"Anak. Gising kana."
Ugh. Naramdaman ko nalang na may gumigising sa akin. Si Papa.
"Pa! Anong oras ka dumating?" Pambungad ko na tanong sa kanya. Bumangon na din ako at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko.
"Alas dyis na. Overtime eh. Lam mo na. Ohh, sabi ni Ma, umiyak ka daw kahapon. Crush ba yan anak? Ha?" Hahaha. Si papa talaga kilala ako. Hindi naman kasi siya magagalit, pero kailangan din daw lagyan ng limitasyon.
"Hahaha! " napatawa ako dahil sinusundot niya yung tagiliran ko. Close kasi kami. Lalo't unica hija laang ako.
"Pa! Tama na, hahaha!"
"Oh siya, maligo kana at kumain ng almusal hah?"
"Opo."
Nakasuit na siya at may dalang case. Ayun, papasok na siya sa trabaho.
Binigyan niya muna ako ng kiss sa pisngi at nagpaalam na siya.
Naligo na ako at nagbihis. Bumaba na ako para kumain. Naabutan ko naman si CL. Nasabi ko na ba sa inyo? Anak siya ng maid namin. Dahil sa sanggol pa lamang ako noon, siya na ang nag aalaga sa akin. At noong 7 taon na ako, dinala niya si CL. Mula noon, naging magkaibigan na kami.
At araw araw yan, kumakain si CL dito sa amin. Para naring binisita niya yung mama niya.
"Good morning Cindz!" Bati niya nang maramdaman niya sigurong palapit na ako sa hapag kainan.
"Good morning din!" Nagbesohan kami at umupo na ako upang kumain na rin.
"Nagawa mo na ba ung essay natin?" Pambungad na tanong niya.
"Ahh oo. As usual, inspired." Essay namin un kung ano ang nais mong mangyari sa iyong future. Parang baliw lang nu? Para namang magiging totoo.
"Kanino? Sa favorite character mo o kay Josh?" Yan! Naalala ko na naman tuloy siya. Hmp. CL kasi.
"CL naman. Pinaalala mo pa eh."
"Ayy oo nga pala. Brokenhearted ang bestfriend ko. Sorry." At nagpeace sign siya.
"Hayy. Sige na nga, bilisan natin para maaga tayo."
**
"Babe, nawawala talaga!" Narinig ko sa may hardin ng school namin na nagsalita noon. Nagpicture kasi kami ni CL doon para sa project namin. Nang sumulyap ako kung sino yon, si Bernice.
Wow. Lumakas yung heartbeat ng puso ko at bumilis. Parang anytime maririnig ni Bernice yun dahil tahimik noon. Naiwan na kasi ako ni CL at may bibilhin lang daw siya. Ayun, nag intay ako dito.
"Babe, gaano ba kaimportante yung kwintas na yun?" Malambing namang sagot nung lalaki. Di ko siya natanaw kanina, pero sigurado ako. Si Josh yun. Boses pa lang niya, nadagdagan agad ung parang bigat ng puso ko. Sila na pala. Ang bilis naman. Parang kagabi lang ngawa ako ng ngawa dahil sa kanya.
"Basta! May sentimental value yun eh!" Naiinis namang sagot ni Bernice. Siguro dito niya yun naiwala kaya dito sila nagpunta.
Nakaupo lang ako sa may bench at nasa may bandang likod ko sina Josh at Bernice. Nagsasagutan parin tungkol sa kwintas. Maya maya, tinawag na ako ni CL.
"Tara na Cindz! Umuwi na tayo!"
Tatayo na sana ako ng maramdaman kong parang may nakatali sa may takong ng sapatos ko. Kulay silver iyon at may pendant na anchor. Pinulot ko.
Di ko alam pero parang sadyang kasunod lang ng pagpulot ko ay pagtatanong kay Josh at Bernice kung iyon ang kwintas na hinahanap niya.
"Ahm, eto po ba ang hinahanap niyo?" Nakayuko pero nakalahad sa kanila ang kwintas na napulot ko.
"Yan nga! Ito nga babe! Nasa bench lang pala eh!" Sabay hablot ng kwintas sa akin ni Bernice. Nagulat naman ako kaya napalingon ako. Pero sana hindi ko nalang yun ginawa dahil nakita ko ang kamay ni Josh,
Nakahawak sa bewang ni Bernice.
Parang kumirot lalo ang puso ko. Parang naiisip ko kung naging brokenhearted ba dati si Cinderella. Bakit ko naranasan to?
"Naku miss pretty! Thank you talaga! Kung iba yun hindi ko na makikita ito kasi ung iba ninanakaw na eh. Naku thank you talaga pretty!"
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kinomplement niya ako at nagthank you siya sa akin?
"Ahh, uhm---"
"Bernice nga pala. Bernice Ocampo." Omo! Naglahad siya ng kamay na para bang makikipagshake hands. Nakangiti siya sa kin, ang ganda niya tingnan! Parang lalo akong nadown sa sarili ko. Talagang hindi kami ni Josh sa isa't isa.
"Ahh, Cinderella Laurine. Cindy nalang." At rumespond ako sa nakalahad niyang kamay. Shet. Mukhang mayaman talaga. Ang lambot ng kamay. Parang di nakahawak ng panghugas ng pinggan.
"Ah! Nice meeting you! Ikaw pala ung Cinderella na nasa top 1! Ang ganda ganda mo pala, magaling ka rin palang magpaint! Nakita ko ung mga canvass mo sa bulletin! Tsaka sa mga quiz bee! Ayy! Di mo ba alam, idol nga kita eh! Ang bait bait mo pa! Diba babe? Gusto kitang maging friend! Pwede ba? Pwede?"
Wow.
Di ko inaasahang ang babaeng akala ko dati ay napakasungit, napakataray at b*tch, ay hangang hanga sa akin? At gusto akong maging kaibigan. Uhh,? Seriously?
"Ahh ehh---"
"Sige na Cinderella. Wala kasi akong kaibigan eh. Akala ko sa pagiging famous ko, mayroon akong magiging kaibigan. Plastik lang pala silang lahat."
Wow. Nagkukwento siya sa akin! Kurutin niyo nga ako. Baka nagdadaydreaming lang ako.
"Sure! Diba Cindz?"
Nagulat ako. Iniintay nga pala ako ni CL. At himalang approve na approve siya ngayon sa tulad ni Bernice? Wow. Explanation, humayo ka.
"Sige ba." Pag sang ayon ko nalang at ngumiti ako sa kanya. Nakangiti din siya sa akin.
Maya mayay naramdaman kong yumakap sa akin si Bernice. Sincere talaga siya. Walang halong arte ang pagyakap niya kahit amoy araw na ako.
"Thank you talaga Cinderella. Bagay sayo ang pangalan mo! Ang bait mo talaga. " at naramdaman kong may likidong pumatak sa may balikat ko. Ano to? Umiiyak siya?
"Ahh B-bernice?"
Kumalas siya sa pagyakap sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Sorry madrama na ako hah. "
"Baka may makakita sayo."
"Pakelam ko ba sa kanila. Friends?"
Umakto siyang parang aapir ang dalawa niyang kamay na naklahad sa amin ni CL.
"Friends!!" Sumigaw si CL at si Bernice. Nagduet sila ha.
Maya-maya'y namalayan ko nalang na tumatakbo kaming tatlo kay Josh dahil kinuha niya ung kwintas at ayaw ibigay. Ang saya naman.