Kabaliwan 14: Dorm Check (Part 2)

289 17 1
                                    

Continuation...

*Sungmin and Shindong's Room*

Staff: "Knock! knock! Please open the door!"

Sungmin: "Nag-order ka nanaman ng pizza?"

Shindong: "Hindi ah!"

Sungmin: "Eh, bakit may delivery girl?!"

Staff: "SM Staff 'to!"

*Sungmin opens the door*

Sungmin: "Ah, ikaw ba 'yong janitor na nirequest ko sa SM?"

Shindong: "Hahahaha! Janitor ka na pala ngayon ma'am?"

Staff: "Wag niyo nga akong binabastos!"

Sungmin: "Linisan mo na ang cr 'don! Bago mag-iba ang isip ko at ipatanggal ka sa trabaho!"

*seryoso parin talaga si Sungmin*

Shindong: "Bwahahahaha!!!"

Staff: "Hindi ako janitor! Ano ba?"

Shindong: "Baka naman siya 'yong community basurera? Teka, lang... kukunin ko lang ang mga basura namin ah?"

Staff: "Wag niyo nga akong pinagtritripan!!!"

Sungmin: "Trip pala ang habol nito, Shindong eh!"

Shindong: "Talaga? Tara! Bugbugin natin!"

Staff: "T-Teka lang! I-checheck ko lang ang kwarto niyo!"

Sungmin: "Rapist pala 'to eh! Mali ang pinuntahan mo! 'Dun pa ang kwarto ni Eunhyukkie!"

Staff: "H-Hindi ganon!"

Shindong: "Teka! Baka, akyat bahay gang ka?! Umamin ka! Gutom pa naman ako! Kakatayin talaga kita at kakainin!"

Staff: "Hindi noh! isa akong SM staff! Parang awa niyo na! Respetuhin niyo naman ako."

Sungmin: "Ganon ba? Gusto niyo ba muna magkape? Shindong, pakitimplahan naman ng kape si Miss SM Staff."

Staff: "Gentleman ka naman pala!"

Shindong: "Wala na tayong kape dito, Sungminnie!"

Sungmin: "Yong zonrox na lang sa cr natin, kunin mo! Tapos lagyan mo ng honey at vinegar! Pakibilisan lang!"

Staff: "Haaaaaaaaa???!!!"

*Sa isip ng staff: Hindi pala 'to gentleman.*

Shindong: "Okay! Pero mag problema! Wala tayong mainit na tubig!"

Sungmin: "Yong tubig na lang sa bathtub!"

Staff: "Waaaaahhhh!! 'Wag na!! Sige, aalis na ako!"

Sungmin: "Ayaw mo sa pinapaprepare ko?" *sabay pa cute effect*

Staff: *nagblush* H-Hindi naman... k-kasi... kailangan ko ng umalis.

Sungmin: "Sige! Punta ka ulit dito ah? Ipapagtimpla ka ulit ni Shindong ng kape!"

Shindong: "May bonus ka pang chocolate galing sa inidoro!"

Staff: "A-ah..."

*Sa isip ng staff: May matino pa bang SuJu member?*

*Eunhyuk and Donghae's room*

Staff: "Knock! Knock!"

*Nagulat ang staff ng biglang bumukas ang pinto, at bumungad agad si Eunhyuk at Donghae*

Eunhyuk: "Tara tuloy ka!"

*Pumasok sa room nina Eunhyuk at Donghae ang staff*

Eunhyuk: "Upo ka muna sa couch!"

Donghae: "Wag mo na siya paupuin! Tara na maglaro tayo! Yey!!!"

Staff: "H-Hindi... K-Kasi..."

Eunhyuk: "Anong laro? Kami ang maglalaro hindi kayo"

Donghae: "Kamiiiii noh!!!"

*Donghae at Eunhyuk, naghihilahan sa staff*

Staff: "Wag niyo nga akong pag-awayan!" *feel na feel ng staff =___=*

Donghae: "Maglalaro kami sa Pacific Ocean!! Ano ba?"

Eunhyuk: "Anong sa Pacific Ocean? Kami ang maglalaro sa kwarto!"

Donghae: "Ang manyak mo! Respetuhin mo nga si nemo!"

Eunhyuk: "Anong si Nemo? Hindi ko naman siya mamanyakin! Maglalaro lang kami!"

Donghae: "Isda 'yan! Si Nemo! At ano ang lalaruin niyo?"

Eunhyuk: "Tumba preso! Eh kayo?!"

Donghae: "Tumba bangus! Pakealam mo ba?!!"

*Sa sobrang paghihilahan ay buhok na ng staff ang pinaghihila ng dalawa! XD*

Staff: "Ang buhok ko!!!"

*Napabitaw ang dalawa*

Donghae: "Sayo na 'yan! Basa wala akong kasalanan diyan sa buhok niya, ah??"

Eunhyuk: "Anong sa akin na siya? Sayo na 'yan! Wala din akong kasalanan sa buhok niya noh!!"

Staff: "Kasalanan niyo "tong dalawa!!"

Eunhyuk: "Itapon na natin 'yan sa labas, Baby Hae-Hae!"

Donghae: "Okay, Baby Hyukkie!"

*Tinulak ng dalawa ang staff palabas ng kwarto nila*

Eunhyuk: "LAYASSSS!!!"

Donghae: "LANGOYYYYY!!!"

*at sinirado nila ang pinto*

Staff: "Akala ko pa naman pinag-aagawan na ako. Haissst! =___="

-

A/N: Langoy mga kapatid! Hehe! Biro lang! Ni hao! Ni hao ma? :D Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa at nagtyatyagang suportahan ito! :)

Btw, I changed my username. Naisipan ko kasing gawin ng PERMANENT ang username ko, so pinalitan ko siya ng something na pangforver na... eto po siya----> @iamyourheroine

You can check my account there if you want! Or message me kung may concerns ka. XieXie everyone! :)

-Cy

#ABSJ-KV

All About Super Junior (Kabaliwan Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon