“Hala siya! Ikaw yung kuyang emo ang peg sa LRT kanina?!”
Napalagay ako ng kamay sa bibig ko.Nag-kamali lang ako, impossibleng ikaw yun. Wala namang multo sa LRT, right?
Napangiti siya sa realization ko.
“Yes. Ako nga yon. Salamat naman at naalala mo na ako. 24 hours ago, akala ko impossible pero nagkamali ako. Nawawalan na ako ng pag-asa, malapit na akong sumuko, at bago ako makapag- desisyon na maaari kong pag-sisihan sa huli, nakita mo naman ako at nakita kita. Ikaw ang solusyon, Thank you.”
Pag-kasabi niya, he gives me a warm smile. Pero di ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi ng multong to? Alin ang imposible? Anong desisyon? Ako ang solusyon? Saan? Bakit niya ako pinasasalamatan?
Marami akong tanong. Maraming gustong sabihin pero di ko lam kung saan mag-uumpisa. Naunahan ako ng pag-kabigla at panunuyo ng lalamunan.
“Alam ko nagulat ka, marami kang tanong at wag kang mag-alala sasagutin ko lahat ng niyan. Tulungan mo ako ha! So pano ba yan partners na ba tayo?” :)
“TEKA! Anong partners ang pinagsasabi mo?! Saka bat kita tutulungan?! Di ka naman tao, di tayo mag-kalevel! DUH?! Tao ako at ikaw… malay ko ba kung ano ka!”
Nabigla siya sa sinabi ko. Well, nabigla rin ako. Nasaktan ata yung multo sa sinabi ko. Naalis yung ngiti sa mukha niya, hmmps pero wa pakels ako.
“Ang sakit pala marinig ang katotohanan. Huwag kang mag-alala, di ako galit, nalungkot lang ako. Saka please, making ka muna sa akin.”
Aba! Kinononsensya pa ata ako netong ipaktong to!
“Hoy, ikaw kung ano ka man WALA AKONG PAKEALAM! Wala akong balak mag-karoon ng kaugnayan sa multo. Kung feeling mo na guilt ako sa sinabi mo, pwes mali ka!”
Tumalikod na ako at tumakbo palabas pero bago ko pa buksan ng tuluyan yung pinto humarap ulit ako sa kanya.
“Wag mo kong lokohin. Mababa man IQ ko, alam ko naman na wala ng puso ang mga multo. Sabi sa Biology, pagnamatay ang tao, naagnas ang katawan, so kasama dun ang puso... So ibig sabihin wala ka nang pakiramdam. Di ka nasaktan. Di ka nalungkot. No feelings and emotions. Akala mo maaawa ako sayo? CHE!"
Harsh man yung sinabi ko, pero un naman yung totoo, right? May multo bang nasasaktan? Kaloka…tumakbo na ako ng tuluyan at naghanap ng TAO na mapupuntahan.
Deserted parin ang hallways but I’m sure maya-maya lang magbe-bell na. Mapupuno na ng tao ang paligid…
…mga estudyanteng ng ka-cram, di ako magmamalinis, member din ako ng PROCASTINATING NATION.
…mga naglalamfungan na daig pa ahas kung makayakap, ang sarap dagukan.
…mga babaeng todo maka-retouch, ano to parlor lang?
…mga lalakeng lahat na ata ng babaeng dumaan tatawaging ‘IDOL!’ tas dudugtungan pa ng ‘PA-KISS!’ at kung maka-sitsit wagas, ang sarap konyatan.
Nakaka-jirits man minsan, may magagawa ba ako? Yan ang mukha ng eskwelahan at higit sa lahat, mas okey namang makita yan kesa naman sa isang MULTO!
Di pa rin mabura sa isip ko yung nakita, nakinig, at nakausap kong multo. Di pa rin ako makapaniwala na yung nakita kong lalake sa LRT, na pinagnanasaan ko pa naman, ay di pala tao. Totoo pa lang di lang tao ng nakatira dito sa mundo, at ngayon lang ako medyo naniwala. Nung bata kasi ako, di ko naman trip panuorin sina BEN TEN saka DANNY PHANTOM ee.

BINABASA MO ANG
From Heaven with LOVE <3
Novela JuvenilMy boyfriend is a GHOST. although, he always insisting that he's not. He prefer to call himself a PACKAGE PACKAGE FROM HEAVEN WITH LOVE <3 ---Ito ay istorya ng dalawang tao mula sa magkaibang mundo. Istorya kung pano maging posible ang impossible. I...