• The unfinished business •

532 32 15
                                    

•••••

•••••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••••

RISA.

I can't believe that this is happening. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang umabot sa point na kailangan ko pang tumira sa condo ni Leni. I can take care of myself naman.

Letche ka, Miguel. Ang dami kong plano para sa buhay ko. Bumalik ka lang nagulo na ang lahat.

"Is this really necessary? I mean, I can take care and defend myself naman. If ever na puntahan ako ni Miguel dito sa condo." I explained Leila who is helping me pack my things.

"Risa, mas okay na yung may kasamahan ka and also have you forgotten na may pa show kayong dalawa ni Lens na kasal na kayo? For sure mag tataka yung si Miguel pag nakita na sa magkaibang condo kayo umuuwi."

Tama naman si Leila. Hindi malabong sundan ako ni Miguel dahil nagawa na niya iyun saakin dati. It was back then when we're still in college. Wala siyang tiwala sakin na uuwi talaga ako kaya sinundan niya ako.

Idagdag pa yung pa labas namin ni Leni na mag asawa kami. Alam kong hindi titigil si Miguel hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Hindi ko alam kung nakabuti ba o nakasama pa lalo itong pagpapanggap namin ni Leni.

This isn't supposed to happen. I should've left this country much sooner.

"Sabi ko nga, talo nanaman ako sayo." I sighed and continue to help Leila packing my things.

Chel and Teddy are also here, silang dalawa yung nag dadala ng mga gamit sa baba papunta sa sasakyan ko sa may parking. Si Sonny and Leni naman ay naiwan sa office dahil may meeting sila with their clients. Pero sabi niya hahabol daw si Sonny at si Leni naman sa condo nalang daw kami hihintayin.

Ang swerte ko sa kaibigan pero sa pag-ibig? Dili nalang ako mag talk.

"Okay na siguro 'to. Hindi ko naman kailangang dalhin lahat ng gamit ko dun. For sure hindi naman din mag tatagal itong palabas na 'to." I looked around, making sure na wala akong maiiwan na gusto kong dalhin. Teddy walked into my room and grabbed the last box.

Oo, gusto ko si Leni. Gustong gusto ko siya. Pero ayoko sa mga nangyayari saamin ngayon. The mixed signals that I kept receiving from her is too much for me. Paano kung-

"Nailagay na namin lahat sa kotse mo yung mga boxes. I say you're good to go." Chel interrupted my thoughts. "Thank you nga pala sa pagtulong niyo. Naabala ko pa kayo."

Teddy huffs. "Ano ka ba, Risa. Wala lang 'to. We're your best friends at nandito lang kami kung kailangan mo kami."

•••••

•••••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kahidlaw (SocMed AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon