Chapter 16- Curiosity of Fletcher and Kurt

58 1 0
                                    

Fletcher P.O.V
Is he fucking serious with Akiesha ? . I know that Spice love to play with the girls . And for PETE SAKE !!! Nagtagal sila ng Two Months compare to other na naging babae ni Spice na hanggang 2 or 4 days lang sila nagtatagal .

"Dude are you believe that Akiesha and Spice na nagtagal sila ng almost 2months?" -Kurt

"I dont know Kurt. Forget about it wala tayong magagawa kung sila man or hindi"

"Paano yung pangbubully mo kay Akiesha are you going to give up?"
GIVE UP ??? Wala yan sa Vocabulary ko . Pero paano nga ? Makakalaban ko si Spice . Opppss ! Baka isipin niyong takot ako kay Spice ..ayoko lang masira yung pagkakaibigan namin.

"Hmm I guess so . Alam mo naman wala akong magagawa lalo na ngayon Boyfriend niya si Spice"

"But dude bat hindi niya sinabi sa atin na may girlfriend siya?"
Ayan din gusto kong malaman kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa at hindi kami nagtatago ng Secret .

"Ewan ko . Bat hindi nalang natin siya tanungin?"

That's the only way para malaman namin kung totoo talaga or pinagtanggol niya lang si Akiesha from me .

"Thank you Sir Come again"
Lumabas na kami sa restaurant na pinagkainan namin it's already 6:15pm . Nagdecide kaming puntahan si Spice sa bahay nila .

--------------
Akiesha P.O.V
Buti nalang nakausap ko ng maayos si Melanie kung hindi siguro nakilala na ako nito Ganito kasi yung nangyari nung makarating kami sa Restaurant .

FlashBack

Finally nakarating na rin kami kung saan kanina pa kasi ako nakaupo dito sa sasakyan niya ewan ko ba kung malayo ba ito or sadyang mabagal siya magpatakbo . Pagkalabas ko nasa tapat kami ng Isang restaurant sobrang pamilyar na restaurant .

"Come on tatayo ka nalang ba diyan?" tanong ni Spice na nasa tapat ko .

Sinundan ko nalang siya . Nung naglalakad kami hindi ko napansin na may tao sa harap ko at sa di inaasahang nangyari natanggal sa pagkakabit ang salamin ko .

"Maam Akiesha is that you?" tanong ni Melanie na isang waiter dito . Yare ako nito nakilala niya ako kainis ! Hinanap ko agad ang salamin ko at sinuot agad buti nalang di napansin ni Spice .

"Sorry Maam Ak--" tinakpan ko agad ang bibig niya baka malaman ni Spice na kilala ako dito dahil ang restaurant na ito ay pagmamay-ari ng Magulang ko .

"Are you okay Akiesha? What happen?" tanong ni Spice na inalalayan ako sa pagtayo .

"Im fine. Nabunggo ko kasi ang waiter hindi ko napansin"

"Sa susunod Miss tignan mo ang dinadaanan mo para hindi mo masangga ang Girlfriend ko" sermon ni Spice kay Melanie . Nginitian ko nalang si Melanie at tinigan na "Makisakay-Ka-na-lang" look at mukhang nagets niya naman .

"Sorry po Sir" sabi naman ni Melanie .

"Okay lang yun Ms. , Tara na Spice nagugutom na ako" umalis na si Melanie at umupo na kami kailangan kong makausap si Melanie baka isumbong niya ako sa magulang ko na may kasama akong lalake.

"Saglit lang Spice magC-Cr muna ako"

"What is your order? Magorder ka muna"

"Kung ano sa iyo, Ganoon din sa akin" tumango na lang siya . Habang papunta ako hinanap ko si Melanie at sakto malapit siya sa Girls Comfort Room kaya hinila ko siya papasok.

"Maam alam po ba nila Madam na may boyfriend ka ?" bungad na tanong niya.

"Kaya nga nandito ako Melanie ei, Please wag mo sabihin kila Mom and Dad they dont know at hindi ko siya boyfriend piniliy niya lang ako. Kapag nagtanong sila kung nakita mo ako na kumain dito sabihin mo hindi at ilang araw na ako hindi pumupunta dito. Okay ? . I trust you Melanie kaya please keep this as a secret."

"Pero bakit po kayo nagtatago sa kanila ng secret? Tsaka bakit ganyan ang ayos ng mukha niyo Maam muntikan ko na nga po hindi kayo makilala ei" tanong niya sa akin

"Di ba sabi ko sa iyo wag ka na magpoPo or tatawagin akong Maam? halos isang taon lang agwat nating dalawa. About my look nagDisguise ako lumayas kasi ako sa bahay ei. Basta wag na wag mong sasabihin na nakita mo ako okay ba yun?!"

"Yes Ma-- ay Akiesha pala . Tiwala lang po kayo sa akin. " Buti nalang na explain ko ng Maayos at naintindihan niya naman .

"Thank you very much" sabay yakap ko sa kanya . Ang bait talaga nito ni Melanie sa lahat ng Waiter siya lang talaga ang pinakagusto ko kasama narin sila Mom and dad.

"Walang anuman Akiesha" at niyakap niya ako pabalik .

"Sige kailangan ko ng Mauna, Baka hinahanap niya na ako ei." Tumango nalang siya at lumabas na ako sa Cr .

Pagkadating ko sa table ang daming pagkain ngayon lang ulit ako makaka-kain lagi ko kasi ulam hotdog itlog or yung mga nasa Can food.

"Bakit ba ang tagal mo? " iritang bungad sa akin pagkaupo ko . Hindi ko siya pinansin at inumpisahan ko ng lantakin ang mga pagkain .

"Anung oras kang pupunta sa bahay?"

"6pm umpisa ng work ko"

"Sige sunduin kita sa inyo babe" bigla naman ako nabilaukan sa sinabi niya .

"Here! Wag ka kasi magmadali ei " sabi niya sa akin at uminom na ako ng tubig .

"Pwede ba kaya ko naman sarili ko pumunta doon sa inyo at kung pwede wag mo kong tawaging babe. Nakakairita ei " Ano ko siya boyfriend ? Hatid Sundo ? Ganoon? Tsaka ayoko ng may tumatawag na babe or kahit ano sa akin.

"Alam mo minsan ang bait mo, minsan naman ang sungit mo. Baka nakakalimutan mo Amo mo rin ako and I can do whatever I want. At hindi mo ko mapipigilan sa pagtawag ko sa iyo ng babe" sabi niya ng mapang-asar . Inaasar talaga ako nito ei . At naa-asar na ako .

"Arrggghh! Whatever SIR" diniinan ko talaga ang Sir letse to -.- . Nako malapit ko na ito masapak ei kung hindi ko lang ito amo ei.

"Then good nagkakaintindihan tayo Ms. Akiesha" sabay inom niya ng tubig . Haayyysst ! Naiinis na talaga ako sa kanya .

*FlashBack end

So ayun nga ang nagyari . It's already 6 sabi ni Spice susunduin niya ako pero wala pa siya . Baka naman niloloko talaga ako nun . Tss bahala na nga.

Maid in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon