PRIMO

92 10 0
                                    

Capitolo Primo I



"Fuck—dahan dahananin mo naman, Ms. Amante." Mahinang reklamo ng binata sa dalagang gumagamot ng sugat niya ngayon.




"Can you please shut your mouth in a minute Mr. Gryendia," mahina pero matigas na sabi ng dalaga.




"Baka gusto mong pabayaan kita at langawin yang sugat na natamo mo kanina." Mahinang banta pa niya dito.




Naiirita siya tuwing nag sasalita ang binata. Hindi niya alam kung bakit.




Nanahimik ang binata sa isinagot sakanya ng dalaga. Sinabi lang naman niyang dahan-dahanin ang pag gagamot sa sugat dahil masyadong madiin ang bawat pag dampi ng kamay nito sa sugat niya na para bang may kasamang pang gigil.




"Kung hindi ka, naman kasi naki alam kanina, e di sana wala kang sugat ngayon at matiwasay tayo parehas na nag papahinga." Muling sabi ng dalaga sakanya.




Hindi pa din siya umimik sa sinabi ni 'to.
Alam naman niyang mali ang maki alam kanina, pero hindi niya napigilan ang sarili. Lalo na't ng makita niya ang dalaga na parang natatakot kaya agad siyang bumunot ng baril at nakipag barilan sa mga nanlusob. Feeling superhero din kasi siya ng mga oras na yon. Gusto niyang mag pasikat sa dalaga.




Alam din naman niyang gagamutin siya, kaya ayos lang kahit masugatan o mabalian siya ng buto sa pakikipag laban para sa dalaga.




Narinig ng dalaga na may paparating kaya agad niyang iniba ang emosyon sa mukha habang tuloy pa din sa pag gagamot ng sugat ng binata.




"How's my son, Mrs. Revoso?" Tanong ng presidente pagka pasok ng kwarto kung nasaan sila ngayon.




Biglang nag pantig ang tenga ng binata sa narinig mula sa ama. Ayaw na ayaw niya talagang naririnig ang apelyido na yon dahil isinisigaw nito na hindi na pwedeng mapasakanya ang dalaga.




What a sinful desire, stop your self Travis. Inis na sabi niya sa sarili habang naka tingin sa nakayukong dalaga.




"He's fine Mr. President, medyo nag rereklamo lang po." Sagot ng dalaga sakanyang ama ng hindi tumitingin dito.




Nilingon niya ang ama na masama ang titig. Alam niya na agad kung ano ang ibig sabihin non. Layuan niya na ang dalaga.




Ilang beses ng sinabi sakanya ng ama na layuan ito dahil may asawa na nga ang dalaga pero makulit siya. Kahit saan ito mag punta ay susundan niya para bang isa siyang aso na sunod-sunuran sa amo.




Nang umalis ang kanyang ama, muli niyang itinuon ang pansin sa dalaga. Napaka ganda talaga nito kahit saang angulo mo tignan at lalo pa siya nangigil ng makitang lumilitaw nanaman ang mga malulusog nitong dibdib dahil nakayuko ang dalaga habang pinupunasan ang dugo sa binti niya.




"Quit staring." Mahinang saway nito sa binata pero sapat na iyon para marinig niya dahil maliit lang naman ang pagitan nilang dalawa. Alam ng dalaga na tinitignan siya ng binata, hindi sa naiinis siya pero ayaw niyang titigan siya nito dahil may iba siyang nararamdaman.




"I'm just admiring your beauty, Sy." Sagot niya naman sa dalaga.




Hindi alam ng dalaga, kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ng binata. May nararamdaman siyang mga kiti-kiti sa tyan. Alam niyang mali ang magkaroon ng kung ano para dito, kaya lang ay hindi niya maiwasan lalo na't lagi niya itong nakakasalamuha sa palasyo pero hangga't hindi pa lumalala ang kung anong 'yon dito dapat na siyang lumayo.




La VieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora