Chapter 44

90 2 0
                                    

Audrey's POV

Nakakainis Para silang bata nag aaway sila dahil lang sa pagkaen. My god. Tuloy Ngayon basa ang Damet ko. >.<

"Ate Audrey tapos kana? Tara na pasok na tayo? Aya sakin ni Annika. Tumango lang ako sknya. Naglalakad na kame papunta sa room. Napatingin ako knya. Kamukang kamuka nga pala talaga nya ang kuya nya, Syempre kambal sila. Napansin nya na nakatingin ako sknya.

"bakit ate? tanong nya sakin.

"Wala naman. Kamukang kamuka kase si steven. Ngiti kong sabi sknya.

"Syempre naman kambal ko siya eh. Nakakainis nga eh, Sana ako nalang ang unang nailabas ni mommy. Para ako ang matanda sknya. Para hindi nya ako binubully. Sabay pout nyang sabi. Ang cute talaga nya.

"Mahirap ba maging kapatid si steven? Tanong ko sknya.

"Sa totoo lang si kuya? Siya ang klase ng kapatid na uunahin ka muna nya, Bago ang sarili nya. Sa totoo lang. Kahit ang toyoin nya. Kahit ang OA nya minsan sakin. Mahal na mahal ko siya. Alam mo ba? Nung iniwan siya ni Celina. Muntik na mabaliw si kuya. Grabe kaya. Hindi lumalabas ng kwarto yan. Wala siya kinakausap samen. Buti na nga lang isang araw naging okay na siya eh. Siguro nauntog na siya. Kaya natauhan.. Nabigla ako sa sinabi ni Annika. Grabe pala talaga ang nangyare kay steven nun. Ngayon narealize ko na hindi lahat ng lalake ang nang iiwan. Pati babae din pala.

"Mahal na mahal talaga nya si Celina noh? sabi ko kay Annika na dahilan para mapatingin siya sakin.

"Date yun ate. Pero ngayon alam kong ikaw na ang nasa puso nya. Kaya nga masaya ako dahil dumating ka sa buhay ng kuya ko. Ngayon nakikita ko na siya ulit tumawa. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi ni annika.Ang swerte ko naman pala talaga at ako ang dahilan ng kasiyahan ni steven ngayon.

"Bakit ba sila naghiwalay? Ano ang nangyare sa relasyon nila? Tanong ko kay Annika. Gusto ko lang malaman ang buong detalye.

"Ang alam ko pupunta si Ate celina sa Europe at dun ipagpatuloy ang pag aaral nya. Pero ayaw siya payagan ni kuya. Dahil natatakot si kuya na baka may makitang iba si Ate celina dun. Pinapili ni kuya si Ate celina siya ba oh ang pangarap nyang maging sikat na model. Eh ang pinili ni ate celina ang pangarap nya. Akala siguro ni kuya siya ang pipiliin. Eh hindi, Tapos ilang araw silang hindi nagpansinan, Eh hindi natiis ni kuya. Nakipag ayos siya kay ate celina. At Inintindi ni kuya steven ang lahat. Kaya pumayag siya na umalis ito.1 month okay pa sila, Araw-araw sila nag uusap. pero After 6 months hindi na kase masyadong tumatawag si Ate celina sknya, Kaya napagdesisyunan nya na pumunta sa Europe. Kasama nya si Gino. Kaya si gino ang may alam lahat ng nangyare. Tapos ayun, Nalaman nila na may boyfriend na si Ate celina dun, Na isang sikat na manager. Kaya umuwi si kuya dito sa pinas ng luhaan. Kung makikita mo lang si kuya nun, Maaawa ka. Habang kinukwento ni Annika yun, Nakikita ko na nasasaktan siya para sa kuya nya. Grabe pala talaga ang ginawa ni Celina kay Steven.

"Pero ate nakaraan na yun. alam kong nakalimutan na nya si Ate Celina. Ikaw na ang mahal nya. Kindat nya sakin.

"Pero hindi ko pa alam kung maibabalik ko sknya ang pagmamahal na binibigay nya sakin. Annika sa totoo lang hindi ko alam ang nararamdaman ko para sknya. Hindi ako makatingin sknya. Dahil nahihiya ako.

"Okay lang yan Ate, Babae din ako. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo. pero kung magmamahal ka siguraduhin mong siya na talaga. Hindi masamang umamin ng nararamdaman, Basta totoo. Naka ngiti siya habang sinasabi yun. Tama nga siya. Dapat pag isipan ko talaga mabuti bago ako mamili sakanila dalawa..

"Ate kaya mo yan, Basta. Kung ano man ang maging desisyon mo dito lang kame para sayo. Ang dame handang umalalay sayo. Napangiti ako sa sinabi nya. Tama nga siya. Hinawakan nya kamay ko at nginitian.

"Salamat Annika kase kahit hindi pa tayo ganun ka tagal magkakilala naging mabuti kana sakin. Niyakap ko siya. At ganun din siya sakin..

"Ehem. Nagseselos na ako nyan. Buti pa kapatid ko niyayakap mo. Samantalang ako hindi. Sabi ni steven habang nakatayo sa pinto ng room. Andito na pala kame sa harapan ng room hindi namen namalayan.

"Bakit kuya? Boyfriend ka naba nya? Hindi pa naman diba? Wag kanh OA dyan. Kahit yakapin si Ate audrey ng kahit sino wala kang karapatan na magalit. Pagtataray nya sa kuya nya, Pero halata naman na inaasar lang nya to.

"Magiging kame rin, At kapag sinagot nya ako, Wala na sino man ang dapat yumakap sa bhebheko ako lang. Seryosong sabi ni steven. Kahit talaga kaylan pikon siya. Hayyyy.

"Sigurado kang ikaw ang sasagutin ko ha? Lakas din talaga ng fighting spirit eh noh? Pang aasar ko sknya. Tapos bigla siyang lumapit sakin. At sa sobrang lapit napapaurong na ako. At ngayon nakasandal na ako sa pader wala na ako aatrasan. Palapit na ng palapit ang muka nya, Kaya napapikit nalang ako. At ilang seconds naramdaman kong nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at sabay sabing...

"Sa lunes bhebheko may pupuntahan tayo, Na sigurado kong magugustuhan mo. Tapos napadilat ako at pagkadilat ko nakatingin at nakangiti siya sakin. Tapos..tapos..bigla nalang nya ako hinalikan sa NOO. dahilan para mapatulala ako. O.O
Ramdam na ramdam ko ang kuryente. Potek. Tubig nga please? Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako. Ano ba nangyayare sakin???


Bitin ba? Bawi nalang sa susunod na Chapter. Xoxo! 💕💋✌️

The More You Hate The More You LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon