Chapter 13

6.6K 127 33
                                    

    "Simon,may nahahalata kaba kay Jezel these days?" Tanong ko kay Simon ng nasa Gazebo kami. Magka iba kami na section pero nakita niya ako at niyaya. Mukha pa nga siyang badtrip.

"Wala naman. Simula pa lang naman ayaw niya na sa akin. Tinamaan talaga ako sa kanya Rox." Umiling pa ito at ininom ang mineral water niya. Umalis sandali si Jezel kaya nagka time ako na kausapin si Simon.

  "Baka naman kasi naninigurado lang siya na wala ka nang babae Simon. Wala pa kasing naging boyfriend yang si Jez kaya mailap." Nasisilaw ako sa liwanag ng araw na nasa harapan namin. Sobrang init sa field pero kung gabi naman ay malamig din.

"Hindi e. Baka may iba siyang gusto Rox. Alam ko ang mga galaw ng babae e. Madaling basahin si Jezel." Hindi ko alam pero nung nakita ko kung paano niya masdan si Sav. Parang may gap na iyong closeness namin kahit siya. Simula lang nang bakasyon ganito na siya.

"S-Sino naman kaya?" Tanong ko.

Nangunot ang noo niya.  "Tinanong ko siya ng kailan kung ano bang katangian ang gusto niya sa lalaki. Sabi niya hindi daw ako iyon. Grabe ang sakit makarinig nun Rox! Sabi pa niya, matured na daw at success sa buhay ang gusto niya. E di bahala siya!Nakakainis!" Shit!

There's something heavy inside my chest. Wag naman sana. Ayokong magpaka praning pero first time kong nakita iyong ngiti niya kay Sav kumpara noon na parang balewala lang iyon sa kanya. At alam niya mismo yung estado namin ni Sav! I like my uncle! Fuck, hindi ko na alam pero mas mukhang ako iyong mali. Tama sila dahil pwede sila at isa iyon sa mga kinatatakutan ko.

"Are you okay Rox?" I snap back when Jez call me.

"O,ikaw pala."

Ngumiti siya at tumabi na sa akin.
"Tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo?"Tinignan ko siya sa mga mata. Sinigurado kong katulad noon na purong katotohanan ang pinapakita niya. Ngumiti siya sa akin.

"Oi! Anong iniisip mo?" She laughed.

Pilit akong ngumiti at umiling.. "About Sav." I said. I feel her stilled and looked away. There, I got you.

"B-Bakit?"Tinignan ko siya ng maigi pero pilit niyang inabala ang sarili sa notebook niya habang may sariling mundo ang mga classmates namin dito sa classroom.

"Narealize ko na ayokong mawala siya sa akin." Buong diin kong sabi at titig na titig sa kanya. "I love him and he loves me too remember the time na nagpunta kaming probinsya ni Nana Sena? He confessed that he loves me so much. Alam naming mali pero mahal namin ang isa't-Isa. "

Tumigil siya sa pagtingin sa notes niya at tinignan ako pabalik. Hindi ko na siya mabasa ngayon. Ang hirap niya ng unawain. Kakaiba na nga pala kapag tinatraidor ka dahil nagiging invisible na kahit pagkatao niya. Ang hirap na tinatraidor dahil bawat minuto kinakabahan ako. Nawala na ang tiwala ko.

"Don't you think it's fine?" May halong pait ang sinabi niya.I laughed mockingly. Kinakabahan ako hindi dahil sa nerbyos. Kundi dahil sa galit. Alam na alam ko na. Fuck it!

"Of course it's fine. Kung sa mata ng tao mali. Pwes gagawa kami ng sariling mundo at batas namin. He will fight for us. Bakit? parang bitter ka yata? Jez naman, ang ampalaya ginugulay yan kainin mo nang mahimasmasan ka. Wag mong ugaliin dahil nakakasama yan girl." Tumawa ako ng pagka lakas lakas tulad ng dati para akalain niyang joke.Pero alam kong hindi. No one dares to block my way before! Nakakasawa maging mabuti dahil inaabuso pala.

Napakurap kurap siya at tumawa "That's ..Uhmm your kidding!" Sabi niya.

Umiling ako at winagayway pa ang aking hintuturo. "Oh,no. You really know me Jez. Ikaw lang iyong nakakalam nito ha. Pag kumalat to.Ikaw lang talaga ang suspect ko wala nang iba."

She nodded and pouted. "Of course naman. Your secret will be safe with me. Don't worry."

I patted her head. "Good girl. Bestfriend talaga kita." Puno ng sarkasmo na wika ko.

Nang pumasok ang teacher namin ay nagsitahimik kami. Hindi umalis sa tabi ko si Jezel. Inanunsyo ng teacher namin na si Ma'am Gozar na dahil na postpone noon ang Ms. And Mr. St. Dominic dahil karamihan sa teachers namin at students ay naexchange sa German School. Kaya ngayong January iyon gagawin.

"So, any one who would suggest Ms. Campus 2018?"

My classmate's raise his hand. "Roxette Dela Rama Ma'am!" Naghiyawan sila agad at nagsipulan nagpalakpakan naman ang mga babae. I just smile and look at Jezel. Nakatuon lang siya sa harap at seryoso ang mukha.

"That's good! Yun din sana ang sasabihin ko. Any one ?" Sabi pa ni ma'am.Pero wala na..Wala nang may nag alsa pa ng kamay nila. I smiled sweetly! Gosh! I love pageants! The gowns! The jewelries!

"Ma'am" Napatigil ako sa pag iimagine at napatingin kay Jezel. I am so shock.

''J-Jezel.."

"Seryoso ka Jezel?" Parang hindi makapaniwala na sabi ng Ma'am namin. I saw her grip tight on her ballpen. What's the matter. What's with her?!

"Yes Ma'am." Walang nagsalita sa amin. Tahimik kaming lahat. I bit my lip .

"Okay,so wala na?'Sinong boboto kay Roxette?!" Sabi ni Ma'am at halos lahat ay tumaas ang kamay.

"Okay, so lahat ng kamay ay para kay Roxette so It means si Roxette ang ating pambato bilang Ms. Campus 2018 sa batch ng fourth year!" Masayang sabi ni Maam.
Mangiyak ngiyak na tumakbo palabas si Jezel kaya lumabas din ako at hinabol siya.
Pumasok siya ng girls confort room kaya sumunod ako.

"Jez!" Nilapitan ko siya at tinignan ang mukha niyang luhaan.

"Mali ba na gusto ko lang matupad ang pangarap ko? Simula noong first year parati nalang ikaw yung napipili Rox! Sa Miss Intramurals! Sa Miss P.E! Sa Miss sports wear! Pati ba naman sa Miss Campus?!"

I bit my lips. Tinignan ko siya na umiiyak sa harap ko. Hindi ko alam ang gusto kong unahin sa aking nararamdaman. Naaawa ako pero gusto kong magalit. Sa tagal ng panahon ba't ngayon niya lang sinabi to? Simula noon siya iyong taga suporta ko sa lahat!

"Jez! Ano bang sinasabi mo?"

Pinunasan niya ang luha niya at humawak sa braso ko.  "P-Pwede ka bang umayaw? P-Pwede bang ako nalang?"

My forehead creased. This is not so effin good. "I can't Jez. Our classmates voted me! Bakit kaya moba? Kailan kalang humadlang sa gusto ko? This is not so you anymore Jez!"

Nanghihina siyang bumitaw sa akin. "Bakit ka ganito? Jez?" Halos pabulong kong sabi. Nasasaktan din ako na ganito. Matagal ko na siyang kaibigan pero bakit siya biglang nagbago.

Umiling siya..
"I'm sorry Rox." She cried and hugged me. "Patawarin mo'ko."

Niyakap ko siya pabalik . "Tahan na. Kung may problema ka. Sabihin mo."

"No ,Basta sorry." She cried. Hindi ko alam kung bakit double meaning ang sorry niya sa akin na tila malaki ang kasalanan niya.

Infinity & Beyond (Montenegro 2)Where stories live. Discover now