni Eris si Jerome nung gabing naiwan silang dalawa sa gym. Ewan ko kung saan pa sila pumunta pagkatapos nun, basta alam ko lang na magkasama sila. Hindi ko sure kasi di ko pa natatanong si Jerome tungkol sa love life niya at hindi ko alam kung matatanong ko ba. Bahala nalang! =_____=

Umagang-umaga, ang drama ko na. Anubayan! Ayoko naman maging madrama na ang buong araw ko. Chillax lang dapat, yelo lang! Kainis, hindi dapat ako nagpapa-apekto sa kanilang dalawa eh. Crush ko lang naman si Jerome, tapos etong si Eris naman 'yung lucky girl na nagmamay-ari ng puso niya. Eh eto nga akong walang kamalay-malay kung ano ba talaga ako para sa kanya... wala akong karapatang umastang bitter ex-gf.

Nasa loob lang ako ng classroom naming nakaupo mag-isa, wala pa kasi 'yung kadaldalan kong katabi. Alam niyo naman 'yung si Megan, palaging na-lelate. Wala tuloy akong kausap masyado ngayon, eto naman kasi ako, napaaga ata nang sobra.

Kahit si Jerome man lang... wala pa rin. Wala tuloy akong makitang gwapo. De joke lang! Well, wala pa naman talagang gwapo sa room namin sa ngayon. Nagpapaka-loner na nga muna ako dito diba? Eh ayoko namang matulog tulad ng iba diyan, at wala naman akong i-cacram na homework dahil tinapos ko na 'yan. Nganga nalang ba?

*sniff* *sniff*

Alam ko 'yung pabango na 'yun ah, hindi ako pwedeng magkamali. Hihihi, kay Jerome 'yun! Aba syempre, alam ko talaga 'yung amoy ng pabango niya, ambango kaya! Ewan ko, 'yung iba kong kaklase naririndi sa amoy kasi matapang daw, eh mabango naman ah? Ewan ko na talaga. Gusto niyo malaman 'yung brand? Alam ko din 'yun, pero wag na lang, hindi ako endorser nun. Hahaha!

Pagpasensyahan niyo na ako sa *sniff* *sniff* part, medyo may pagka-weirdo na talaga ako pagdating sa mga crush ko na 'yan. Ang stalker tuloy ng peg ko dito! Kasalanan ko bang alam ko lang by heart ang pabango ni crush? Hmm? ^o^

Napalingon ako, tama nga ang hinala ko! Dumating na rin si Jerome, at SANA NAMAN KAUSAPIN NIYA AKO! Sa last row naman siya nakaupo, samantalang sa second row naman ako. Nilapag niya 'yung gamit niya sa upuan niya, ano 'to, lalabas siya tapos pupunta siya sa classroom ni Eris? Pakshet, ang gwapo niya lang talaga! Pasulyap-sulyap nalang ako sa malayo hanggang ganito nalang ba talaga habambuhay?

Omo!! Naglalakad siyang papalapit sa akin ngayon! Pakshet, anong gagawin ko?! Nako, yelo lang Annikka. Chillax lang, wag na wag kang magpapahalatang may gusto ka kay Jerome!! *o* Friendzoned na nga ako sa kanya, ayoko nang ma-strangerzoned! Lecheng 'yan, mas gugustuhin ko pang maging friends lang kami kaysa 'yung tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko.

Waiting at Your BackdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon