Chapter 38

129 4 0
                                    

Audrey's POV

"Wag ka nga maingay. Hahalikan kita dyan. Nagulat ako sa sinabi nya na yun, Pero alam kong biro lang nya yun. Kaya nag ingay parin ako.

"As if naman kaya mong gawin yun? Ibaba mo nga ako! Ayoko sumama sayo.Kabayo ka. Kaba...... *Smack*
O.O?
Hinalikan nya ako? Totoo ba ang nangyare? hindi. Panaginip lang to. Kinurot ko ang sarili ko. Nasaktan ako. So totoo nga, Hinalikan nga nya talaga ako? Ang 1st Kiss ko. wala na. sabi ko pa naman nun. Ang magiging 1st kiss ko, Siya narin ang magiging last Kiss ko. Hindi pwede! Wala na ako nagawa . Tumahimik nalang ako.

Drive lang siya ng nag drive. Ang layo naman ata ng pupuntahan namen? Kaya hindi na ako nakatiis nagtanong na ako.

"Saan mo ba ako dadalin? Pagtataray kong tanong saknya.

"Sa lugar na pinaka gusto kong pinupuntahan. Sa lugar na kapag may problema ako. dun lang ako nagpupunta.Kahit sila Brayan hindi nila alam yung lugar na yun. Pangalawa kana na dinala ko dun.
Seryoso siya habang sinasabi yun. Kung importante ang lugar na yun sknya. Bakit ako ang dinala nya dun? Ang gulo naman nya. -___-
Ilang oras pa. Sa wakas nakarating narin kame sa sinaabi nya. Pagbaba ko ng kotse. napa WOW ako. kase ang ganda. ganda dito. At ang lamig pa. Kita dito ang buong syudad, Magdidilim na kaya may mga nakabukas na ilaw. Ang ganda nga dito. Nagulat ako at may kinuha siyang Jacket sa kotse nya, At sinuot nya sakin. Wow. Sweet din pala siya....

"Alam mo ba yung unang taong dinala ko dito? Siya yung taong minahal ko ng sobra. Napatingin ako sa sinabi nya. Sino kaya yung sinasabi nyang tao? Tahimik lang ako. Hinahayaan ko lang siya magsalita.

"Dito kame nag promise nun. Na walang iwanan. pero iniwan nya parin ako. Katulad mo naramdaman ko narin ang iwanan ng taong mahal na mahal ko. Ang sakit sakit. Pero promise ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya. At hindi na ako iiyak dahil sknya. Tinignan ko siya seryoso ng muka nya.

"Simula nung nakilala kita. Bumalik ang dateng steven, Yung steven na lageng nang aasar, Yung steven na hindi nagpapatalo. Yung steven na nagseselos, At yung steven na nagmamahal. This time nakatingin na siya sakin. At feeling ko ngayon parang malulusaw na ako.

"Audrey sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Oo. Nung una trip lang talaga kita. Pero habang tumatagal, Nag iiba ang feeling ko para sayo. Hayaan mo lang na ligawan kita. Sa paraan na alam ko. Totoo na to. Bigyan mo lang ako ng chance para patunayan sayo na gusto talaga kita. Yung totoo? Si Steven smith ba tong kausap ko?? Parang hindi siya to eh. hindi ako sanay.

"Magsalita ka naman dyan. Ang dame ko na sinasabi dito. Pero tulala kalang dyan. Hanggang ngayon hindi parin pumapasok sa isip ko yung mga sinabi nya. talagang nagulat ako.

"Hindi ko kase alam ang isasagot ko sayo. Mahinang sagot ko sknya.

"Pumayag kalang na ligawan kita. Bigyan mo lang ako ang pagkakataon para patunayan na hindi lahat ng lalake manloloko. Wala talaga. Wala talaga ako maisagot sknya. Hindi ko alam gagawin ko.

"Sorry steven. Nagulat lang kase ako sa mga sinabi mo. Kaya hindi ko pa alam sa ngayon. Bigyan mo ako ng panahon para pag isipan ang lahat. Hindi ako makatingin sknya. sa totoo lang ngayon ko lang naramdaman tong kilig na kagaya ng nararamdaman ko ngayon. Oo kinikilig ako kay Gino. Pero hindi ko maitatanggi na mas kinikilig ako kay steven ngayon.

"Tara hatid na kita? aya nya sakin. Tumango nalang ako.

Habang nasa byahe kame biglang tumawag si Gino...

Hello Gino? Oh bakit napatawag ka? Kasama ko si Steven eh, Pauwi na kame.Sige. Byeeee.

"Ano sabi ni Gino sayo? Bakit tumawag siya? Nagulat ako sa tanong nya. Naging seryoso nanaman ang mukha nya.

"Ahh. Wala. Tinatanong lang nya kung nasan ako. at sino daw kasama ko. sabi ko ikaw. Yun lang naman talaga ang sinabi nya ni Gino eh.

After ilang oras nakarating narin kame sa harap ng bahay namen. Bababa na sana ako. Bigla ako niyakap ni Steven

"Bhebheko pag isipan mo lahat ng sinabi ko sayo ha? Kahit ayaw mo. Liligawan parin kita. okay? Kinilabutan ako sa sinabi nya. Ngayon parang gustong gusto ko na tinatawag nya ako ng "Bhebheko" Hindi ko alam. Kahit ako gulong gulo narin sa sarili ko.

"Sige salamat sa pag hatid. Ingat ka. Paalam ko sknya. Pagkaalis ni Steven napangiti ako. Hindi ko alam ano ang ibig sabihin ng mga ngiti ko sa labi.

Papasok na sana ako sa gate namen, Biglang may tumawag sa name ko. Ano ginawaga nya dito???

Bibitinin ko muna kayo. Heheheheheh. Wag pong kalimutan ang mag vote. Thankyouuuu.Xoxo! 💕💕💋

The More You Hate The More You LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon