Chapter 4

17 3 0
                                    

Gym

Min's POV

"Ano ba yan, hindi kasi ako nakapagreview eh"

"Bagsak ka?"

"4/25, oks na yan at least hindi itlog"

"Hindi naman kasi nagsabi si sir na may quiz eh"

"Surprise nga diba? Bobo ba you?"

Nagkakagulo na ang klase. Mr. Lawrence, our economics teacher, surprised everyone with a quiz today. As usual, I aced our quiz, and many of my classmates admired me again. Especially girls.

Well, meron na ding mga lalaki nagconfess ng feelings sakin dati, pero straight ako eh.

Ano ba kasing nakain nila at nagustuhan nila ako?

"Min, magstay ka mamaya. May sasabihin ako sayo." Ani Mr. Lawrence at nagbulungan bigla ang mga kaklase ko.

Lah, sila ba ipapaiwan?

Tumango nalang ako kay Mr. Lawrence bilang pagsang-ayon. Last subject na namin si Sir ngayong araw. "Mr. Xiao Fang, magstay ka rin" dagdag pa ni Mr. Lawrence pero walang sumagot.

Nilibot ni Sir ng tingin ang classroom at mukhang hindi niya nakita ang kaniyang hinahanap dahil kita ko ang pagkadismaya sa mukha nito.

Biglang bumalik ang tingin sa akin ni Sir at parang may ipinapahiwatig. "Class, dismiss" maikling anunsyo niya at agad na naglabasan ang mga kaklase ko.

Kaming dalawa nalang ni Sir ang naiwan.

"Min, makikisuyo ako sayo. Pwede bang hanapin mo si Xiao?" pakiusap niya sa akin. "Sino po siya sir?" tanong ko naman sa kaniya.

Xiao?

"Yung transferee. Dalhin mo siya dito sa room pagnahanap mo na siya, kakausapin ko kayong dalawa." utos niya sakin at hindi na ako nakatanggi pa.

I'm now searching the entire campus for xiao. I also went through the restrooms, but I didn't see that catman.

Ano toh? hide and seek?

Bigla kong naalala na sinabi niyang member siya ng basketball club kaya agad akong pumunta dun. At hindi nga ako nagkamali....nakita ko siyang nakahilata sa gitna ng gym.

Tulog nanaman ba?

Nilapitan ko siya para macheck kung natutulog nga ba.

May takip na panyo ang mukha niya at bukas ang mga botones niya. Pawis na pawis din siya...

"Hey" tawag ko pero hindi siya nagising. Umupo ako sa tabi niya at tinanggal ang panyo sa mukha niya.

"F*ck you" malutong na mura ko at hinampas siya sa tiyan.

Niloloko ata ako nito amp, may natutulog bang bukas ang mata at nakangiti.

Malakas siyang tumawa hawak ang tiyan at umayos ng upo sa tabi ko. "Masyado ka ng mapanakit, kahapon ka pa ah" sabi niya at pilit inaabot ang ilong ko pero hinaharangan ko ang kamay niya.

"Huy, t-tigil mo nga yan" reklamo ko at tinutulak ang kamay niya pero nanlalaban din siya. "Ano ka gold? Ilang beses mo na ako napuruhan. Pakurot lang isa" pagpipilit niya at mahinang tumatawa pero pinipigilan ko pa rin siya.

Sh*t bakit ang lakas niya?

Mas lalo niya pang nilakasan ang pagtanggal ng kamay kong nakaharang sa mukha ko, naging dahilan na mapahiga ako at siya sa ibabaw ko.

Halos magpasahan na kami ng hininga sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga at tibok ng puso niya.

Pareha kase kaming hinihingal...

Hindi ako makakilos, hawak niya padin ang mga braso ko. "Bitiwan mo na ako." utos ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. "Ayaw ko nga" sagot niya at bigla nalang niyang kinagat ang ilong ko.

"Ah- aray masakit! Bitaw!" daing ko pero mas lalo niya pang sinubo ang ilong ko. Sinubukan ko igalaw ang ulo ko para bumitaw siya pero...MASAKIT.

P*ta! Kinakagat-kagat niya talaga!

"GAG* BITAW" sigaw ko. Puno na ng laway ang ilong ko!

Bigla kami nakarinig ng pagbukas ng pinto sa gym kaya agad kaming umayos ng upo. Pinunasan ko din ang ilong ko, gamit ang panyong nakita ko sa lapag.

Ang bango ng panyo niya... Buti nalang talaga hindi rin mabaho hininga niya!

"Coach!" sigaw ni Xiao at tumayo. Naiwan akong nakaupo kaya agad din akong tumayo.

"Who are you?" tanong sakin ng coach nila. "Min Wang, soccer club's captain" pagpapakilala ko. Bigla itong tumitig sa ilong ko kaya mabilis ko itong tinakpan. "Mukhang nagkakatuwaan kayo ah" mapang-asar na sambit niya at tumingin sa aming dalawa ni Xiao.

Aggressive naman akong umiling, aw ang hapdi ng ilong ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Xiao's POV

Bumalik lang pala si coach para kunin ang gamit niya. Umalis din siya agad at inatasan kaming ilock ang gym pag lalabas na kami.

"Ano bang trip mo?!" Galit na tanong sakin nitong lalaki na toh. "Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa kaniya at nagnakaw ng kurot sa ilong.

"Aw, m-masakit" inda niya na ikinatuwa ko. Ang cute niya, pulang-pula na ang buong mukha niya lalong-lalo na ang ilong. Nakita ko ring nangingilid na ang luha niya sa mata.

Haha, iiyak na ba siya? Pasensya na, nakakagigil ka eh.

"Ano name mo?"

"Min, Min Wang" sagot niya at pulang-pula pa rin ang buong mukha niya. Parang gusto ko tuloy continue yung ginawa ko sa kaniya kanina.

Pft, ang cute niya talaga. Ang sarap niyang pikunin.

"Bat ka nandito?"

"Hinahanap ka ni sir Lawrence, kakausapin daw tayo"

"Ahh ok, tara na" sabi ko na una ng naglakad. Nilingon ko siya at nakitang pinupunasan ang mata niya. Pulang-pula pa rin ang ilong niya, feeling ko sobrang hapdi nun.

"Masyado bang masakit yung ginawa ko?"

"Tingin mo?!" sigaw niya sakin at tumulo nanaman ang luha niya. "Ui, wag ka iiyak" pagpapatahan ko at lumapit sa kaniya.

"K-kusang tumutulo... Ang hapdi ng ilong ko" sagot niya sakin at patuloy na nagpupunas ng luha. "S-sorry" bigla akong nakonsensya.

"Sorry my ass" masungit na sagot niya at inunahan na akong lumabas ng gym.

Hindi ko naman alam na iiyak siya eh...

Basketball x Soccer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon