A/N: HI PAVOTE NAMAN AND PASPREAD KUNG NAGUSTUHAN NIYO :) . THANK YOU SA MGA NAGBABASA AT MAGBABASA PA LANG ENJOY !! :) . SORRY FOR THE WRONG GRAMMAR, SPELLING AND ETC. ^^
-------------------
Fletcher P.O.V
Haaaay! Ano ba nangyayari sa akin?! . Aist ! Kailangan ko muna siguro magrefresh ng utak ."Oh dude saan ka pupunta?" -Kurt
"Diyan lang sa tabi tabi". Lumabas na ako at naglakad lakad bahala na kung saan ako mapadpad . Dinala ako ng mga paa ko sa isang park . Umupo muna ako sa bench . 8:15 na ng gabi tinignan ko ang langit . Naaalala ko na naman yung ginawa ng Walanghiya kong ina ! Naiinis ako ! .. Ngayong araw kasi ang araw na kung saan tandang tanda ko pa kung paano kami iniwan ni Mom
"Aaaaah!" sa dito malamang dahilan naisuntok ko ang puno na katabi ko . Lahat ng masa-sakit bumalik .
"Honey sino yung kasama mo kanina?" malumanay na tanong ni Daddy .
"Ah ayun . Boyfriend ko" diretsong sagot ni Mommy nakita ko naman sa mukha ni Dad ang pagkagulat .
"Matagal na ba kayo?!!! Ha?!! Kailan pa?!!!" nakita kong lumuha si Dad at tumaas narin ang boses niya . Naiintindihan ko na ang lahat matagal na kaming niloloko ni Mommy.
" Simula ng ikasal tayo Ricardo !! Hindi kita minahal ! Pinerahan lang kita !!! At kahit kailan hindi ka parin nagbabago UTO-UTO ka parin !!" sigaw ni mommy sasampalin na sana ni dad si Mom
"Ano sasaktan mo ako?!! Sige gawin mo!!!" hindi na naituloy ni Daddy sa halip ay niyakap niya si Mommy .
"Please okay lang sa akin kung may relasyon kayo wag mo lang ako iiwan!" at tuluyan ng umiyak si Dad ngayon ko lang siya nakitang umiyak .
"TANGA KA BA RICARDO??!!! HINDI KITA MAHAL AT KAHIT KAILAN HINDI KITA MAMAHALIN!! AALIS NA AKO ! AYOKO NA ! "
"WAG SANDRA HINDI KO KAYA PLEASE DITO KA LANG" pagmamaka-awa ni Daddy
"Sorry Ricardo." at tuluyan na ngang umalis si Mom
"Bakit! Bakit! Aaaaahh!" Sa matagal naming pagsasama bilang pamilya alam namin na walang problema tapos sa isang iglap iniwan kami ng Ina ko ! Wala siyang kwenta ginawa na lahat ni daddy para mapasaya siya pero hindi parin makuntento !! .
Akiesha P.O.V
"Bakit! Bakit! Aaaaahh!" napatingin ako kung sino ang sumigaw at napansin kong pamilyar .
(A/N: Sabado po ngayon at walang pasok si Akiesha sa Bahay nila Spice lagi siyang dumadaan sa park)Nilapitan ko at tama nga pamilyar.walang iba kundi si Fletcher sa di ko malamang dahilan ay niyakap ko siya halatang nagulat siya pero di nagtagal yumakap rin siya sa akin .
"Ssssshhh. It's okay. " Hinagod ko siya sa likod . Hindi naman kasi ako marunong kung paano magcomfort sa isang lalaki. Hindi ko na siya narinig na humihikbi . Akalain niyo na ang isang matapang na nangbubully sa akin ay nasa harapan ko umiiyak .
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at umayos ng upo sabay iwas ng tingin sa akin . Tatayo na dapat ako ng hawakan niya ang kamay ko .
"Please dito ka muna" seryosong tingin niya sa akin wala akong nagawa kundi ang umupo pero ang kamay niya nakahawak parin sa akin .
"Uhm yung kamay ko" sabi ko sa kanya pero parang wala ata siyang balak bitawan .
"Alam mo bang ayaw ko sa mga babae dahil sa ginawa ng walang awa kong ina?" paguumpisa niya ng kwento habang ako nakatingin lang sa kanya . Nakaramdam ako ng kirot habang sinasabi niya ito at kita mo sa mukha niya na nasasaktan talaga sya.
"Ginawa na lahat ni Daddy mapasaya lang si Mommy pero hindi parin siya nakuntento, isang araw nakita ni dad na may kasama si Mom na lalaki matagal na pala siyang niloloko pinerahan lang pala niya si Dad nakita ko kung paano siya iniwan ni Mom. Ewan ko kung bakit ko ito sinasabi. Haha may sarili utak ata ang bibig ko" sabay tingin niya sa akin .
"May plano si God kung bakit nangyayari yan. Tiwala lang nandyan pa naman mga kaibigan mo at yung daddy mo at Ako na sumusuporta sayo. Smile lang lahat ng bagay may reason kung bakit nangyayari :)" ewan ko kung saan ko nahugot ang mga salita na yun . Hindi ko namalayan na ang lapit ng mukha niya sa akin.
"Thank you" narinig kong sinabi niya at dumampi sa labi ko ang labi niya.
Ang puso sobrang bilis ng takbo parang nung hinalikan ako ni Spice. Ewan ko kung ilang minuto o segundo kami tumagal na nakadikit ang labi namin.
Humiwalay na ako sa pagkakahalik namin .
"Uhm sige uuwi na ako anung oras na ei" aalis na dapat ako ng magsalita siya.
"Hatid na kita" aangal na sana ako ng hinila niya na yung kamay ko kaya wala na akong nagawa . Akalain mo yun may ganito palang side si Fletcher first time ko lang siyang nakitang ganyan . Ilang buwan narin ako dito mga 1mon. Na ako . Nasanay narin ako sa ganitong sitwasyon. Mas lalo kaming naging close ni Spice at si Fletcher simula ng Iannounce na wala talaga kaming relation inumpisahan niya na naman pero hindi ako nagpapaepekto . At sa isang buwan na iyon ngayon ko lang siya nakitang ganito . Kaya ayaw niya pala sa mga babae .
"Uhm Sige dito na ako"
"Sure ka?" tanong niya .
"Yup. Thank you sa paghatid" sabay ngiti ko sa kanya . Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi .
"Ugh Chansing ka na uh!" hahampasin ko sana siya ng tumakbo siya ng mabilis . Habang papasok ako iniisip ko yung hinalikan niya ako at napahawak ako sa labi ko .
Pagkapasok ko .....
"Siya lng pala kasama mo. Alam mo bang kanina pa ako naghihintay?!" salubong sa akin ng isang poging lalaki ."Sorry na po tay ngayon lang ako nakauwi" pagpapacute kong sorry.
"Hindi pwede dapat may kapalit" sabi naman niya .
"Hahaha tigilan mo nga ako Spice. Ano bang ginagawa mo dito?" Tama kayo si Spice yun . Tinatanong niyo kung paano siya nakapasok? Nagpagawa siya ng Susi feeling niya kasi bahay niya ito ei .
"Eto naman . Namiss ko lang babe ko" sabay pout niya . Hihi ang cute talaga ni Spice .
"Heh! Nambobola ka na naman, kanina ka pa ba nandito?"
"Yup, may dala nga ako ei Pizza. Tara kain tayo" yaya niya sa akin .
"Sorry ngayon lang ako" ngumiti lang siya sa akin at pumunta sa table para buksan ang pizza .
"Kumain ka na lang" sabi niya kaya sinaluhan ko na lang siya kumain. Pagkatapos noon kwentuhan lang ng kung ano-ano at Umuwi narin siya ..
----------------
A/N: Bago po makarating sa scene nasa park isang buwan na po ang lumipas noon. About doon sa Trabaho ni Akiesha tuloy tuloy lang tsaka doon sa family niya kung hinahanap siya abangan niyo nalang yung ibang chapter :) . Kung may tanong tanong lang kayo . THANK YOU ! ^_^
BINABASA MO ANG
Maid in Disguise
RomanceHow can I sacrificed this kind of Job? I always suffer no one can love me. Ganito ba talaga ang tadhana ko ? Hindi lang yan dahil pati pagibig pinaglalaruan din ako .. Pero kung dumating ang tamang panahon sinong pipiliin ko ?