Chapter 9

2.6K 88 1
                                    

"Salamat po sa uulitin." Pagpapaalam ni Sav kay Lolo Tacio. Bumaling sa akin si lolo. Ngumiti ako. Hawak-hawak ang aking shoulder bag.

"Salamat lolo. Uhh, b-bibisita po kami ulit."
Nakita ko na tumingin si Sav sa akin.Umiwas ako ng tingin.

"Kinalulugod ko hija at hijo.  Pasensya na at maliit ang aming bahay-"

Umiling ako. "Okay lang po iyon lo. Sige po." Putol ko agad. Nauna na akong tumalikod ng nakita ‘kong lumapit si Sav kay Lolo at may sinabi. May mga binili kami bago umalis. Mga pangangailangan ni lolo at ng kanyang anak at apo.

Mula kagabi hindi ko alam ang sasabihin ko kay Sav. Mugto ang aking mata ng tignan ko sa salamin sa loob ng kotse. Isang kahibangan ang lahat. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng marealize ang lahat lahat. Tito ko siya at pamangkin niya ako. We fuck! Damn it!

Kung dati sa mga pelikula ko lang ito napapanood pero hindi ko alam na mangyayari din sa akin. Sa akin pa talaga?! Umayos ako ng upo ng pumasok siya sa kotse matapos ipasok ang bag na aming dala. Agad niyang hinanap ang aking paningin.


"Baby.”
Tawag niya agad hinawakan ang aking kamay na nasa aking hita. Bumagsak ang aking mata sa magkahawak naming kamay. Hindi ako kumibo. Hindi nagsalita. Kabaligtaran ng aking nararamdaman na halos magsigawan.

"Talk to me.Are we... Good?" He lick his lips.
Naalala ko na naman kung paano ako halikan ng labi na ‘to. Kung paano nito sambahin ang bawat balat ko kagabi. Uminit ang aking pisngi. Tumikhim ako at umiwas. Hinakot ko lahat ng positibo na rason at dahilan. Hindi to dapat.

"Yeah, we are good. Tito kita. Pamangkin mo ako. ‘Yung nangyari kagabi.Wala iyon. Let's forget about it." Nagmura siya at binitawan ang aking kamay.

Kumalabog ang puso ko at diretso ang tingin sa labas. Pinaandar niya ang kotse at mabilis iyong pinatakbo.Pinagmamasdan ko ang bukirin at ang kalangitan sa ibabaw nito. Ilang sandali nalang at nasa syudad na kami. Namayani ang katahimikan sa amin.

Pero tumunog ang aking cellphone sa loob ng aking shoulder bag. Umigting ang panga ni Sav ng tinignan ko siya ng makitang si Simon ang nagtext.

Simon:Hi baby girl. I'm bored.
Pwede kaba? Malling? Dalhin mo ang masungit mong friend. Pls.

Napairap ako at napangiti. Obvious na parang trip niya si Jezel.

"Sino ang katext mo?" Seryosong tanong ni Sav. Nakakunot ang noo. Kahit anong gawin niyang ekspresyon. Napakagwapo niya.

"Si Simon. Kaibigan ko. Bakit?"
I gasped when he stop the car. Mabilis at padarag iyon. Nasa matalahib kami na banda.Malamig niya akong tinignan at nilahad ang kamay.

"Give me the damn phone."

My jaw drop."Bakit?"

Hindi siya sumagot at hinablot ang cellphone sa aking kamay . Tumutol ako pero walang nagawa ng makita ang galit niyang mukha na binabasa ang text ng kaibigan ko.

"Ano ba! Ibalik mo nga!" Ngumisi siya at tinignan ako.

"You were moaning my name last night. Tapos ngayon ngumingiti ka sa text ng iba? Seriously Rox?" he said huskily. Kinagat ko ang labi ko ng naramdaman kong uminit ang aking pisngi.Damn him!

He chuckled when I didn't answer.  Ano bang isasagot ko?

"May gatas pa to sa labi ang manliligaw mo Roxette. What a cheap move." Patuya niyang sinabi at sinilid sa kanyang bulsa ang aking cellphone.

Hindi ako umangal. Tumaas ang kilay ko. "May gatas din ako sa labi kaya bagay kami." I raised my brows to him. Kahit hindi ko kayang tumingin ng matagal kinaya ko. I am not attracted to Simon pero naiirita na ako kay Sav. Bakit niya pa kailangang kunin ang phone ko?

Umigting ang panga niya pero kalaunan ay ngumisi. He leaned closer to me kaya napahilig ako sa likuran na upuan. Umiwas ako habang nramdaman ko ang labi niya sa aking pisngi. Pag lumingon ako sa kanya  tiyak na maghahalikan na kami.

"Totoy pa ‘yon. Wala pang pera iyon. Ako..." Hinawi niya ang nagkalat na buhok at inipit sa aking tenga. He kiss my temple and my neck. "Ako...Marami akong pera ipambili ng gatas mo. Kahit na gatas ng magiging anak na din natin. Pero ngayon..." Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya. Kumalabog ang aking damdamin."Ikaw muna ang baby ko. I'll take care of you.. I love---"

Bago pa humaba ang lahat at bago pa ako mas malunod sa kumunoy ay tinulak ko na siya.

"Lets g-go home.Please."

Huminga siya ng malalim. "Hindi balewala ang nangyari sa atin kagabi Rox. Alam kung mali pero ipaglalaban kita. Matagal na akong nagtimpi sayo. Ngayon... Ayoko nang balewalain ang nararamdaman ko. Mahal kita. Tandaan mo iyan."

Nangilid ang aking luha sa narinig. Hindi ko siya tinignan inabala ko ang aking paningin sa labas. I wish it was all a dream. Gusto ko nang magising. Noon,mas okay na iyong ako lang iyong nakakaalam ng nararamdaman ko eh. Ang hirap pala ng ganito. Gustuhin man naming’ ipagsigawan ay hindi pwede’. Sa mata ng tao at diyos ay hindi pwede’.

Lumipas ang araw na abala si Sav sa opisina . Lalo na't magbabakasyon na. Kung ang iba ay nagbakasyon na siya hindi. Mas madami siyang tatapusin dahil magbabakasyon na. Lumipas ang pasko na magkasama kami ni Nana Sena sa selebrasyon at ni Sav. He gave me a bracelet na may heart shape. Simple siya pero alam kung mahal. Kahit na ako ay walang gift dahil wala akong ediya.

Tumawag sa akin si papa ng pasko. Nakontento ako doon. Kahit na nakakalungkot. Dahil walang magawa lumabas ako ng bahay at iikot sana patungo sa likod ng may nag doorbell.Nangunot ang noo ko ng pinagalitan ng guard namin ang isang ale na naka malong na brown na tinatakpan ang mukha.Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit nakapasok ang mga pulubi dito sa subdivision.

''Pakiusap ho--" Tinutulak na ng guard ang ale kaya lumapit na ako.

"Ano ‘yan Manong?" Tanong ko at natigilan ang babae. Hindi siya pulubi. Sobrang ganda niya pero tinatakpan niya at mukhang basahan ang damit.

"Amara?!" gulantang ng babae.

"Umalis na kayo bago ko kayo kaladkarin!" Sigaw ng guard namin ng halos hilahin ako ng ale sa kamay. Umiiyak siya at nagmamakaawa. Hindi ko alam pero nalulukot ang puso ko.

"Amara! Ikaw nga!"

"Alis na!" Galit na sigaw ng guard at hinila ang babae. Hindi ako makagalaw. Parang natuod ako sa pangalan na tinawag niya sa akin ang mukha niya.

Infinity & Beyond (Montenegro 2)Where stories live. Discover now