• Morning together •

578 39 17
                                    

RISA.

Naaamoy ko hanggang dito sa kwarto ko yung amoy ng may niluluto. Halos wala akong maalala sa mga nangyari kagabi kundi yung magandang babae lang na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Shutangina! May pinapasok ba ako sa condo ko? Bakit ako hinayaang umuwi ni Lei kasama itong kung sino man na nagluluto sa kusina ko! Ang kapal din ng mukha at nagluto pa!

I tried to look for something to defend myself with before going out to my room pero hanger lang ang nakita ko.

Okay na 'to kaysa sa wala. Hahampasin ko nalang siya ng paulit-ulit.

I carefully opened my bedroom door, trying not to make a sound that could alert the person in my kitchen.

Lord, ikaw na po ang bahala saakin.

I saw a pillow and a blanket folded neatly on the sofa. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. I was about to hit her when she suddenly turns around.

"Ahhhh!!!"

"Risa! Ako 'to! Si Leni!" Leni shielded herself from me, hawak-hawak parin niya yung sandok.

"Leni? Leni! Oh my god, Leni! I'm so sorry! Akala ko kasi kung sino na yung napapasok ko dito sa condo. I'm really sorry talaga!" I put down the hanger. "Teka, paano ka nakapasok dito? Bakit ka nandito?" I started to bombard her with questions.

Gulong-gulo na ang isip ko. Idagdag pa yung sakit ng ulo ko dahil sa pagkaka inom namin kagabi.

"Muntik mo na nga akong pag hahampasin ng hanger wala man lang pa good morning? " Leni sighed as she hand me a cup of coffee and a plate of food. "Eto mag coffee ka muna. I made that just the way you like it. I also made you breakfast. Kain ka na."

"Asan na yung babae? Siya ba yung naghatid sakin pauwi?"

"Sinong babae?" Napakunot ng noo si Leni.

"Yung magandang babae na kasama ko kagabi." I took a sip of my coffee. "Ah, iyun ba? Ginawan ka niya ng coffee at breakfast eh." Leni answered.

"Sabi mo ikaw yung nagluto?" I looked at Leni. My mind is so confused. Ipinagluto daw ako ng breakfast nung babae pero siya daw yung nag luto.

Huh? Hatdog.

Leni is smirking at me for being confused sa sinabi niya.

Oh. my. god.

"I-Ikaw yun?"

Leni smiled smuggly at me. "Nakuha mo din."

"Hala! Nakakahiya! Kung ano man ang mga nangyari kagabi that's not me! That's Ana Theresia!" I panicked. I can feel my cheeks burning. Malamang namumula na ako sa hiya ngayon.

"It's okay, Risa. Kumain ka nalang. Lalamig pa yung pagkain oh."

Leni watched me eat the breakfast that she prepared for me in silence. Pero in fairness ang sarap ng luto ni Leni ng garlic rice at hotdog. Nilagyan niya siguro ito ng kung ano mang gayuma. Emz lang hindi naman ako crush neto para gayumahin. Random act of kindness lang siguro yung ginawa niya kagabi dahil kaibigan niya naman ako.

•••••

•••••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kahidlaw (SocMed AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon