[13]

154 3 2
                                    

CHAPTER 13

<---Jerome's POV--->

Sa wakas, last day na rin namin bago mag-sembreak! Gusto ko na makatikim ng break eh, masyadong nakaka-stress sa school. Wala eh, di naman kasi normal yung school namin. Abnormal kasi, de biro lang. Late na nga kami eh, ibang school patapos na sembreak, kami magsisimula palang.

Distribution of cards namin ngayon, ano naman kaya top ko? Akalain niyo, Top 3 kaya ako noong first quarter! Ayos diba? Wala, diskarte ko lang 'yan. Matalino naman ako, pero talagang nasa diskarte 'yan. Tamad naman kasi ako mag-aral, sa totoo lang. Wala naman ako masyadong pakialam, yung majors lang talaga.

Pero kahit ganon ako, ako pa rin pinakamasipag sa tropa namin. Si Lester pinakamatalino sa aming apat, pero siya pangalawa sa pinakatamad. Si Arvin 'yung pinakatamad. Hahahahaha, secret lang natin 'yan na sinabi ko sa inyo. Peace tayo Lester at Arvin!

Uwian na namin. Kasama ko 'yung tropa sa labas ng classroom, hinihintay dumating 'yung adviser namin at 'yung mga magulang namin. Kahit gusto ko, hindi ko mapuntahan si Eris ngayon. Baka makita pa ako ng nanay niya, tapos paghinalaan pa kami nun! Deliks kami niyan, two years pa bago mag-18 si Eris. Sa ngayon, hanggang manliligaw lang ako sa pagkakaalam ng parents niya. Kaya ko naman maghintay ng two years para maging legal kami, kayang-kaya kamo!

Ok lang kahit di ko kasama si Eris, magkatext naman kami ngayon eh. Pero sayang, gusto ko siya makita eh!

"Ano kaya top ni Jerome ngayon?" Sabi ni Lester.

"Nasa top pa rin kaya yan?" Sabi ni Arvin.

"Mga g*go kayo, pag ako pasok sa Top 10 ililibre niyo ako isa-isa!"

Imposibleng wala ako sa top 10! Nararamdaman ko 'yun, matataas naman grades ko so far! Hindi ako bastang nagmamayabang dito mga pare ah. 96 kaya 'to sa Math, 94 sa Physics, 96 sa Calc... unit-based 'yung grading system namin kaya kampante na ako basta mataas majors ko.

"Pre nananahimik ako dito! Si Lester lang at si Arvin!"

"Ba't pati ako? Si Arvin lang!"

"G*go! Ba't ako lang?!"

"Mga kuripot! Hahahaha!" Ayaw talaga manlibre ng mga 'to kahit kelan sila.

"Lilibre ka nalang kita kung Top 1 ka." Ayos ka rin Les enu?

"Sige na nga! Lilibre ko kayo kung hindi. Deal?"

Hay, parang hindi pa ako kilala ng mga 'to. Mahilig kaya ako sa thrill! Tignan lang natin kung manlilibre ba ako o ako ang ililibre ng mga 'to. Mwahahahaha!

At dahil nga napunta na kami sa ganitong usapan... ipakilala ko na kaya si Eris sa nanay ko kung sakaling Top 1 nga ako? Si Eris lang naman ang bawal sa amin eh, supportive naman parents ko sa aming dalawa. Kilala naman nila si Eris eh, pero hanggang picture lang. Syempre profile picture ko sa FB 'yung picture naming dalawa nung awarding. Gandang-ganda nga sila kay Eris eh, bagay daw talaga maging isang Torralba. Balang araw, darating din tayo diyan.

Waiting at Your BackdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon