MULA sa fourth row ng mga upuan ay dumako ang tingin ni Ronan kay Princess na mukhang walang pakialam kahit walang pumili ritong makasama sa grupo para sa group project nila na tungkol sa international financial management.
Ang sabi ng professor ay malaya silang pumili ng groupmates at tatlo hanggang apat lang ang bilang ng isang grupo. Everyone had secured their groups, but none of them chose to include Princess. Ronan was aware that she was an outcast in that class and in the whole school. Nobody wanted to be friends with her because she was different.
Hindi lang dahil sa social status ni Princess kaya pinangingilagan ito, kundi dahil na rin sa asal nitong nakuha sa kinalakihang environment. Walang manners at kontrol sa sarili. Oo nga at simula noong nakipagbasag-ulo ito sa loob ng campus ay hindi na muling nasangkot sa physical fights ang babae. Still, iniiwasan siya ng mga estudyante sa takot na saktan nito.
Hindi lang siguro dahil sa social status at asal ni Princess kaya ayaw itong makagrupo ng mga kaklase. Hindi kasi ito ganoon ka-bright pero hindi pa nagsusumikap sa pag-aaral. Halatang hindi nito sineseryoso ang pag-aaral. Malamang na maging liability lang ito sa grupo at baka maging dahilan pa para pumalpak ang project nila. Kaya sino ba naman ang gustong makagrupo ang isang tulad nito?
But Princess did not seem to give a damn if nobody picked her. Tumitingin at lumilinga lang ito sa paligid, poker-faced. Mukhang hindi man lang ito na-offend o nainis dahil walang pumili rito.
"Did everyone form a group already?" tanong ni Mr. Manantag.
Nagtaas ng kamay si Princess. "Wala po akong ka-group, sir."
"Who can squeeze Miss Batumbakal into their group?"
Walang sumagot kaya pinapunta ng professor si Princess sa harapan bago lumibot ang mata sa classroom. "Which groups have three members?"
"We can't accommodate her, sir," sabi ng representative ng isang grupo. "We can't work in big groups."
"Big na ba 'yong apat?" asked Princess.
"Our group will communicate via Skype," sabi naman ng isa pang grupo. "I don't think she has the Internet in their house."
"May computer shop sa malapit sa amin," katwiran ni Princess. "Kinse pesos lang isang oras."
"We all live in nearby villages," katwiran naman ng isa pang grupo, "that's why we choose to work together. She lives far away from us."
"Eh, di magdyi-jeep ako papunta sa village n'yo," sagot uli ni Princess.
Nagtinginan ang magkakagrupo na parang naalarma sa sinabi ng babae.
"Ronan," tawag sa kanya ni Mark. "What will be our excuse for not getting her?"
Lumipat ang tingin niya kay Rocky na mukhang ayaw ring makasama sa grupo si Princess.
"How about," suggestion ni Rocky, "we say we are all boys and it's odd to have a female in our group?"
"That's stupid," komento ni Mark. "May only girl din sa isang group."
"We can't let her join us," worry ni Rocky. "For sure, wala siyang maiaambag sa project natin. Baka sumakit lang ang ulo natin sa kanya.'
Tumango si Mark. "We have to get the highest grade for this project. We might not get it if she's with us."
Right. Kung simple English nga ay hindi pa kaya ni Princess, paano pa kaya ang isang komplikadong school project na tulad nito?
Ibinalik ni Ronan ang tingin kay Princess na mukhang unbothered pa rin at hindi ramdam na sadyang unwelcome ito sa lahat ng grupo. Why, this girl's insensitivity was unbelievable. She could have at least shown her classmates that she was eager to be absorbed by a group. Or maybe try to convince them that she would do her best to be a good group member, but she just stood there and spat out nonsense.
Napasapo siya ng noo para pakalmahin ang sarili. He was starting to feel distressed just by looking at her.
Naalala ni Ronan ang sinabi ng babae habang nakatingin sa picture niyang nakadikit sa bulletin board. Tama ito nang sabihing stressed na stressed siya, pero hindi dahil sa pagseseryoso sa mga bagay-bagay at pagkakaroon ng goals na gustong ma-achieve. He was stressed because he had an anxiety disorder similar to obsessive compulsive disorder. He was ataxophobic.
Ataxophobia is an extreme fear of untidiness or disorder. He was diagnosed with it four years ago. That was the reason he hated untidy and messy places and people. Nai-stress at sinusumpong siya ng anxiety o takot sa tuwing may nakikita siyang marumi at magulo. At lately, si Princess mismo ang nagdudulot sa kanya ng stress.
Hindi naman marumi ang babae. Mukha naman itong malinis sa katawan kahit na sa squatter's area nakatira. Hindi pa niya nakitaan si Princess ng maruming mga kuko o dumi sa balat at suot, pero nakita na niya itong pumasok nang magulo ang buhok at may lukot ang damit. Bulagsak din ito sa gamit. Hinahayaan nitong bumabagsak ang mga gamit mula sa bag papunta sa sahig na tinatapakan ng mga sapatos. Sa katunayan ay binuhusan ni Ronan ang kamay ng rubbing alcohol pagkatapos hawakan ang lipstick nitong gumulong sa ilalim ng desk niya.
He felt extremely bothered when he saw her chewing gum during class. And the fact that she was deliberately ignoring their professor pissed him off. And now seeing her casually dealing with an embarrassing situation was causing him distress.
Dahil kay Princess, natuklasan ni Ronan na hindi lang messy sorroundings ang nagdudulot sa kanya ng anxiety. Pati pala sa disorderly people. This girl had a messy approach to life. Kumbaga ay wala ito sa ayos. Parang walang direksiyon ang buhay nito. Ni pangarap ay mukhang wala.
How did the dean come up with the idea of choosing Princess to represent their department in the annual school pageant?
"Just tell the truth," bilin ni Ronan sa mga kasama.
Tumitig sa kanya ang dalawang kasama.
"She looks clueless as to why she was not picked. Instead of giving excuses, let her know the truth. So that she'd realize she needs to study and do better in class."
Nagtinginan ang dalawa na para bang nagtuturuan kung sino ang magsasabi.
"How about your group, Mr. Salas?" tanong ni Mr. Manantag.
Napilitang tumayo si Ronan. Nagtama pa ang mga mata nila ni Princess. Ibubuka pa lang niya ang bibig nang magsalita ang babae.
"Ayaw ko pong makianib sa kanila, sir."
Napatanga si Ronan. What? Ito pa talaga ang tumanggi sa kanila!
"Why?" Mukhang nabigla din ang professor sa pagtanggi ni Princess sa grupo nila.
"Masyado po silang matatalino at perfectionist. Baka lamunin nila ako nang buo."
Narinig ni Ronan ang pagbuga ni Mark ng hangin. "We don't want you in our group either. We don't need a slacker in our team."
Umugong ang "uhh" sa classroom. Ang iba ay hindi pinigilan ang pagtawa.
Pinagmasdan lang ni Ronan ang reaksiyon ni Princess. Tama ba siya ng nakita? May pait na saglit na nagdaan sa mga mata ng babae bago ito nagsimulang mag-make face. Was she hurt deep inside, but she was only trying to hide it?
Tumunog ang bell na hudyat ng pagtatapos ng klase kaya ang sabi ni Mr. Manantag ay sa susunod na klase na lang nila itutuloy ang paghahanap ng grupo para kay Princess. Bubunot na lang daw ito ng grupo para doon ilagay ang babae.
BINABASA MO ANG
Campus Girls Series #3: The Slum Princess
RomanceCurrently on preorder! Visit my FB page facebook.com/heartyngrid to learn more.