"And they lived happily ever after."
Wow! Ang ganda naman ng story ng Cinderella na ito. Sabi ng mga kaklase ko panget daw. Buti napilit ko si Mama magkwento nun!
"Cindy, ba't di kapa natutulog? Nabasa ko na lahat ng story books mo ah."
Di kasi talaga ako makatulog. Nalaman ko kasing tunay na may happy ending. Bakit si Cinderella, diba?
"Ma, totoo ba yung happy ending?"
Ngumiti si Mama.
"Ikaw mismo ang gagawa ng ending mo anak. Naku, dalaga kana talaga. Palatanong kana. Oh siya. Matulog kana at may pasok kapa bukas.
Naalala ko tuloy yung gabing iyon. Si Cinderella. Ang favorite princess ko. Hanggang ngayon, nag aasume pa rin ako. Sana katulad ko siya. Na may happy ending.
"Cindz! Nasaulo mo na ba ang script mo?" Ayy oo nga. May role play kami. Musical play. Ako ang gaganap na Cinderella.
"Ahh medyo. Pipilitin ko talaga. " tutal, sa byernes pa naman yun. Apat na gabi pa.
"Ah kinakamusta ko lang naman. Sige byebye!" At lumabas na siya ng room.
Nag ayos na ako ng gamit ko at handa na akong maglocker. Dismissal na kami ng klase ngayon.
"Huy Cindz!" At tumakbo papalapit sa akin si CL. Bestfriend ko naman siya.
"Tara na! Uwi na tayo!" Sagot ko naman sa kanya habang pinapatas ng ayos ang libro ko.
"Teka lang, ayaw mo bang makita si Josh?" Natigilan ako doon. Siya naman ang crush ko. Crush ko na siya since 1st year. Yun nga lang, hindi niya ako kilala. Hayy.
"Ano bang meron sa kumag na yun?" Pagtatanggi ko. Pero di ko masambit pangalan niya ehh.
"Yiiie, kumag ka dyan. Halika sa may gym! Nagbabasketball siya!" At hinila niya ako palabas ng room.
"Wait lang! Maglocker muna tayo!" Pahabol ko naman. Syemprw kahit ganun, may care parin ako sa ibang bagay
"Ayy nga pala. Sige tara!"
**
"Go Josh!!!"
"Woooh!"
"Go baby Josh!"Ang iingay naman nila. Ang dami kasing tao sa gym. Basta si Josh kasi, andyan sila. Tama kayo ng iniisip, famous siya at varsity ng basketball. Kaya madaming fans.
"Sis! Bakit daw may laro ngayon si baby Josh?"
"Sabi eh may laban daw si Josh at Arvin. Diba pareho silang manliligaw ni Bernice?"
"Ahh ganun ba. Kaya pala. Pero lamang na ata sina Josh ehh!"
"Kaya nga icheer pa natin! Baby Josh go!!"
Huh? Parang hiniwa ng balisong yung puso ko nang malaman ko yun. Ang sakit. Sana hindi ko nalang narinig. Tsaka ano nga namang panama ko kay Bernice? Campus crush siya dito. Napakaganda pa. Talong talo na ako itsura palang niya. Pakiramdam ko parang tutulo na ung luha ko anytime.
" Cindz, okay ka lang? Teka, tara sa CR." Napansin niya sigurong namumula na ung mata ko.
**
" Cindz, hindi lang siya ang lalaki dito sa mundo. Marami pang iba dyan. Tumahan kana. Mahaba pa ang buhay mo nu! 4th year palang tayo!"
Kinuwento ko kasi ang narinig ko kanina. Palagay ko kasi wala na talaga akong pag asa. Kaya ayun, umiyak ako.
"Eh ayaw ng puso ko ehh! Ayaw talaga. Siya parin!"
"Hayy naku. Tahan kana Cindz. Hanggang asa ka lang. Sa nakikita ko, malabong mangyari yun. Tama ka na nga sa kakapangarap mo! Ohh siya, umuwi na tayo. Papangit ka niyan!" At napangiti naman ako doon.
"S-sige."
**
"Kamusta ang pagpasok mo anak?" Salubong ni mommy sa may pinto. Nagtatanggal kasi siya ng bulok na dahon ng mga halaman namin. Actually hardin yun. Mayaman kasi si Daddy. Sige. Mayaman kami. Pero hindi yun alam ng mga kaklase ko. Si CL lang. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Di ko mapigilang mapaiyak na naman.
"Ma!" At humagulhol nalang ako sa kanya. Niyakap niya naman ako.
"Spill it." Sabi ni mama sa akin. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya.
**
"Anak, ayokong nasasaktan ka. Tumigil kana sa kanya. Hindi sa kanya ang happy ending mo." Eh kasi, lagi ko siyang napapanaginipan. Lalo tuloy akong nagiging desperado.
"Pero ma! Alam kong may mangyayari." Sinabi ko nalang.
"Bahala ka. Pero wag kanang iiyak sa susunod ha? Dapat matapang ka. " kaya love na love ko yang si Mama eh. Para din siyang katulad ko mag isip. Di niya ako pinapagalitan.
"Opo ma."
"Oh siya, kumain kana muna ng meryenda mo at gawin mo ang assignments mo, okay?" Tumungo nalang ako.
**
Di ko alam kung ano ang naisipan kong gawin at iniistalk ko si Bernice sa facebook. Hanggang ngayon, iniisip ko parin yung similarities at differences namin. Ang dami niyang likers, samantalang ako, iisa. Si CL lang. Nakakapanghina talaga.
Kasunod naman nun syempre si Josh. Nagscroll lang ako sa fb niya. Hanggang sa nakita ko ang picture nila ni Bernice. Lalo tuloy akong nawalan ng pag asa.
Naisip kong gawin nalang muna yung homeworks ko. Btw, honor student ako at running for valedictorian pa. Kaya pinag iigihan ko pa. Pero ung script ko sa play, hindi ako gumawa nun. Si Danna. Hindi naman kasi porket ako ung top, ako na lahat. Pinagbibigyan ko din sila. Kala ko, sa pagiging valedictorian ko, mapapansin niya ako. Hindi pa rin pala.
Nakatulugan ko na lamang ang pag iisip.