Chapter 2

26 5 0
                                    

Club

Xiao's POV

Nandito ako ngayon sa gym kung nasaan ang basketball court, kakatapos lang ng klase at dumiretso ako dito para magpalista as member ng basketball team.

"Mr. Fang—"

"Fang nalang po coach" putol ko sa sasabihin niya. Ang formal pag may mister, parang pangmatanda.

"Fang, we heard that you were the team captain on the basketball team at the last university you attended. If it's okay with you, we want you to accept the position of captain here in our club." offer niya sakin.

Maganda yun... Pero baka kainisan ako ang magiging kateammates ko.

"Ah coach gusto ko muna patunayan sarili ko sa teammates ko bago ko tanggapin yung position"

Well, I know that's easy to do. I will humble myself first for now.

"Okay, we'll be having a quick match now" he said and smirked at me. He called the other players to start the match.

Lah, nde pa ako nakapagwarm-up

Nagstretch ako ng kaunti, at nakipaglaro habang nakasuot ng school uniform.

Easy lang toh...

2v2 kami, kakampi ko ang isang lalaking halos kasing tangkad ko at maputi. Medyo mahaba ang buhok niya kaya nakaheadband siya.

Ang cool, try ko den magheadband sa sunod.

******

Natapos ang match, 21-11 ang score at panalo kami. 14 points sa score namin ako ang nakapuntos. The other players are also good...

But of course I'm the best.

"Ang galing mo" biglang may tumapik sakin balikat.

Ahh siya yung kakampi ko kanina.

"Ey, galing mo din. Ahhh, ikaw si?" I'm asking for his name. "Anthony, team captain" pagpapakilala naman niya.

So... he's the captain?

"Xiao Fang, Chinese. Nice to meet you" sabi ko sa kaniya at lumagok ng tubig.

Sarap ng tubig na toh ah.

"Ang galing mo magtagalog ah" sabi niya sakin at parang namamangha pa. "Pft, dito ako lumaki eh. Last month, nagstay ako sa province ng lola ko. Chinese din siya pero pusong pinoy, dahil sa kaniya hindi pa ako nakakapunta ng China buong buhay ko" paliwanag ko.

"Bat naman?" tanong niya at naghihintay sa sagot ko. "Ewan ko den, ayaw niya ako papuntahin eh" sagot ko at nagkibit-balikat.

"Ahhh, ganun ba"

"Good luck ah" bigla niyang singit sa usapan. "Huh? Good luck saan?" nagtatakang tanong ko.

"Ikaw na bagong captain, ayoko na eh" natatawang sabi niya. "Ayaw mo na?" tanong ko sa kaniya. "Oo sawa na ako" nakayukong sabi niya at umalis sa harap ko.

Lah, bigla nang-iiwan? May pinagdaanan ba yun?

After ilang minutes, inannounce na ni coach ang pagiging new team captain ko. May mga bumati sakin, unang-una si Anthony, pero meron ding parang hindi nagustuhan ang desisyon ni coach.

Basketball x Soccer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon