[7]

394 19 10
                                    

CHAPTER 7

<---Annikka's POV--->

Kung akala kong wala nang mas lalala pa doon sa nakita ko sa corridor nung Monday, aba, maling-mali ako. Expected ko naman 'yun eh... pero parang fresh na fresh pa rin 'yung feeling tuwing nakikita ko sila. Nakakapanibago lang, ang dami nang nagbago kay Jerome. Hindi ko na nga halos maramdaman 'yung presensya ni Jerome sa klase eh! Kung dati, nagtetext lang siya tuwing may klase, aba ngayon natutulog na rin siya! Tapos, late na rin siyang pumapasok. Anyare sa kanya diba?

Sa tingin niyo ba, sa isang araw lang 'yan nangyari lahat? Hindi 'no! Hmm, ganito kasi 'yun...

Noong Monday, masyado yatang na-carried-away si Jerome kasama si Eris kaya nalate nang mga 10 minutes sa klase namin after lunch. Free time daw kasi ng section ni Eris, kaya hindi pa daw siya agad umalis, ayun hindi niya namalayang late na pala siya. Buti na nga lang hindi siya napagalitan ni Mr. Palma eh.

Kung nagtataka kayo, nalaman ko lang pala 'yun kay Lester, 'yung best friend ni Jerome. Intrusion of privacy man kung tawagin, pero na-overhear ko lang naman 'yun sa kanila ni Jerome. Baka lumalakas ang five senses ko, basta crush ko ang involved! Hahaha, hindi naman talagang lahat ng five senses ah, wow lang. Pero malay natin, hindi ko naman kasi nagagamit lahat diba! Tss.

Buong maghapon, wala nang ibang ginawa si Jerome kundi magtext. Hindi na nga siya nakikisali sa mga kalokohan ng mga kabarkada niya sa loob ng classroom. Lutang siya, grabe! Andoon nga siya kasama ng mga kabarkada niya, minsan nga hindi pa eh, pero hindi naman siya nakikisama. Ewan, ano ba 'tong epekto sa kanya ni Eris? Maganda ba o masama?! And to think, simula palang 'to ha.

Nung uwian naman, ayun, pinuntahan niya si Eris sa classroom nila tapos sabay na silang bumaba. Paano ko naman nalaman? Cleaner ako tuwing Monday, naiiwan kami sa taas habang nag-uuwian na 'yung iba. Ayun, napansin kong sa kabilang hallway dumaan si Jerome. Bakit pa siya doon dadaan kung may hagdanan naman malapit sa classroom namin diba? Duh, classroom nila Eris 'yung malapit doon eh. Tapos, hindi siya bumaba agad-agad, dumiretso lang siya sa paglalakad. Aba, hindi na talaga ako magtataka. Hindi ko na sila nakita kung magkasama silang bumaba, kasi wala naman ako sa taas para mang-stalk diba? Nagkataon lang naman kasing dumungaw ako sa baba, tapos nakita ko silang nag-uusap sa may mga benches doon. Aray lang, ang saklap naman ng view! Pero ewan ko rin sa sarili ko kasi hindi ko naman agad inalis 'yung tingin ko sa kanila, masokista lang? By the time na bumaba ako, ayun, wala na 'yung dalawa. =____=

Parehas lang nangyari noong Tuesday, 'yung eksenang nasaksihan ko kahapon ganon pa rin 'yung nakita ko. Hindi na nga lang na-late si Jerome... syempre, hindi na free time nila Eris eh. Tapos bad shot na siya kay Sir kung nagpalate na naman siya. May pagka-GC din naman kasi si Jerome. Hindi lang puro hangin laman ng utak nun 'no!

Pagdating nang Wednesday, napansin kong late dumating si Jerome sa first subject namin. Hindi naman talagang late, pero maaga kasi 'yan dumadating madalas eh. Akala ko na nga absent siya eh... hahabol pa pala. May weird feeling nga lang ako nung oras na 'yun, parang may ibang nangyayari sa lalaking 'yun eh? Sinapian ba 'to ng zombie? Nakakalurkey siya ah! Tsk.

Nalaman ko lang 'yung sagot nang marinig kong inasar siya nina Arvin.

 

Waiting at Your BackdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon