Josh's POV
Naaalala ko sa kanya ang childhood friend ko. Napakasayahin niya, nakikipagkaibigan pa sa iba. Ang ganda niya. Kaya nahulog ako sa kanya eh. Ang tagal ko siyang hinanap. Nakita ko na siya...
Ngayon, ngayong kami na. Hindi ko na siya papakawalan pa.
"Babe, ang ganda ni Cinderella no? Ang saya niya sigurong maging kaibigan. Hindi nga siya makapaniwalang kinausap ko siya eh. Ganun ba ako kawild babe? I mean, famous nga ako. Akala siguro niya snob ako."
Nakaupo kami sa may fastfood chain. Kasalukuyang kumakain ng lunch. Nagkita kasi kami ngayong linggo. At isa pa, tuwang tuwa rin siya kay Cinderella. Ewan ko ba, parang interesado din ako sa kanya, na makilala siya. Siguro may ganun talaga siyang charms kaya pati si Bernice pinapaalala siya.
"Oo nga eh. Sige, pwede ka namang makipagkaibigan doon eh. Mas boto ako sa kanya kesa kina Britany, Nicole at Fiona."
"Eh kaya lang naman ata ako kinaibigan nung mga yun para sumikat din eh. "
Sobrang saya nga ni Bernice nung makilala si Cinderella. Lagi nga niyang kinukwento eh. Pati tuloy ako gusto siyang maging kaibigan. Sabagay, mukha siyang mabait. Bagay ang pangalan niya sa kanya.
"Oh siya. Tama na. Tapusin mo muna yang pagkain mo, nakatulala na sayo ohh."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain namin.
By the way, ako si Joshua Santiago. Varsity ako sa school. Kaya nga nakilala ko din si Bernice eh. Naging partner ko kasi siya noon bilang muse. At naalala ko sa kanya si Burn, ang childhood friend ko. Dahil kasi sa Bernice, makukuha din ang Burn. At umamin siyang ganun nga tawag sa kanya nung bata siya. Dahil ganoon din ang pangalang ibinigay sa akin nung babaeng bata. Masayahin din ito, iyakin. At mahilig sa bulaklak.
"Hoy bata!" Sabi ko sa batang nangunguha ng santan sa bahay namin. Maganda siya, maputi, medyo curl at mahaba ang buhok. Nakapambahay to. Mukhang kapitbahay namin.
Magnanakaw ata to ah!
"Anong ginagawa mo? Isusumbong kita kay Mommy!" Sabi ko sabay belat at pamewang.
"Eh di isumbong mo! Ang selfish selfish mo naman! "
"Basta, nagnanakaw ka eh! Mommy! Mommy!"
Umiyak yung bata. Nilapitan ko naman.
"Bakit kaba umiiyak, hah?!" Sumigaw na ako. Nakakainis! Binibiro ko lang naman siya ah! Nilapitan ko naman siya at nakita kong may torn sa may daliri niya. Ah kaya pala.
Inalis ko ang torn nung sanga sa daliri niya. Tumahan naman ito.
"Para iyon lang naman, umiiyak kana." Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya para tumahan.
"M-masakit.."
"Ano ba pangalan mo bata?"
Ang tagal niya bago makasagot.
"B--burn."
"Ahh. Ako si Owa." At nakipagshake hands ako.
Nagsimula na namang tumulo ang luha niya. Ano bang problema nito?
"Burn, bakit?"
"Ehh kasi ung kamay ko masakit!"
Nabitawan ko ung kamay niya. Yun pala ung may sugat. Aww wrong timing.
"Burn! Umuwi kana!" Sigaw sa kanya ng yaya nila.
"Bye Owa!"
"Bye din Burn!"
Hanggang ngayon di ko parin malimutan yun. Pero ngayong nandito na ang babaeng iyon, siya ngayon ang mamahalin ko.
Ang tagal ko siyang hinanap. Nasa harap ko na pala ang sagot.
"Ohh nasa ilalim na naman ang utak mo."
"May naaalala lang ako."
"Babe, wag mo masyadong pakaisipin okay? Diba araw natin to?"
"Sige. Tara na."
Habang naglalakad kami, nakatingin ako sa kanya. Nakaakbay kasi siya sa akin at nakangiti sa mga taong madadaanan niya. Ganyan siya. Naalala ko tuloy nung bata kami.
"Bakit ka nakangiti sa kanya, hah!" Sigaw ko kay Burn. Nakangiti kasi siya kay Gelo. Lalaking kalaro niya. I hate him.
"Bakit? Masama ba? Bakit ba ayaw mo akong palaruin sa kanya, hah?"
"Ayoko. Pangit siya."
"Hindi naman siya uhugin tulad mo."
"Anong sabi mo?"
"Wala. "
Nakakatawa naman si Burn. Pero ayaw ko talagang malapit siya sa ibang lalaki. Kaya nga hinamon kong maglaro si Arvin. Pumayag naman siya. Sa kasamaang palad, talo. Talo si Arvin.
Habang nasa department store kami, may nakita akong damit. Namumukhaan ko ung print ng tshirt. Etong eto yun! Green ang favorite color ni Burn mula noong bata pa siya.
"Babe, diba nagdrowing ka noon dati? Nung bata pa tayo?" Sabay turo ko sa may tshirt na may pagkacream at may print ito na green flowers.
"Hah? Ah. Oo. Ang galing ko ngang magpaint diba?" Pag sang ayon niya. Pero bakit di ako satisfied? Parang kulang eh. Parang di pa din sapat na naitanong ko yun. Pero baka di niya lang maalala dahil matagal na yon.
"Oo naman." At ikiniss ko siya sa forehead.
Hindi naalis ang tingin ko sa tshirt na yun. Parang gusto kong ibigay kay Bernice.
"Babe, ibibili kita noon."
"Ha? Bakit naman?"
"Para hindi mo ko makalimutan. Na ako pala ang childhood friend mo."
"S-sige ba."
Ayun, binili nga namin ung tshirt na yun.
"Thank you babe." At ikiniss niya ako sa pisngi.