Chapter 39 :

163 6 3
                                    

Gino's POV

Nakita ko may kotse na nakahinto sa tapat ng bahay nila. Alam ko sila Audrey at steven yun. Ang tagal lumabas ng kotse ni Audrey, Ano kaya ginagawa nila? Lalapitan ko na sana sila, Nakita ko sa salamin na niyakap ni Steven si Audrey. Ano kaya ibig sabihin nun? Sila naba? Parang hindi naman umaangal si Audrey. hinintay ko muna umalis si Steven bago ako lumapit kay Audrey.

"Audrey- Tawag ko sknya. Halatang nagulat siya.

"Oh gino? Ano ginagawa mo dito? Halatang parang hindi siya masaya na nakita ako.

"Pwede ba tayo mag usap? Seryoso kong sabi sknya.

"Oo naman. Tara sa loob pasok ka. Aya nya sakin. Bubuksan na sana nya ang gate pero pinigilan ko siya.

"Hindi dito May pupuntahan tayo. Dun tayo mag usap. Hindi ko alam kung papayag siya. Kase ang tagal nya sumagot .

"Okay. Salamat at pumayag siya. Naglalakad na kame papunta sa Park. sana magustuhan nya ang surpresa ko sknya.

"Papunta to sa park ah? Hindi mo sinabi na dito tayo pupunta. Naka ngiti siya sakin ngayon, Sana kapag nakita nya ang surpresa ko, Ganyan din ang smile nya sakin.

Malapit na kame sa Park. Habang palapit kame ng palapit sa Park, Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ayos naba yun. Kung maganda ba ang kalalabasan. Bahala na mamaya.

"Bakit walang ilaw dito sa park? Nung sinabi nya yun, Biglang bumukas ang lahat ng Christmas light. Lahat ng puno pinalagyan ko ng Christmas light. At sa gitna ng park, May mesa.At andun ang bulaklak na binili ko para ibigay sknya. Hinawakan ko ang kamay nya at inaya ko siya sa may gitna, At pagkarating namen dun, Inabot ko sknya ang bulaklak.

"Para saan to Gino? Tanong nya sakin na halatang naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Umupo ka muna dito. Mamaya malalaman mo rin. Iniwan ko muna siya. at may gagawin lang ako.

Audrey's POV

"Bakit walang ilaw dito sa park. Tanong ko kay gino, Nagtataka kase ako kung bakit walang ilaw eh. Pagkatanong ko nun. Biglang lumiwanag ang paligid. napa wow ako, Dahil lahat ng puno may Christmas light. As in lahat meron. Magtatanong na sana ako kay gino kung para saan yung ginawa nya na yun. Bigla nya ako hinawakan at naglakad kame papunta gitna. At pagdating namen sa gitna. Inabot nya sakin ang bulaklak. nagulat ako.

"Para saan to Gino? Yan lang ang nasabi ko. Pero hindi nya pinansin ang tanong ko.

"Umupo ka muna dito. Mamaya malalaman mo rin.. Nagtataka na talaga ako sa mga nangyayari.

Ilang minuto lang biglang may tumunog at narinig ko ang bosses nya....

"Simpleng Tulad mo"

Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo Magmula ng nakita ka'y naakit ako Simple lang na tulad mo ang Pinapangarap ko ang pangarap ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Nakatingin lang sakin si Gino. Yung titig nya na parang malulusaw na ako.

Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito Para sayo, dahil..

Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo, dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo, La la la la la.

Habang tumatagal mas dumadami ang taong nagpupunta dito sa park. Nahihiya na ako sa nangyayari. Alam ko lahat ng tao dito sakin nakatingin.

Alam mo ba na lalo kang gumaganda sinta
Sa simple na katulad mo ako'y nahulog na nga
Lahat ay gagawin ko para mapaibig ka
Sinta,

Bumaba na si Gino sa mini stage at lumapit siya sakin, Hinawakan nya ang kamay ko. At patuloy parin siya kumakanta.. Pero ngayon ang lapit na ng muka nya sakin.

Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito para sayo dahil...
Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo, dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo
Wala na nga kong maihiling pa kundi ikaw
Ikaw ang kailangan ko
Sa simple na katulad mo ang buhay ko'y
Kumpleto na, ikaw lang sinta Aaahhh!
Simple lang ang pangarap ko mahalin nang
Katulad mo sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
(Simpleng tulad mo)
Simple lang ang pangarap ko mahalin nang
Katulad mo sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng Tulad mo La la la la la.
Simpleng Tulad mo! La la la la la.
Simpleng tulad mo.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao na andun sa park. Kahit ang matanda pumalakpak din...

Hanggang ngayon speechless parin ako Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa mga nangyayare. Wala ako masabi. Hindi ko parin talaga maintindihan... -___-

"Audrey una palang na nakita kita, Gusto na kita, At habang tumatagal minamahal na kita.. Kaya tatanungin kita ngayon pwede ba kita ligawan?

Ano daw? Pakiulit nga!! Seriously?dalawang lalake ang nagpaalam sakin kung pwede ako ligawan? Siguro nga kung iisipin ang swerte ko. Dahil dalawang habulin ng chicks ang nagsasabi na gusto nila ako. Pero para sakin, Problema to. Dahil ayoko magkaroon ng tensyon kay Steven at Gino. Magkaibigan sila. Ayoko masira yun ng dahil sakin. Hanggang ngayon wala parin ako maisagot sknya.

"Nabigla ba kita?? Sorry ha. kung masyado ako mabilis. Ayoko na kase patagalin pa to eh. Hindi ako makatingin sknya. Ano ang sasabihin ko? Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong nya??-___-

"Pwede bang bigyan mo ako ng panahon para pag isipan to. Masyado kase maraming nangyare. Pero naapreciate ko lahat ng to. Sobra kong naapreciate. Wag mo sana isipin na choozy ako. May mga bagay lang talaga ako dapat pag isipan. Bago ako pumayag na ligawan mo. Sana maintindihan mo. Nahihiya ako sknya. Dahil sobra ang effort nya. Tapos ang isasagot ko lang ganun? hayy. Bahala na nga.

"Oo naman naiintindihan ko naman eh. Basta maghihintay ako ha? Wag mo lang ako masyado paghintayin ng matagal. Mainipin kase ako eh. Ngiti nyang sabi.

"Salamat Gino. Sa totoo lang kung titignan masasabi mong Dream boy si Gino eh, Kase nasa knya na lahat.

"Tara hatid na kita?
Tumango nalang ako. Gusto ko narin magpahinga. Ang dameng nangyare sakin ngayong araw na to. Grabeee. lahat talaga hindi ko ineexpect na mangyayare.

Kinilig ba kayo? Sana OO. ☺️✌️
Spreaaaad The Love. Xoxo! 😁😂

The More You Hate The More You LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon