Chapter 1 - Kathalea Coleen Bonifacio

0 1 0
                                    

Chapter 1

Monday,
February 14, 2022

Isang malakas na kalabog ang naririnig ko mula sa labas ng aking kwarto, tila may dalawang taong di matigil sa pagkakarambolan. Isa-isang nagbabagsakan ang mga gamit at malalakas na sigaw ang umaalingaw-ngaw sa buong kabahayan. Dumaloy ang kaba sa aking dibdib ngunit hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili lamang akong tahimik at lihim na nagmamasid sa mga nangyayari sa labas ng aking kwarto.

Ngunit ng hindi ko matiis ang sunod-sunod na daing ng aking ina ay hindi ko na nagawang magtago pa. Marahas na kinuha ko ang baril sa aking lamesa at lumabas, mabibigat ang hakbang na tinungo ko ang kinaroroonan nila. Sa namimilog na mga mata ay nagawa nilang tanawin ang mga kamay kong nanginginig sa sobrang galit at kaba. Hindi para sa akin kundi para sa aking ina, wala man akong puso para sa iba ngunit hindi sa aking pamilya at kakilala.

"How many times do I have to tell you Papa, don't hurt my Mom." - mariing sabi ko habang nakatingin sa aking Ama.

Ng marinig ang aking tinig ay walang pag-aalinlangang nilingon niya ako. Natigil siya sa badyang pagsakal sa aking ina at nanatiling nakatingin ang kaniyang mga mata sa kamay kong may hawak na baril, nakikita ko ang magkahalong takot at galit sa kaniya mga mata. Takot para sa kaniyang sarili at galit para sa aming dalawa ni Mama. Saan ka nga ba makakakita ng asawang ubod ng bait pero demonyo kung magalit, saan ka rin ba makakakita ng anak na rebelde at mahilig makisabit. Lalo na ang kumabit sa mga lalaking may sabit.

I am one of that daughter of him, a rebel daughter who love to make things complicated. Wala eh, doon ako nagiging masaya-- sa paraang nakakasakit na ako ng iba. I didn't bothered myself to say sorry or even bothered myself to felt guilty. I love destroying their lives and their happiness, drowning them in pain is one of my best game in life.

Ang lunorin sa sakit ang mga taong sobra na rin kung makapanakit. Saktan ang mga taong nakakaramdam ng kasiyahan, paiyakin ang mga taong sobra na kung magmahal. Bigyang problema ang mga taong wala ng ibang ginawa kundi ang magsaya at maglustay ng pera.

Ako si Kathalea Coleen Bonifacio, at ito ang aking kwento.............

...................................................
.................................................................................

Wattpad Present

Rebellious Daughter (The Kathalea Story)

By: DeathlyMoonShine

Someone's point of view

February 15,2022
Tuesday,

Masayang nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid,labis akong nagagalak sa aking nakikita. Nakalulugod ang ganda at kinang ng muwebles na aking nakikita sa aking harapan,tila isa itong makalumang kasangkapan. Siguro ay labis na mahalaga ito para sa iba sapagkat itinago pa ito sa pinakasulok-sulokang bahagi ng isla,nasasabik na lumapit ako rito at nag-wika.

"Napakaganda...ngayon lamang ako nakakita ng ganito. Nakaharap ko na ang iba't-ibang klase ng ganitong muwebles ngunit ang isang ito ang siyang mas maganda sa lahat."- nasisiyahan ang tinig na sambit ko.

Itinaas ko ang aking kamay at balak na sanang ikumpas ito ng makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog mula sa taas. Nandito ako sa pinakababang parte ng bahay,dahil sa sabik na makalabas muli ng palasyo ay inubos ko ang aking oras sa paglalakbay at pagmamasid sa buong isla.

At sa labis na kuryusidad ay palihim kong pinasok ang lagusan mula sa aking kinatatayuan patungo sa lugar na ito at hindi nga ako nabigo sapagkat narating ko ang pinakadulong bahagi ng bahay. Iyon ay kung saan naroon ang kakaibang muwebles na sa sobrang kinang ay iisipin mong nagmula pa ito sa diyamante.

Kunot ang noong umakyat ako para silipin ang nangyayari sa taas at laking gulat ko ng makita ang dalawang taong nag-aaway mula sa taas kung saan itinuturing itong sala ng mga taong nabubuhay sa loob ng dimension ng mundo.

Tsk ang talino ko talaga!

Ipinilig ko ang aking ulo at tinakpan ang bibig ko sa maaring ilikhang ingay nito,natatakot pa naman ako sa mga ganyan. You know the word 'sex' ? Yun ang nakakatakot para sa'kin,yes they were having a hot night...maybe. Pero ang nakakapagtaka nga lang umiiyak ang ginang na babae while the old man is laughing. May nakakatawa ba sa ginagawa nilang dalawa? I thought you'll get hurt down there right? Kahit lalaki ba nasasaktan din don? Aishhh ewan malay ko ba sa mga talaga planetang Earth ayyyy taga planetang Earth din pala ako,ngayon ko lang naalala ahihihihihi ^_________^

Sa labis na pagkawala ng utak kong naliligaw napabalik na lamang ako sa ulirat ng marinig ang sunod sunod na kalabog at daing mula sa ginang na babae,at doon ko napagtantong hindi pala sila gumagawa ng milagro kundi sinasaktan ng ginoong lalaki ang ginang na babae ayyyyyy pareho lang iyon ah! Bakit may ginang na may babae pa? Hala! Nauntog na ba ang ulo ko at nakalimutan ko ang pagkakapareho nila? OH MY GOSH! Mawawalan na ba ako ng utak?

>_<

"Don't ask yourself,wala ka naman talagang utak."

"Ouch! ಥ╭╮ಥ Bakit ang sama mong magsalita?"

"Hindi yon masama, I'm just stating the fact."

"Chee! Ipagagahasa kita! Makikita mo! Babae ang makakatikim sayo hindi lalaki! Bading!"

"Nooo! Tatahimik nako! Just make it a boy ha? Boy okay?"

"Hmmpp! Ewan!"

Naputol ang pakikipag-usap ko sa isang kaibigan ng bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang magandang babae and waittttttt! Tinitigan ko siyang mabuti,from head to toe. My eyes jump when I see myself on her! Okay OA lang,hindi tumatalon ang mata. Pero magkamukhang magkamukha kami >3< kakambal ko ba siya? Pero walang sinabi si Ama tungkol rito,ni hindi niya ako kinausap na mayroon akong kakambal mula sa mundo ng mga tao.

"Ano ka ba hindi mo siya kakambal. Kamukha mo lang siya,marami tayong kamukha sa mundo. Marami kayong pagkakaiba,mas masahol ka pa sa kaniya kung magalit eh."

Gustong lumuwa ng mga litid ko sa katawan ng marinig ko ang tinig na iyon, nakakainis siya. Inaasar na namam niya'ko! At ang mas nakakainis naaasar naman ako! (个_个)

Okay back to the scene,nahuhuli ako sa balita eh >_<

"How many times do I have to tell you Papa, don't hurt my mom."- owwww nakakatakot siya!!!! .·'¯'(>▂<)'¯'·. Help meeeeeee! Charing!!! I can defend myself on her at isa pa hindi niya naman ako makikita eh. Invisible ako eh ahihihihihi ^______^

"Melodania!!!!!!!!"

UH-OH!!!!

_____

A/N:

There you go,natapos rin ang chapter 1. Na gets po ba ang kwento? Well kung hindi niyo naitatanong tungkol po siya kay Kathalea Coleen Bonifacio pero dahil naging malikot ang utak ko nalagyan po siya ng fantasy dahil habang nagsusulat ako maging ang kamay ko ay nagsusulat din HAHAHAHAHA 😆 chareeeets lang guys! Hindi ko po maintindihan dahil sumasabay naman po ang utak ko pero hindi ang kamay ko,basta ba nagtatype lang ako. Hindi na nasusunod ang utak ko dahil tuloy tuloy na yan,wala ng tigil tigil.

At dahil mahilig naman ako sa fantasy bakit hindi ko na lang haluan ng fantasy di ba? Kaya I decided na haluan siya ng fantasy total nagandahan rin naman ako sa pagkakabuo ng chapter 1 ☺️

Iyon lang po, maraming salamat!

Love you! ❤️

DeathlyMoonShine

Rebellious Daughter (The Kathalea Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon