Chapter 48

76 2 1
                                    

Audrey's POV

"Anak gising na, Mahuhuli kana sa klase mo. Maligo kana. Gising ni Mommy sakin. Monday nanaman. Pasok nanaman. Hindi ko pala nailock ang pinto, Kaya nakapasok si mommy sa kwarto. Hinawi nya ang kurtina, Dahilan para masilaw ang sa sinag ng araw. -___-

"Mommy naman eh, ang aga aga pa eh. Mamaya nalang po ako bangon. Nagtalukbong ako ng kumot.

"Anong maaga pa? Tirik na ang araw. Bumangon kana dyan. at asa baba na nag sundo mo. Hano daw? Sundo ko? Kelan pa ako nagkaroon ng Service?

"Sundo ko? Sino naman po? Tanong ko kay mommy. Pero hindi nya ako sinagot. Nginitian lang ako. Yung mga ganun ngiti ni mommy eh may ibig sabihin.

"Basta. Maligo kana. Bilisan mo. Sabay kana samen kumaen. Sino nanaman kaya pupunta ng maaga dito? Si gino nanaman kaya?

Naligo na ako, Binilisan ko ang ligo at para malaman ko kung sino ang bago kong service. Nag Toothbrush na ako, nagbihis at nag ayos na. Naglalakad na ako pababa ng may narinig akong maingay sa kusina.. At nagulat ako. At andun siya, Kasabay niya sila mommy at daddy kumaen.

"Hello Bhebheko, Goodmorning. Tara kaen na tayo? Aya nya sakin. At binigyan nya ako ng plato. Bakit may apron siyang suot? Wag nyang sabihin na siya ang nagluto??

"Anak siya ang nag luto ng breakfast natin ngayon. Pwedeng pwede na talaga kayo mag sama. Sabi ni daddy. Kahit kaylan talaga si daddy pabor na pabor siya kay Steven.

"Hahaha. Siguradong may gayuma yan. Pang aasar ni kuya sakin. Aba mukang wala siyang pasok ngayon sa trabaho.

"Tamana nga yan, Kumaen na tayo. Tikman na natin ang luto ng Future In law namen. Isa pa tong si mommy eh. Haaaayy. Yung totoo? Pamilya ko ba sila?

"Ewan ko sainyo. Pagtataray ko sakanila.

"Ito Bhebheko oh? Masarap to. Specialty ko yan. Pritong Bacon?? Eh kahit ako kayang kaya ko lutuin yun eh.

"Okay na Steven, Umupo kana sumabay kana samen kumaen. Wag mo akong gawin baby. Okay? Awat ko sknya para kase siyang timang. asikasong asikaso niya ako, Parang siya ang nakatira dito eh.

"Bayaw? Ako ba hindi mo ako aasikasuhin? Pang aasar ni Kuya kay steven.

"Aba. Teka lang bayaw ito oh? Ano ba gusto mo? Bacon?Egg?Hotdog? Ano? Tarantang sagot ni Steven kay kuya.

"Babae gusto ko bayaw, May maibibigay kaba sakin? Natawa ako sa sinabi ni kuya. Kahit kaylan talaga walang alam na matino si kuya.

"Puro kayo kalokohan kumaen na kayo, Bilisan nyo dalawa mahuhuli na kayo. sabi ni mommy samen. Sa wakas papasok narin kame nitong kabayo na to.

"Araw natin ngayon Bhebheko, After class natin, May pupuntahan tayo, Im sure magugustuhan mo. Monday nga pala ngayon. Araw nya ngayon. Ano naman kaya ang gagawin nyang kalokohan ngayon? Tsk. Nakasakay na kame sa kotse. Malapit na kame sa School. Ihanda ko na ang sarili ko sa mga matatalim na tingin sakin ng ibang babae.

"Bhebheko? Wag mo ako iiwan ha? Sabay tayo pumunta sa room. Sabi nya sakin. Mas okay narin na kasabay ko siya kesa naman ako mag isa pumasok. Baka may bigla nalang may sumabunot sakin.

"Oo na. Bilisan mo na. Sabay irap ko sknya.

"Ang sweet mo talaga sakin bhebheko, Kaya mas lalo ako naiinlove sayo eh. Sabay ngiti na nakakaloko. Wag nga nya ako nginingitian ng ganun. Naglalakad na kame papunta sa room. Ano pa nga ba inaasahan. Maraming nakatingin sakin na mga babaeng Bitch. Mga inggitera. Biglang
Habang naglalakad nakita namen si Brayan at Carl,

"Oh sabay kayo pumasok Pre? Tanong ni Carl kay steven.

"Oo naman. At dun pa ako kumaen ng Breakfast. Kasabay ko ang future byanan ko. Wow ha? Feeling.

"Talaga? Ade mainam, Close mo na family ni Audrey. Sabi ni Brayan.

"Oo naman. Hahahaha. Ako pa, Magaling kaya ako. Napabilib ko nanaman kayo . Pagyayabang nya sa dalawa nyang kaibigan.

"Whatever! Sige. Mauuna na ako pumasok sainyo. Naglakad na ako palayo sakanila. At mahuhuli pa ako kung hihintayin ko pa sila. Mga wala kase iniisip eh. Lakad lang ako ng lakad papanik na sana ako ng hagdanan ng nakita ko si Gino. Pababa na siya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Kung papansinin ko ba siya oh ano. Nahihiya ako. Kase ang dameng babae dito. Baka machismis nanaman ako. Kapag ako ang una namansin sknya. Hahakbang na sana ako ng nagsalita siya...

"Goodmorning My princess. Bati nya sakin. Dahilan para magulat ako. At mapatingin ako sknya.

"Goodmorning din. Saan ka pupunta? Tanong ko sknya. Kase parang nagmamadali siya.

"May bibilin lang ako sa Canteen. Wag kang mag alala. Papasok naman ako agad. Wag mo ako agad mamimis ha? Sabay kindat at tumalikod na siya. Hmm. Ang mga tao talaga ngayon, Ang dameng alam. Makapunta na nga sa room.
Lakad..
Lakad..
Lakad..

"Hey Pinsan? Bakit ngayon kalang?? Bati sakin ni Raven. Na nakaupo sa table ni mam.

"Hmm. May pumunta kase sa bahay at dun pa nagbreakfast. Pagkasabi ko nun, Biglang napatingin si Annika at Raven.

"Kwento kana dali. -Raven.
"Sino pumunta sa bahay nyo kanina? Si kuya ba? -Annika.

"Sandali isa isa lang, Okay? - Sabi ko sakanila.Parang mga timang eh.

"Si steven ang nagpunta sa bahay kanina, At siya nagluto ng breakfast namen. Nagulat ako kase akala ko kung sino ang sinasabi ni mommy sakin na Sundo ko. Si Steven pala.

"Sabi na nga ba eh, Kase ang aga nya umalis sa bahay kanina. Inisip ko na susunduin ka nya. Kinikilig na sabi ni Annika.

"Hayyy. Hindi ba kalandian ang ginagawa ko? Sabay sila nanliligaw sakin? Tanong ko sakanila dalawa.

"Hindi ah. Aba! Hindi mo kasalanan na maging maganda. Push mo lang yan. Sabay palo nya sakin sa braso.

"Korek ka dyan Girl. Sabi ni Annika at Nag apir silang dalawa. Halatang nagulat silang parehas hahaha. Nakakatawa sila. Ayaw pa kase nilang maging magkaibigan eh. Parehas silang ilang sa isa't isa.

"Oh sa mga naghihintay ng Update ko. Ito na oh? Sorry. Masama kase ang pakiramdam ko eh. Enjoy.. Spreaaaad The Love. Xoxo! 💕💋✌️

The More You Hate The More You LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon