8:12am
“Arriving at V Mapa Station. Paparating na sa V Mapa Station” te-ne-ne-nen te-ne-ne-nen
OH MY COCONUT!! V mapa station pa lang?! Amfufu malalate na talaga ako!!!
Sa 5 araw ko sa klase, taeness talaga, dalawang beses pa lang akong di nalalate?!
Well siguro nga late akong magising pero minsan lang yun ha, ang may kasalanan talaga dito eh yung bonggang traffic, right?
Traffic jam in the most unexpected place, unexpected day at unexpected time! Kung kelan naman ako nag-mamadali saka naman may nagbabanggan, nag-kokotongan, nasisirang stop-light at nag-aayos ng kalsadang halos every 3 months atang nirerepair! Bongga! >.<
Kaya sa ganitong panahon nang pangangailangan, ang pag-asa ko na lang para makaiwas sa traffic ay ang…..
CHERENG! LRT –ang taga-pagligtas ng mga taong late XDD Buti na lang talaga may nakaisip na gumawa ng tren sa ibabaw ng mga kalsada.
“Arriving at Puzera Station. Paparating na sa Pureza Station.” te-ne-ne-nen te-ne-ne-nen
YES I’m just one station away!
Dum-bi-dam bi-dam, dum-bi-dam bi-dam, dum-bi-dam bi-dam (naghu-hum po ako xD)
Ano ba yan ang daming sasakay pero okey lang yan, usog-usog din. Usog dito.. usog doon… siksik dito… siksik doon…may tao sa kanan… may tao sa kaliwa… meron sa likod… at meron din sa harap ko…
yan SARDINAS NA NAMAN SA LRT!!! >.<
Hmmp… ayos lang ito,ang importante…. mahalaga!
Buti na lang nasa ‘FEMALE AREA’ ako ng train.
Female…
Female…
Female…
Fe…MALE?
Teka teka, bakit may lalake dito? I mean pwede naman pero in case to case basis naman.
Hindi naman sya mukhang THUNDER CAT…parang ka-edad ko nga lang ee.
He looks healthy pero wait, medyo pale pala siya.
Wala naman syang kasamang baby o kaya buntis.
Wala ding nagrereklamo sa presence niya na usually dapat meron…
at… at…at…
NAKATINGIN SIYA SA AKIN???? O__o
ay JOKE lang pala! Hihihi
Nakatingin pala sya sa kawalan.
Ang wirdo.
Ang sarap nyang titigan. Ang yummy ng dating kaya lang medyo gloomy ang aura niya. Emo lang ang peg??
Matangkad.
Matangos ilong.
Maputi…. ay maputla pala.
Cute ung lips.
He’s almost perfect except his eyes. Ung mga mata niya, maganda pero kakaiba. Di ko madescribe pero mukang malungkot. His eyes are suggesting me that his in sorrow, in pain. Mga matang parang marami nang nakitang masasakit na bagay, di ko sure pero parang nakita ko na ung mga matang ganoon.
Hay naku ewan! Di sya nakatingin, wala syan ginagawa pero napapangiti na niya ako. Ahihihi. Landi much. ^_^
“Arriving at Legarda Station. Paparating na sa Legarda Station.” te-ne-ne-nen te-ne-ne-nen
![](https://img.wattpad.com/cover/4219350-288-k995840.jpg)
BINABASA MO ANG
From Heaven with LOVE <3
Genç KurguMy boyfriend is a GHOST. although, he always insisting that he's not. He prefer to call himself a PACKAGE PACKAGE FROM HEAVEN WITH LOVE <3 ---Ito ay istorya ng dalawang tao mula sa magkaibang mundo. Istorya kung pano maging posible ang impossible. I...