|Tiktok 4 : LOOK

32 2 1
                                    

Josh's POV

"Babe?" Tumawag sa akin si Bernice. Mula kasi noong naging kami, hinahatid sundo ko siya mula sa kanila. Nakilala ko na rin kasi ang parents niya, at okay lang naman ako sa kanila.

"Oh, andito na ako sa may gate." Nakita ko ang pagbukas ng pintuan. Siya nga. Natulala na naman ako. Si Burn na kababata ko, nakikita kong nasa harap ko. Nakangiting maglalakad sa akin.

"Babe, tara na. Maglalakad ba tayo?" Tanong niya sa akin. Ang ganda talaga niya. Hindi ko na siya papakawalan pa.

"Syempre hindi. Ayokong mapagod ang prinsesa ko." Naalala ko si Cinderella sa sinabi ko. Huh. Scratch that.

"Ahm babe, mahal mo ba talaga ako bilang ako?" Nakatingin siya sa akin habang nag aabang kami ng masasakyang jeep.

"Oo naman. Kahit anong mangyari, love na love kita. Hah? Tandaan mo yan palagi. " at kiniss ko siya sa bunbunan niya.

"Ang cheesy mo babe. Ayan may jeep na." At pumara na ako.

**

"You put your arms around me and I'm home."(Arms by Christina Perri) Natanaw kong kumakanta si Cinderella. Naalala ko na naman si Burn sa accent niya. Nung bata kasi siya, favorite niya ang kantang EVERYTHING HAS CHANGED. Yung kay Taylor? Ano ba yan, Cinderella na naman.

"Hey!" Pagkasabi ko nun ay nataranta siya.

"Naku sorry, nagulat ata kita." Natapon ang mga papel na hawak niya.

Cindy's POV

Nakaupo lang ako sa may bench katabi ng office ng principal. May pinapabigay daw kasi sa adviser namin eh may ginagawa daw importante kaya kami daw ang pumunta doon. Ang tagal naman dumating ni CL. Siya kasi ang kumukuha ng mga papel. Eh hawak ko naman ung paperwork na ipapasa ko sa adviser ko. Naisipan kong magheadset.

Naisipan kong iplay ang kanta ni Christina Perri. Naiisip ko si Josh nung pinakikinggan ko ang bawat lyrics. Na sana ako, ako ang hawak niya lagi. Para pag nahulog ako, siya ang sasagip sa akin. Siya ang magpupunan ng butas ng bawat pagkawala ko. Na kapag niyakap niya ako, ligtas ako sa lahat. Pakiramdam ko walang ibang makakalapit sa akin.

"You put your arms around me and Im home." Nasabi ko habang nakapikit.

"Hey!"

Oh my god! Si Josh!

Nahulog ko tuloy ang paperworks ko. Shocks! Ano bang kaengutan to Cindy! Bakit kasi nandito si Josh!

"Naku sorry nagulat ata kita." Tumingin siya sa mga papel na nalaglag. At pinulot niya isa isa yun.

"Hindi, ako na." At sabay kaming napahawak sa isang papel. Tumingin siya sa akin, ganun din ang ginawa ko. Nagtitigan kami.

Ano ba to? Naiilang ako kay Josh. Ang crush ko, nakatitig sa akin! Nangangamatis na ang pisngi ko nito.

"Burn.."

Hah? A-anong Burn ang sinasabi mo Josh?

Josh's POV

Hindi ako makapaniwala. Nakita ko ang mata ni Burn sa kanya. Pati ang kamay niyang may sugat sa bandang kaliwa. Sigurado akong ganun ang pinagkasugatan ni Burn dati sa sanga ng bulaklak.

Teka, diba iba si Cinderella? Bakit ba ako naguguluhan? Diba andito si Bernice? Diba siya si Burn? Baka nag iilusyon lang ako. Inamin na nga ni Bernice na siya si Burn. Napakasama ko talaga.

"Sige na Josh. Ako na. Ako kasi may kasalanan, clumsy kasi ako."

Napatayo naman ako sa sinabi niya. Nakita ko si Bernice papunta sa akin galing office kasabay si CL.

When The Clock Reaches TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon