Part 7

194 17 2
                                    


NAPAPIKIT si Ronan nang masilayan ang vertical tarpaulin na nakasabit mula sa railings ng balcony ng lobby. Naka-print doon ang malaking picture ni Princess bilang pambato ng business administration department sa Campus Queen pageant. Ilang araw na lang at magsisimula na agad ang ticket selling. They were left with little time to campaign for her.

"We did our best," kibit-balikat na sabi ni Hana habang nakatingala din sa tarpaulin.

Sinubukan ng student council na kausapin ang dean pero dahil wala silang maipampalit kay Princess ay hindi sila nagtagumpay.

"But she's gorgeous in that photo," komento ni Rick na titig na titig sa tarp ni Princess. "Sayang talaga, she grew up in the slums. If only she were born rich, I'd definitely date her."

She was indeed beautiful in that photo. The stylist made her look like a real princess in that elegant gown and tiara. Sa totoo lang ay gustong mag-agree ni Ronan sa sinabi ni Rick. Kung sana ay hindi ipinanganak sa slums si Princess, hindi siguro ganoon ang asal at personalidad nito. Hindi bagay sa ganda nito.

"We," bilin ni Hana, "still need to do our best to campaign and sell tickets for her. I assigned a team that would assist her and campaign for her."

"It," hirit ni Jessa, "would take a miracle for her to win this. Hindi tayo magician kaya 'wag na tayong masyadong mag-effort for her. Let's just work on our patience kasi malamang pagtawanan at buskain tayo dahil sa kanya."

Napabuntong-hininga na lang si Ronan. Ang totoo ay noong inalok niya si Princess ng pera para umatras ito ay nakaramdam siya ng guilt pagkatapos. He knew he should not have done that. But then, somehow, humanga siya nang kaunti sa pagtanggi nito sa malaking perang inalok niya. Wala pang tulad nitong mahirap ang tumanggi sa ganoon kalaking salapi. He expected all the poor to succumb to the lure of money. Princess did not.

She did not seem to want anything at all. She had no desire for fame, fortune, or even acceptance. She had no desire to accomplish anything. Mukhang wala rin talaga itong pakialam sa tingin dito ng mga tao sa paligid. Ah, she was indeed unique. She was a strange species. And she frustrated him. She was so close to giving him anxiety.

"Seriously? She's joining the Campus Queen?"

"Biggest joke this whole sem! She's never going to win."

Napatingin si Ronan sa dalawang babaeng nag-uusap malapit sa kanila. Kahit walang pangalang binanggit, alam niyang si Princess ang tinutukoy ng mga ito.

"Absolutely. Puwede pa sa Miss Talipapa."

Nagtawanan ang mga ito.

Napabuntong-hininga na lang si Ronan. Nagsialisan na ang mga kasama niya dahil siguro ayaw makarinig ng mga ganoon. Susunod na rin sana siya pero nahagip ng mga mata niya si Princess na lumalakad palapit habang nakatitig sa tarpaulin. Kabuntot nito ang matangkad na lalaking madalas kasama na mukhang namamangha sa tarp.

Walang prominenteng reaksiyon si Princess habang nakatingin sa sarili sa tarp. She did not seem excited. Kunsabagay, aminado naman itong ayaw sumali sa pageant. Mukhang napilitan lang talaga.

Ipinagpatuloy ni Ronan ang paglalakad hanggang sa makaraan siya sa likuran ng dalawa.

"Mukha ka talagang prinsesa diyan, ah," narinig niya na sabi ng kasama ni Princess.

"Prinsesa naman talaga ako, ah. Prinsesa ng slums. Oy, Ronan!"

Napahinto si Ronan sa paghakbang nang marinig ang pangalan mula sa babae. Napilitan tuloy siyang harapin ito. He was surprised to see her smiling sweetly at him.

"Salamat sa 'yo."

Wait. What was she thanking him for? At bakit parang nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Nang dahil sa 'yo, na-encourage akong sumali sa Campus Queen. Thank you sa tiwala at pagpapalakas ng loob ko. Alam kong kaya ko 'to kasi naniniwala ka sa 'kin."

Natigilan si Ronan. What the hell is this girl talking about? Napalinga-linga siya sa paligid nang makarinig ng mga bulungan. Halos sa kanya nakatingin ang lahat ng nasa lobby. Sa lakas ng boses ni Princess, pati yata ang mga naglalakad sa balcony ay narinig ang sinabi nito.

It took him a second to realize what she was doing. Princess wanted the people around them to think that he was a fool for encouraging her to join the pageant. She was dragging him down with her. She wanted to share with him her embarrassment in that situation.

Gusto sana niyang sabihin na hindi totoo ang sinabi nito. In fact, it was the other way around. But that would be like telling everyone that he did not support his own coursemate. Siya pa naman ang vice president ng student council ng department nila. They had to support her, whether they liked it or not.

Pinilit na lang ni Ronan ang ngumiti kahit nagtatagis ang mga bagang niya. Mabilis na siyang umalis bago pa man siya lapitan ni Marie Tessa na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanila mula sa di-kalayuan.

Campus Girls Series #3: The Slum PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon