"Wahhh Ven-ven doesn't have a bed--"
Nakita ko ang batang babae umiiyak,ako na umiiyak sa tabi ng tulay.
"I wanna go home"saad nito sa pagitan ng pag-iyak at tumayo ito pabalik sa tinahak niyang daan ngunit tila naliligaw na ito at dinalaw ng antok sa isang parke.
Nag-iba ang senaryo at nakita ko ang isang matandang lalaki na hawak ang batang ako.Napakuyom ang kamao ko. Patuloy ang pag-iyak ng batang Lavender.Kinaladkad ako papasok sa abandonadong gusali kung saan puno ito ng mga madudungis na bata.Hinagis ang ako papunta sa mga yun.
"Simula ngayon ay kasama niyo na siya at ikaw!"turo niya sa isang babae na mas matanda sa batang lavender na nasa mga 5 taong gulang "turuan mo yan kung pano humanap ng pera at wag na wag mong patatakasin" tumango ito bilang sagot sa lalaki kasunod nun ang paglabas ng lalaki sa gusali.
Bagong senaryo na naman ang nakita ko ,isang parke kung saan nakikita ko ang sarili ko na namamalimos sa isang matanda.Matapos akong binigyan nito ng pera ay hinila ako ng babaeng nagbabantay sa akin.Tinuro niya sa akin ang isang Babae na may hawak hawak na wallet"Kita mo yun,kukunin natin ang wallet sa kanya,mas maraming pera mas maraming pagkain ang ibibigay sa atin ng boss"
Ang babaeng nagbabantay sa akin ay umarteng nabunggo niya ang matanda at doon naman ako eeksena pupulutin ko ang wallet at tatakbo na ng mabilis paalis sa lugar.
Tagumpay na nakuha namin ang pera kinuha na ng taga bantay ko ang wallet sa akin at naglakad paalis.Linibot ko ang paningin sa paligid nakita ko ang isang magarang sasakyan katulad ng sasakyan ng kapitbahay namin.
BINABASA MO ANG
Killer's Wish
ActionLavender Smith' life is like a puzzle. But the problem is, the pieces of the puzzle are missing! She doesn't wanna solve the puzzle but it is inevitable. Unavoidable.