[15]

125 5 1
                                    

CHAPTER 15

<---Annikka's POV--->

Tapos na 'yung sembreak namin, oras na para bumalik sa school at harapin ulit ang stress ng acads. Wala akong ginawa masyado sa loob ng maikling panahon na 'yun. Sembreak na nga lang, acads pa ba poproblemahin ko? Nasa bahay lang ako, the usual kain-tulog-computer-whatever na gusto kong gawin routine. May mga iniwan na homework sa amin, ginawa ko na agad para tuloy-tuloy na 'yung bakasyon ko. Pinagtuunan ko lang sarili ko ng oras, tapos 'yun na 'yun.

Pagkapasok ko sa classroom, parang may nag-iba ata ang ihip ng hangin. Noong tumungo ako sa upuan ko, parang nagloko ata 'yung tanging superpower na meron ako: 'yung pagiging invisible. Kasi for once, nakaramdam ako ng mga tingin ng mga kaklase kong nakasunod sa akin.

Kahit na ganun, balik pa rin ako sa dating gawi. Upo lang muna doon sa pwesto ko hangga't may magtanong sa akin tungkol sa homeworks nung bakasyon. Ganyan naman palagi pag bagong start ng week eh. Kung wala, edi doon nalang muna akong magpapaka-busy sa cellphone ko o sa pagtulog.

"Annikka, ikaw ba yan?!" Nagulat ako nang nakita kong nasa harapan ko si Megan na kakarating lang din. Ang OA naman ng reaksyon neto!

"Naturingan kitang bespren tas ganyan?"

"Sorry naman! Laki kaya ng pinagbago mo. Anyare sayo?"

Diba sinabi ko sa inyo kanina palang na pinagtuunan ko sarili ko ng oras noong sembreak? Oh, ito na 'yun. Hindi ko naman pinlano 'to, at hindi rin ito sumagi sa isip ko nang ganun lang. Hindi ko ito ginusto, pero natutunan ko na ring gustuhin.

"Sobrang laki ba? Parang hindi naman ah."

"Tumitingin ka ba sa salamin 'teh?"

"Sa reaksyon mo naman parang nagpa-retoke ako."

Ang OA-OA naman nitong si Megan! Buhok, mukha at glasses lang naman nagbago saken, halos magdadalawang linggo lang naman bakasyon namin eh. Onti lang talaga ang kayang magbago eh, 'yung iba kasi matagal pa aabutin para mabago. It will take time, kumbaga. Mas naging conscious lang ako sa itsura ko, eh dati halos wala akong pakialam. Ok na ako sa itsura ko dati, akala ko kasi hanggang doon nalang 'yun. Wala na akong magagawa, hindi naman pala.

Simple lang naman ginawa saken eh. 'Yung buhok ko dating buhaghag at magulo, pinagupitan tas pina-treatment. Hindi ko naman kailangan magpa-rebond, straight na buhok ko eh. Nagpa-layered ako tas nagpalagay ng onting side bangs. Tapos nagpa-derma ako para mabawasan naman 'yung mga pimples sa mukha ko. Binigyan nila ako ng mga ipapahid at sabon, ayun, mukha naman naging effective saken. Para naman sa glasses ko, nag-iba lang ako ng frame na mas babagay sa akin. Glasses ko kasi dati parang pinagmumukha akong manang eh, for the first time in forever, nagustuhan ko na 'yung frame ko. 'Yun lang naman... sobrang nakakapanibago ba nun?

"Tara nga, sa labas nalang tayo mag-usap."

Tumayo ako sa upuan ko at lumabas kami ni Megan para mag-usap sa may plantbox. Kinwento ko sa kanya kung paano ako nagkaganito. 'Yung mommy ko kasi, hindi naman ako ang may pakana nito eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting at Your BackdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon