Chapter 47

98 3 0
                                    

Steven's POV

Andito ako ngayon kela Nash' Wala naman ako ibang pupuntahan kundi itong gago lang na to eh, Date si Gino ang lage kong pinupuntahan pero hindi na ngayon.

"So inaway mo nga siya? Tanong sakin ni Nash. Ako nanaman ang may kasalanan? Lage nalang ako.

"Siya ang nauna mang away. Aba. Dapat ba nyang sabihin na mas okay si Gino? Ade dun nalang siya. sagot ko kay nash, Sabay inom ng alak.

"Saan kaba naman kase makakakita na inaaway ng lalake ang nililigawan nya? May point naman si Audrey pre, Paano ka nga nya magugustuhan kung lage ka nakasigaw? Sabi ni Nash sakin. Nakakainis pa tong lalake na to, Akala ko eh kakampi ko siya. Hindi pala.

"Gago ka. Kanino kaba nakakampi ha? Kay Audrey? Eh ako ang kaibigan mo. Sigaw ko sknya. Nakakainis eh.. Pumunta ako dito para may makausap hindi para sisihin ako.

"Pre wala ako kinakampihan, Sinasabi ko lang sayo kung ano ang mali mo. Pre hindi si Celina si Audrey, Kung si celina eh nasasakyan ang trip mo. ibahin mo si Audrey. Napaisip ako sa sinabi nya. tama nga siya. Magkaiba nga sila. Si Celina kase nun kapag nagagalit ako hindi nya sinasabayan ang galit ko. Lage nya ako inaamo. Pero si Audrey hindi. Talagang nakikipag sagutan siya sakin. Yung babaeng kayang kaya ako. Yung babae na mas matapang pa sa lalake, ganun si Audrey.

"Eh pano ba dapat? Tangina naman kase eh, Ano ba dapat kong gawin, Lahat na ginagawa ko. Lahat ng sinabi mo ginagawa ko naman. Maging sweet ako sknya. Ginagawa ko naman . Reklamo ko kay nash.

" Pre hindi sapat ang pagiging sweet para mainlove siya sayo. Respeto. Yun ang kaylangan mong gawin. Kung kaylangan na maging pa sweet ka habang kinakausap mo siya gawin mo. Lage ka kase nakasigaw eh. Ininim ko ang alak. bago ako magsalita.

"Eh hindi ko na magagawa yun, Galit na sakin si Audrey. Baka si Gino na gustuhin nun. Pag iinarte ko kay Nash.

" Ade magsorry ka sknya. Kung kinakaylangan na kantahan mo siya kagaya nung nakaraan gawin mo.
Napakunot ako ng Noo. Ano nanaman ang plano nitong gago na to.

~~ Papunta na kame ngayon sa Bahay nila Audrey. Bahala na kung ano kalabasan . Basta. Magkabati lang kame dalawa. Gagawin ko to. Aja! Kaya ko to.

Andito na kame sa labas ng bahay nila. Inaayos na ni Nash ang mga speaker.. Plano ko dito ko siya kantahan sa bahay nila. Sana naman magustuhan nya tong kanta ko..

Audrey's POV

Kakatapos lang namen kumaen papanik na sana ako sa taas . Ng biglang may narinig akong tunog mula sa labas.

"SORRY NA"

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto.

Chorus:
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na......

Kilala ko yung bosses na yun ah? Napangiti ako. Alam kong siya yun. Dali dali ako lumabas. Tama nga ako siya nga. Si steven nga. kasama si Nash.

Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Ang ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan
Sorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko..

Sa pangalawang pagkakataon. Nagawa nya to. Alam kong hindi madali to sknya. Dahil siya ang tipo ng lalake na mapride.

Chorus:
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na......
Sorry na......
Mahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala
Sorry na......

Pagkatapos nya kumanta. Inabot nya kay Nash ang Mike. Tapos lumapit siya sakin.

"Bhebheko sorry na. Bati na tayo? Wag kana magalit sakin oh? Pleaaase? Sana Pumayag ka ulit na ligawan kita ulit. Gusto ko pa sana magpakipot pero hindi ko na napigilan mapangiti.

"Oo na. Kase naman eh Nanliligaw ka palang, Ganun kana agad. okay. Pumapayag na ako na ligawan mo ako ulit. Ang ngiti nya ngayon aabot na sa tenga nya.

"Ehem..
Nagulat ako may tao pala sa likod ko. Si Daddy at Mommy.

"Steven andito ka pala, Tara pasok kayo sa loob. Magmeryenda kayo sa loob. Aya ni mommy.

"Hindi napo tita. Uuwi narin po kame ng kaibigan ko. Sabi ni steven. Buti naman at hindi siya pumayag, Mukang nakainom din siya eh. Amoy alak siya eh.

"Sige. Mag iingat nalang kayo. Dahan dahan sa pagmamaneho. Ayoko naman na mamatayan agad ng Son inlaw.

"Dad ano ba sinasabi mo dyan. Sige na Kabayo umalis na kayo. Kita nalang tayo bukas.Halatang halata na gustong gusto nila mommy at daddy si Steven.

"Opo naman Mag iingat po kame. Wag po kayo mag alala. Papakasalanan ko pa po ang anak nyo. At magkakaapo po kayo samen ng isang dosena. Dahilan para matawa si Mommy. Kahit talaga kaylan puro kalokohan ang sinasabi nya. Kainis...

"Sige po aalis napo kame. Bye Bhebheko. Seeeyouu tomorrow. Hayyy. Salamat naka alis narin sila. Puro nalang kalokohan ang sinasabi nila ni daddy eh..

"Anak gusto ko si Steven para sayo, Pero kung ayaw mo sknya, Hindi ka namen pipilitin ng mommy mo. Basta kilalanin mo lang siya. okay? Nagulat ako nung sinabi ni daddy sakin yan.

Tumango lang ako sakanila at pumasok na ako sa loob ng bahay. At pumunta na ako sa kwarto. Humiga ako sa kama ko, Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kung nagsasalita ang ang unan ko, Nagrereklamo na siya sakin. Hahahaha. Napapakagat kase ako sa unan ko eh. Landi landi ko. Hahahahahahaha.

pero bigla ako napahinto. at pumunta ako sa table ko, At kinuha ko yung mga picture namen ni Philip. Bumaba ako at pumunta ako sa Garden. Kumuha ako ng Posporo at isa isa kong nilagay sa damuhan ang picture namen dalawa. At ang kwintas nya.sinama ko na. Habang nasusunog ang mga picture namen. Bigla kong nabigkas ang mga salitang..

"Paalam na sayo philip. Isa ka nalang alaala para sakin. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Pinapalaya na kita" ......


"Spreaaaaad The Love. Xoxo! 💕💋✌️

The More You Hate The More You LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon