Chapter 6

2.8K 103 4
                                    

It was a big mistake. Iyong atraksyon na nararamdaman ko para kay Sav. Madami ang gwapong nanliligaw sa akin bakit sa tito ko pa? Anong klaseng puso meron ako? Tsk. Binaon ko na iyon lahat sa limot. Ewan ko din kung bakit ganon din ang mga galaw niya sa akin? He even asked me what if he will be my first kiss? Just what the hell!

Noong natapos ang pangyayari na iyon two days ago. Naging normal na lahat. Minsan nagkakasalo kami sa breakfast. Malamig lamang sya. Palagi siyang may katawagan sa cellphone na “babe” ang tawag niya. Gabi na din siya umuuwi minsan lasing siya. That hurts my heart. Abnormal na yata ang puso ko. Kung hindi lang mas lamang ang utak ko sa puso ko siguro may nagawa na akong hindi ka  nais-nais.

Syempre mali magkagusto sa kanya, sa tito ko. Iyon ang pinaka masakit sa part ko. Ang unfair lang talaga. But ,I will try my best. So, hard to keep this feeling. Alam ko na makakahanap din ako ng lalaking para sa akin pero hindi pa ako handa. Fling will do.

Nasa MOA kami ngayon.Nagpasama ako sa driver ko dahil hindi ako marunong pa mag-drive at dahil na din bawal pa sa isang tulad ko na seventeen years old. Ayoko naman tlaga minsan magpasama sa driver ngayon lang talaga dahil madami kaming pinuntahan ni Jezel.

Galing pa kami sa pagpapractice ng folk dance sa school at dumiretso kami dito dahil sa mga may bibilhin kami para bukas. Last day na kasi ng aming practice ngayon at bukas na ang aming prom.

"Nasabihan mo na ba si Gerald na gray dapat ang necktie niya?" Tanong sa akin ni Jezel.
Si Gerald ang partner ko sa prom. Ka klase namin na isang nerd. I prefer him than the others na masyadong maswabe. Hindi naman pangit si Gerald. Talagang nerd lang siya tignan dahil sa big glasses niya. Gray and black kasi ang motif ng aming prom. Kaya iyong cocktail gown ko ay gray kaya dapat terno kami ni Gerald.

"Yep!" Sagot ko at tumingin sa mga VS perfume na nakahilera. Isa na din ang mga perfume sa collection ko. Kinuha ko iyong night seduction at inamoy. Ang bango talaga!

"Susunduin ka?"

Umiling ako. "Tito Sav will drive me." Note the sarcasm sa tito word. Sabi niya kasi hahatid niya ako. Tsaka’ invited din naman siya kasi isa siya sa mga sponsor sa St. Dominic.

"Wow. Ang sweet naman." Mapanuya niyang aniya.

Inirapan ko siya."Shut up."
Pumili din ako sa mga lipstick na dark red. Kulay pink kasi ang iba ko na lipstick kaya maiba naman. Si Jezel ay nasa tabi ko lang at nagtatanong.

"Sila na siguro ni Miss Ocampo no?"Napatigil ako sa tanong niya. Yeah, those past days. Palagi siya nagpupunta sa school at sinusundo si Miss Ocampo. Bagong teacher ng school sa English. She's pretty. Matured and an ideal girl. Kaya nga binubuhos ko ang oras sa pagpapractice para maiwasan ang pag isip .

I have no right to get mad. Kung sino man ang gusto niya, wala akong magagawa kundi ang suportahan siya. That's my role being his niece.Just wow!

"Who cares? Bagay naman sila." Mapait na sabi ko at kinuha ang mga bibilhin at dumiretso sa counter habang si Jez ay bumubuntot lang.

"E' bakit parang nalungkot ka? Tss! I told you Rox to move on. That feeling will kill you!" Bulong niya sa akin habang bumabayad ako. Pagkatapos mabayaran ay lumakad na ako palabas. Hindi sumagot kay Jez. Naninikip ang dibdib ko. Kaya nga umiiwas na ako di’ba.

"Rox! Sorry! Galit ka?" Habol sakin ni jez.

Mapait akong ngumiti habang palabas na kami. "I'm trying Jez. Don't worry. Hindi ko papatusin ang tito ko." Huminga siya ng malalim at inakbayan ako.

"Basta. Nandito lang ako kapag malungkot ka. Hmm?"

I rolled my eyes. "Drama mo naman! "

"Chee! Ewan ko sayo."

Napahalakhak kami habang papasok sa kotse. Kakatapos ko lang mag dinner at pumasok na ako ng kwarto. Dahil excited ako sa prom ay hinanda ko lahat ang aking kakailanganin. Ang cocktail gown sinabit ko sa hanger at nilagagay sa closet. Ang stilletos ko. Ang mga make up all set na. Ang hikaw,bracelet at contactlense etc. Napatigil ako ng marinig ang kotse ni Sav na bagong dating lang. Alas nwebe na at kakarating niya lang?

Huminga ako ng malalim at naisipan na baka hindi pa siya nakakain. Kaya bumaba ako dahil alam ko na tulog na ang dalawang katulong. Pagbaba sa hagdan ay padarag na nabukas ang pinto at pumasok si Sav na lasing yata pero ngumingiti pa. Nahati ang atensyon ko ng makitang  akay-akay siya ng isang babae. Or I must say , ni miss Ocampo pala.

Naka white dress ito na bulaklakin. Kurbang -kurba ang katawan at  naka high heels pa.

"Where's your room babe?" Tanong niyo na ikinataas ng kilay ko. Sa school ay parang hindi makabasag pinggan ito ah! Bakit ngayon may pa "Where's your room2x pa siyang nalalaman? Tsk.Dikit na dikit ang katawan nila. Ang ngiti ni Sav kay Miss Ocampo ay nag bigay sakit sa aking puso .Bago pa sila maka akyat ay tumikhim na ako.

Napatigil silang dalawa at nakita ko ang pag seryoso ni Sav ng tingin sa akin. No more naughtiness. Sa iba ang sweet niya sakin ang seryoso na niya? Well! Masyado lang akong nag assume. Bakit magiging sweet ang tito sa pamangkin niya? At kailan pa naging legal ang paghalik ng tito sa pamangkin niya? It's a sin!

"Bakit kayo nandito Miss Ocampo?" Pormal na tanong ko.

Bigla itong nailang at pumormal."Hmm. Lasing si Sav kaya inalalayan ko."

Tumango ako halos nga makatulog na si Sav sa balikat niya.

"Any help? Ang bigat niya kasi." Dagdag niya. Wala akong choice kundi tinulungan siya. Bakit kaya naglasing to?

"B-Bakit siya nalasing miss?" Tanong ko ng nalapag sa kama si Sav. He groaned ng nalapat ng likod niya sa kama. Naka T-shirt lang siya na gray at pantalon.

Miss Ocampo shrugged."Ewan ko . Kung makainom kanina ay parang tubig ang alak. By the way dito pala siya nakatira?" She asked.

I nodded. "Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig."

Madali akong nagtungo sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig at nilagyan ng alcohol. Tsaka’ kumuha din ako ng pumunas. Naiinis ako dahil meron na namang babae ang naka pasok sa kanyang kwarto.

Damn! Stop it Rox. Tito mo siya! May girlfriend na siya!

Naninikip ang dibdib ko habang bumalik sa taas sa kanyang kwarto. Binuksan ko ang pinto at natigalgal sa kinatatayuan ko. My innocent eyes!

Miss Ocampo ay nasa kandungan na ni Sav. They we're kissing torridly. Nakalilis na pababa ang tube dress ni Miss Ocampo at nakahubad na ng T-shirt si Sav. Hawak niya ang baywang ni Miss Ocampo at hinimas ang pang upo nito. They were groaning and moaning!

Nanlamig ako at nanginig sanhi ng pagka bagsak ng hawak kong bowl na may maligamgam na tubig. Agad silang naghiwalay at natigil. Agad umalis si Miss Ocampo sa kandungan ni Sav!

Hindi  ko na sila tinignan pa at yumuko nalang."I-I’m sorry. H-Hindi ko alam-sorry!" Napapikit ako at agad tumalikod bago nila makita ang aking luha. Agad akong tumakbo sa aking kwarto at ni-lock iyon. Patakbo akong umupo sa sahig sa gilid ng kama at hinilig ang likod sa kama.

Napahawak ako sa aking dibdib na sumikip at halos hindi ako makahinga. Sabayan pa ng aking hikbi na umingay sa apat na sulok ng aking kwarto. Pinunasan ko ang aking luha.

"M-Mali t-to eh. Hindi d-dapat ako nasasaktan!" Binayo bayo ko ang aking dibdib. "I hate this f-feeling! I hate my h-heart!"

Napatigil ako ng kumabog ang pinto galing sa labas. "Rox! Open the door!" Paos na sigaw ni Sav. Sa boses palang nito ay malalaman mo na nakainom ito.

Naanatili akong tahimik at humihikbi. I was speechless. Ilang beses ko na siyang nakitang may babaeng dinadala dito pero mas masakit pala kung makita ang ginagawa nila.

Napatigil ako at mas kinabahan ng biglang bumukas ang pinto. What? Ni-lock ko iyon ah!Pumasok si Sav na nakatopless pa din at may hawak na susi. Kaya pala. Umiwas ako ng tingin ng makita ang nananantya niyang tingin. Mapungay ang mata niya at halatang lasing. Hindi ako makatingin sa katawan niyang makisig at may walong abs.Huminga siya ng malalim at naring ko ang yapak niya palapit.

Pumikit ako ng mariin kasabay ng kalabog ng puso ko. Kalabog na nadarama ko lang kapag nandyan siya. Kakaiba talaga ang epekto niya sa aking puso. This is so bad.Yumukod siya sa harap ko. Ang isang tuhod ay nakaluhod sa sahig at ang isa ay nakaangat at nakalagay doon ang kanyang braso.

"Let's talk." Aniya .Nalanghap ko agad ang amoy ng kanyang hininga na halong mint at alak. Minulat ko ang mata ko at pumatak ang luha ko. Tumaas ang palad nya at pinunasan ang aking luha na iniwas ko agad.

"Don't touch me.Just talk." Malamig na sabi ko.

He heaved a sighed. "Okay." tinukod niya sa gilid ko ang kamay. Niyakap ko ang aking tuhod.

"Bakit mo’ko sinundan? What about your girlfriend?" I asked. Paos iyon dahil sa iyak panginginig.

"Sinong hindi susunod kung umiiyak ka?" Madiin nitong aniya. His jaw clamped dangerously. Tila nawala ang lasing niya.

"You care?! " I Spat. "Don't pretend please. I'm fine. Umalis kana." Panibagong luha ang dumaloy. I bit my trembling lips.

"Bakit ka umiiyak?" Imbes ay tanong niya. Bakit nga ba? Dapat ko bang sabihin ang totoo? Para ko lang pinaing ang sarili ko sa kapahamakan kung ganon.

"Umalis ka sabi! You dirty man! Umalis ka!"
Sigaw ko at pinalo palo siya sa mukha at sa dibdib. Wala na akong pake kung magkasugat ang gwapo niyang mukha. Hindi niya naman sinasalag,hinahayaan niya lang ako. Hanggang sa napagod ako sa kahahampas. Pulang pula ang mukha niya. At hindi man lang ininda ang aking hampas sa kanya. He's massive and strong.Kaya siguro wala lang iyon sa kanya.

"Tapos kana?" Hinawi niya ang hibla ng buhok sa aking mukha. Umilag ako.

"I hate you!"

Tumango-tango siya. "Why are you crying? May I know why?" Malamlam na tanong niya.

"Because I hate you." Agad na sagot ko. Hinawakan niya ang chin ko at pinaharap sa kanya. His dark and expressive eyes were really beautiful. Ang makapal na kilay at matangos na ilong. His naturally red lips. He's damn perfect.

"Hating your uncle is normal. Alam mo ba kung ano ang mali? Ang mali ay kung mahalin mo ng higit pa sa isang normal na pagmamahal. Hindi bilang tito kundi bilang isang lalaki." Nanigas ako sa aking kinauupuan.

Those past years ay walang komosyo na ganito sa amin. Palagi siyang nag bi-business trip sa ibang bansa at busy sa trabaho. Nag iba lang ng nag seventeen na ako.I bit my lip at yumuko. Sobrang kabog ng dibdib ko. Damn. Anong ibig niyang sabihin? Masyado ba akong abvious?

"Alam mo ba na handa na akong kalabanin ang buong mundo para sa isang tao? Alam mo bang naghihintay nalang ako ng pagkakataon na siya mismo ay malaman ang nararamdaman ko? I will fight for us. Kahit na masira ang pamilya na ito." Seryoso nitong aniya. Diretso sa mata ko ang tingin.

"W-What are you saying?" I whispered, stunned.

He leaned closer and kissed my forehead and my nose then he stop. "If I will ask you to run away with me. Would you?"

Infinity & Beyond (Montenegro 2)Where stories live. Discover now