Sabi nila, nakakahiya raw ang pagiging laking skwater ko. Sabi ko naman, "wala akong pake." I'm proud to be "the girl from the slums." Hindi ako ambisyosa pero nagsimula akong mangarap nang makilala ko ang supladong rich boy ng DLRU...
Si Princess Batumbakal ay mukhang prinsesa sa angking ganda pero kapag nagsalita at kumilos na, hindi maipagkakaila ang pagiging laking squatter. Sa isang exclusive school na puno ng rich kids, sanay na siyang pinangingilagan dahil hindi siya kauri ng mga kaeskuwela.
Gayunpaman ay wala siyang pakialam kahit isa siyang outcast sa De La Real University. Sa halip na manliit ay proud na proud pa siyang ipangalandakan ang pagka-poorita. In fact, nag-enjoy siyang "i-show off" ang pagiging walang class at breeding sa isa sa pinakamayayamang estudyante roon na si Ronan. Asar na asar kasi ito sa pagiging mahirap niya.
"'You know why I dislike you? Being poor is one thing, but you are also crass, audacious, simpleminded, and disorderly. You annoy me to no end!"
"No English, please."
Pero sa kakaasar ni Princess kay Ronan, na-karma yata siya at na-fall dito. Alam niyang walang pag-asang magkagusto ang isang rich kid sa isang squatter girl, pero what if one day ay mabagok ang ulo ni Ronan at magustuhan siya bigla?
NOTE: This is unedited.
Visit my FB page to learn how to order-- facebook.com/heartyngrid
BINABASA MO ANG
Campus Girls Series #3: The Slum Princess
RomanceCurrently on preorder! Visit my FB page facebook.com/heartyngrid to learn more.