Chapter 4 - Unknown
Kathalea Point Of View
Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana,kahapon pa ako bagot na bagot. Wala sila Mommy at Daddy,mayroon silang business trip na pinuntahan. Two days lang sila do'n pero pakiramdam ko ang tagal nilang nawala. Hindi ako sanay na hindi sila nakikita,hindi ako sanay na hindi naririnig ang mahabang sermon ni Mommy sa t'wing tinatanghali ako ng gising. Hindi rin ako sanay na hindi naririnig ang ma-awtoridad na pananalita ni Daddy. Wala akong ibang kasama sa bahay kundi si Yaya at ang ibang serbidor dito sa bahay. Hindi rin ako makalabas ng bahay dahil bilin nina Mommy at Daddy na huwag akong lalabas ng bahay.
Baka raw ma adopt ko ang ugali ng mga taong nakatira lang sa kalsada -____- wala namang masama sa pakikipag-usap sa kanila. Mababait naman sila at hindi nananakit,hindi naman lahat ng taong nakatira sa gilid ng kalsada ay masasama na. Mayroon rin silang busilak na puso na handang tumulong o mag-alaga ng kapwa nila.
Hindi naman sila kagaya ng iba na madumihan lang o hindi sinasadyang masagi ay nagagalit na agad, sigurado naman na hindi iyon intensyon na gawin. Bakit ba marami ang ganoon na tao? Iyong tipong madumihan lang ang suot nagagalit na agad,maapakan lang ang paa nananakit na agad. Minsan naiisip ko na lang na kulang sila sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang. Minsan kasi hindi naman sa ibang tao nakukuha o nagagaya ang pag-uugali ng isang tao. Minsan sa loob ng bahay din,sa kung paano kumilos at magsalita ang mga miyembro ng pamilya.
Pero kung alam mo namang mali 'yon bakit gagayahin mo pa? Di'ba? Bakit mo pa gagawin ang mga bagay na masasama kung alam mo namang hindi 'yon makakabuti sa 'yo. Pero minsan 'yon na lang kasi ang dahilan para makatakas sila sa tunay na takbo ng buhay,minsan nagiging pasaway, pala-away. Nagiging bulakbol,nakikipag-away kasi sa pag-uwi nila haharapin nila ulit ang tunay na problema.
Natampal ko ang sariling noo sa naisip, bakit ko ba naiisip ang mga ganoong bagay? Hindi ko naman naranasan ang ganoong sitwasyon.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas 'yon at pumasok si Yaya Lena. Matagal na siyang kasambahay dito sa bahay, siya rin ang minsanang nag-alaga sa akin noong sanggol pa lamang ako. College na ako at hanggang ngayon ay nandito pa rin siya pinagsisilbihan kami.
Ngumiti ako kay Yaya Lena ng makita ang dala niyang tray na naglalaman ng pagkain. Tanghali na at hindi ko gustong lumabas ng kwarto kaya siguro inakyat niya na ako at ipinaghanda ng tanghalian.
"Hindi ka lumalabas ng kwarto mo kaya naisipan kong dalhan ka ng pagkain,hindi ka pa kumakain ng pananghalian." Mahabang sabi ni Yaya at inilapag ang tray sa bed side table ko.
Mabait si Yaya Lena,kung magiging anak niya ako ay napaka-swerte ko sa kaniya kung gano'n. Ginagawa niya ang lahat para sa pamilya,minsan nga kahit may lagnat ay nagtatrabaho siya para lang may maipadala sa pamilya niya sa probinsya.
Lumapit ako kay Yaya Lena at pasimpleng yumakap sa kaniya. Natawa naman siya at niyakap ako pabalik,natural na sa akin ang pagyakap sa kaniya at pagkapit-kapit dahil maliban kila mommy si Yaya Lena ang tinuturing kong ikalawang magulang.
"Ikaw talagang bata ka, ano't naglalambing ka?" Ngumuso ako sa sinabi ni Yaya Lena at nalulungkot na tumingin kay Yaya.
"Namimiss ko na si Mommy at Daddy Yaya." Malungkot na sabi ko. Hindi inaalis ang pagkakayap ko sa kaniya. Hinaplos naman ni Yaya Lena ang buhok ko at isinabit sa tainga ko.
Ngumiti siya ng matamis. "Uuwi din ang Mommy't Daddy mo Lea. Kaya huwag ka ng malungkot,aba! Dalagang-dalaga ka na. Walang maliligaw sa iyo kung panay Mommy at Daddy ang hinahanap mo." Nahampas ko ang braso ni Yaya dahil sa pang-aalaska niya.
BINABASA MO ANG
Rebellious Daughter (The Kathalea Story)
De TodoMinsan hindi ko maiwasang magtanong sa iba kung bakit malaya silang nakagagalaw ng walang pumupuna. Ano ba ang depinisyon ng pagiging malaya ? Iyon bang nakakalabas ka araw-araw? O iyong nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin? Sometimes...a controlli...