Kabanata 1

662 29 2
                                    

Lavender
Nakakatuwa ang daming mga kasing edad ko dito.Nag-uusap,Nagpapayabangan,Masayang nagtatawanan at Nag-aaway.Normal teenager.

Dahil sa pagkamangha ko sa paligid ay nabitawan ko ang libro ko kasabay naman nun ang tilian ng mga babae.

Hindi ko lang toh pinansin at pinulot lang ang mga libro ko.

"Miss tumabi-tabi ka nga"aroganteng boses ang narinig ko,lumingon ako sa likudan ko dahil doon nanggagaling ang boses.Tatlong tao.Isang babae at dalawang lalaki.Napatulala ako sa nakikita ko pamilyar ang mga mata nung lalaki ang kulay asul nitong mata.

Hindi ko alam kung sino ang nagsalita sa dalawang lalaki.

"ANO BA?! YOUR GROSS DON'T TOUCH ME"napakurap ako dahil may boses nang isang batang lalaki ang narinig ko sa isipan ko.

"Miss kung nagpapansin ka ay wag mo nang subukan dali layas,Shoo!Shoo"sabi nung babae kaya dali dali kong pinulot ung libro at tumabi.Napahawak ako sa dibdib ko.Bakit ako kinakabahan?

May kakaiba sa aura nila.Delikado.

'Ano ba yan kebago bago eh lumalandi na'

'KSP masyado'

'Tapos kinausap pa siya ni Quince at Venice gosh kaiinggit siya"

Nakayuko akong naglakad dahil sa narinig ko.Ayokong pinag-uusapan ako.

Pagkapasok ko sa klase ay umupo na ako sa pinakasulok-sulokan nitong klase.

Naalala ko yung sinabi ni master.Hindi ko alam kung anong koneksyon ng pag-aaral ko dito sa pagbabalik ko nang emosyon.

"Goodmorning class but before we start lets welcome Ms.Lavender Smith,your new classmate"sinenyasan ako nung guro na tumayo at pumunta sa harapan.Sinunod ko naman siya.

"I'm Lavender Smith 16 yrs. old,That's all"Hindi ako palasalitang tao.Tahimik lang pero pag kailangan na o importanteng tao ang nasa harapan ko ay dun na ako nagsasalita.

'Smith?Diba ang pamilyang Smith ay isa sa mga pinakamayamang tao sa bansa?'

'Hindi kaya?Siya yung anak ni Mr.Calvin'

"Ms.Lavender do you mind if I ask you a question?"tanong sa akin ng guro.

"Go on"

"Are you the daughter of Mr.Calvin Smith?"umiling ako bilang sagot sa kanya"Ok,you may take your seat"naglakad na ako patungo sa upuan ko.

Calvin Smith.My Master's name.Ang narinig kong bulungan kanina ay totoo na si Master ay mayaman at siguro napagkamalan nila akong anak nito dahil wala nang ibang kamag-anak si master maliban sa anak niyang wala pang nakakakita maliban sa kanya.

Smith ang pinagamit sa akin ni Master dahil ayaw ko sa apelyido na nagpapaalala kanila Ina at Ama.

"Bakit pa dito mo pinapatira ang stupida mong anak!"alam ko!alam kong ako ang tinutukoy ni Ama.Nakasilip ako sa kanila dito sa pintuan habang nag-uusap sila ni Ina.

Patuloy akong nakikinig kahit masakit.Wala akong ginawa kundi makinig at umiyak.

"Bakit gusto ko ba ha!Si Mama ang may gusto nito!Ayaw ko namang mawalan ng mana kung hindi ko yan patirahin dito!"Ayaw nila sa akin kung hindi dahil kay Lola ay wala ako dito sa mala-palasyong bahay.Dahil kay Lola kaya nakakaranas ako ng karangyaan.at Dahil doon ay nasasaktan ako.

Aanhin ko ang mga materyal na bagay kung ang kailangan ko ay simpleng pagmamahal ng magulang.Masakit pero wala akong magawa.Ito ang tadhana ko.

"Ms.Smith!"nagising ako sa sigaw na yun.Buti na lang at sinigawan niya ako.Ayaw ko nang balikan ang nakaraan.Nakaraan kung bakit ako naging ganito.

"Sir.Sorry."sagot ko pagkadilat ng mata ko.Kita ko ang galit na ekspresyon niya.Gusto ko din magkaroon ng ganyang ekspresyon.

"You are being sarcastic Ms. GO OUT!"tumango na lang ako bilang sagot.Sarcastic?He thought I'm being sarcastic?Siguro dahil walang pagsisi ang nakita niya sa mukha ko kanina.

Naglibot lang ako hanggang sa makarating ako sa isang fountain.Pinakiramdaman ko ang tubig nito,malamig.Wala sa sarili kong nasambit ang isang katagang hindi ko alam kung saan galing.

"People become cold so they can prevent theirselves from being hurt"mabilis kong hinawakan ang kamay na patungo sa aking balikat at inikot ko iyon.Bago ko pa malagay iyon sa likod niya ay sinipa niya ako.Sinalo ko yun gamit ang isa kong kamay.

Doon ko lang siya natitigan.Blue-eyes,ang lalaki kanina.Tila may sariling utak ang kamay ko at binitawan siya.Rinig ko ang tibok ng puso ko,.Ganun ba siya kadelikado?

"How did you know that line?"malamig ang boses niya.Walang emosyon ang mukha niya.Bakit ganun,alam kung kaya niyang ngumiti o tumawa pero bat niya tinatago?

"I don't know"simpleng sagot ko sa kanya.What's the big deal?Tumalikod na siya at naglakad paalis.

Master.....bakit bumabalik ang alaala ko sa skwelahan na toh?Ang alaalang ibinabaon ko sa limot?

Sabi sa akin ni Master ay nahit and run ako.Nagising lang ako nun nasa hospital ako at nasa tabi si Master.Sa tingin ko ay doon din nagsimula ang pagkawala ng emosyon ko.

Mga ilang araw ang nagdaan noon ay bumalik ang alaala ko tungkol kina Ina at ayaw ko ng maalala ang iba pang piraso nun masyado nang masakit kaya umiinom ako ng isang gamot para hindi na ako makaalala pa ng iba.

Ang alaala lang na naalala ko ay ang napanaginapan ko kanina.

'Your past is a tragedy,my little rabbit'yan mismo ang sinabi sa akin ni Master bago ko maalala ang kay Ina.

-----
Third Person
Sa isang bahay sa likod ng paaralan ay may dalawang tao na naglalaro ng poker.Natigil lang iyon ng may kumatok sa pinto ng bahay na iyon.

"Tangna sino naman maglalakas loob na pumunta dito?Malabo namang si Hades yan eh binabalibag nun ang pinto"asar na sabi ni Quince at binaba ang baraha niya.Sinamaan naman siya ng tingin ni Venice.

"Aba malay ko!Buksan mo kaya!"sigaw ni Venice sa kanya at umirap.Padabog na tumayo si Quince at binuksan ang pinto.Susuntukin niya na sana kaso nang nakita niya kung sino yun ay mabilis nyang binaba ang kamay.

"Oh!Lala,musta?"nakangiti niyang bati sa kababata.Agad na napatayo si Venice ng narinig ang pangalang Lala.

"Omygash Lala your back!,Bitch asan ang pasalubong ko!"sabi ni Venice habang yakap yakap ang babae.

"Errr...Venice nasa kotse yung mga pasalubong eh at teka asan si Hades?"tanong ng babae kay Venice at bumitaw sa pagkayakap nito.Kasabay naman nun ang pagpasok ni Hades at dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto niya.Hindi pinapansin ang mga kababata niya

Tahimik lang sila Venice dahil sa nakakatakot ang pagiging tahimik nito ngayon parang may itim na aura ang pumapalibot dito.Isa lang ang naglakas loob.

"Hades!Don't you miss me?"tanong ng babae sa kanya.Napahinto sa paglalakad si Hades at liningon ang babae.

"Lavender Reese"malamig na sambit ni Hades at naglakad na ule papasok sa kwarto niya ngunit pinigilan na siya ng babae sa pamamagitan ng paghawak ng braso ni Hades.

"Lala,let go *sigh* let's talk later,ok?"tumango na lang si Lala dahil napakalamig ng boses na iyon.Wala siyang nagawa kundi bitawan ang braso ni Hades at pinanood ang lalaking mahal niya na pagsarhan ng pinto.

-------
The Two Lavenders bow!

Killer's WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon