04

82 4 0
                                    

O L I V I A


"Stop being a pain in the ass, Silver." dinig kong daing ni Sam sa kambal niya na ngayon ay busy sa pag-nguya ng kanin.

"This will be the death of me, Gold. I'm dying." she said dramatically and even hit her head against the cafeteria table. Edi mas lalo siyang naging bobo niyan.

"Will you stop talking and just eat? You can continue fighting later after your meal." sabi naman ni Bless na masama na ang tingin sa dalawa.

Lagi nalang silang ganito. Walang araw na hindi nagrereklamo si Savannah sa subject na magka klase kaming tatlo. Yong subject ni Sir Fuerte. Filipino iyon.

Gusto niyang wag nalang pumasok at maiinis naman sa kanya yong kambal niya at magsasagutan sila na siya ring kaiinisan ni Bless kasi sa harap mismo sila ng pagkain nag-aaway at ayaw ni Blessy ng ganun. Para na silang naging triplets at ako yong nanny-slash-peacekeeper nila. Ako kasi laging umaawat sa kanila eh.

"One more semester and we're over it, okay? You can't drop it now. Mom wouldn't like it." Paalala ni Sam.

Memorize ko na yong mga linya niya eh. Sa ilang buwan ba naman na kami laging magka sama.

Napaka unexpected ng friendship naming apat. Akala ko masungit si Savannah pero hindi naman pala... gaano. Ngayon kasi alam ko na pano pakisamahan yong mood niya. Si Sam naman ay chill lang, kaya wala akong problema sa kanya. Mas nai-stress pa ako kay Bless at Savvanah. Pareho kasi silang mainit ang ulo, walang gustong magpa talo kaya minsan nagiging referee nalang din ako. Ang dami kong role sa buhay, nyeta.

Hindi na nagsalita pa si Savannah at nagpatuloy nalang sa pagkain. Mabuti naman, masama na kasi talaga mga tinginan ni Blessy.

"Tumawag si ate Dinah, hindi mo raw ininom vitamins mo kanina." I told Bless na ngayon ay umiinom na ng tubig.

"I was in a hurry, Olivia." she said and put down the water.

I sigh and grabbed the bottle of vitamins from my bag. I always carry these around kasi there are instances talaga na nagiging pabaya siya.

I gave her one kaya naman napa roll eyes nalang siya. Yan lang ata yong similarities nila ni Savannah. Ang magpa ikot ng mga mata.

"What are your plans for the semestral break?" Tanong ni Sam sa amin.

We were done eating, nakatambay nalang kami ngayon dito sa mesa na lagi naming kinakainan ni Bless sa loob ng cafeteria.

"I have to visit my grandmother." Bless said while scanning her book.

Lumipat ang tingin sa akin ni Sam. "Uuwi ako sa probinsya. Miss ko na maligo sa ilog eh." I simply shrugged.

"Ew, rivers are dirty." sabat naman ng maarteng nilalang sa tabi ko.

Ah, pareho din silang maarte ni Bless. Puro negatibong kataingan ang mga similarities nila, pero bakit kaya di pa rin sila magkasundo hanggang ngayon?

"Mukha mo, dirty." I retorted kaya pinukol niya ako ng masamang tingin.

"How dare you?"

"How dare you din, nakita mo na ba yong ilog don sa probinsya namin? Maka judge ka ah." sumbat ko sa kanya.

"Well, I saw some pictures of Pasig Ilog on the internet and it's so dirty." Sabi niya.

"Ilog Pasig yon, wag mong baliktarin. Tsaka ang layo ng Pasig sa probinsya namin hoy."

"Don't hoy me."

"Hoy hoy hoy hoy hoy." mas lalo siyang nainis nang ilapit ko yong mukha ko sa kanya.

girlfriends (on-going)Where stories live. Discover now