Chapter 5

11 0 0
                                    


Drinks

Xiao's POV

Matulin akong naglakad palabas ng gym para habulin siya. Nang maabutan ko ay mabilis kong hinila ang kwelyo ng uniform niya.

Oops...

Salubong nanaman ang kilay ni liit kaya binitawan ko rin siya kaagad. "What?" masungit na tanong niya. "Ang bilis mo maglakad, ganun ba talaga pag soccer player?"

"Hinihintay na tayo ni sir Lawrence." saad niya, sabay irap. "May contact number ka niya?" tanong ko at ibinigay niya rin agad ito sa akin. "Huwag kang tatawag kung hindi impor-" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil tumawag na ako.

"Hello sir. Si Xiao po ito...Opo...Alam ko na po.......Ako na po ang magpapaliwanag sa kaniya....sige po....Salamat"

"What was that?" aniya. "Okay na, kain na tayo" saad ko at mabilis na umakbay sa kaniya.

******

Dinala ko si Min sa restaurant nila Charles. Masarap kasi ang mga pagkain dito at saktong gutom na gutom na ako. Iniabot ko kay Min ang Menu para papiliin ng pagkain subalit tinitigan niya lamang ito.

"We were supposed to be in the classroom right now. Bakit mo ako dinala rito?" wika niya at mukhang naguguluhan sa nangyayari. "Nagpaalam ako kay sir, pumayag na siya" pahayag ko na ikinakunot lalo ng noo niya. "Kumain ka nga muna, mamaya na ang mga tanong" saad ko at nag-order na ng pagkain. Ako na rin ang namili ng pagkain ni Min.

Matapos ang sampung minutong paghihintay ay dumating na ang inorder ko.

"Love meal with couple drink. Please enjoy the food." banggit ng waiter habang nilalapag ang mga pagkain sa lamesa. Kita ko ang panlalaki ng mata ni Min sa akin kaya bahagya akong napatawa. Rinig ko rin ang mahinang pagtawa ng waiter, mukhang aware siya sa nangyayari AHSHAHHA.

"What the heck? Love meal? We're not even couple. And this drink with some weird straw, why are these conjoined? How are we supposed to drink from this?" dirediretso niyang tanong pero hindi ko siya pinansin at sumubo na sa pagkain.

Matagal ko nang gustong i-try toh. Paki ko kung couple meal toh, basta masarap. Sayang lang kasi ma-oorder mo lang siya pag may kasama ka. Minsan nga iniisip kong anti-single tong restaurant nila Charles eh.

Pinapanood lang ako ni Min habang kumakain kaya sinenyasan ko siyang kumain na. Mukhang nagdalawang-isip pa siya bago sumubo pero kita ko sa mga mata niya ang kislap noong natikman na niya ang pagkain.

Tingnan mo toh, gutom ka rin pala eh.

Kinuha ko ang nag-iisang drinks sa lamesa. Malaki ito at may dalawang straw na magkadugtong. For couples talaga.

Sa unang higop ay wala akong nainom ni patak. Sinubukan kong muli pero wala pa ring lumalabas. Agad akong nagtawag ng staff para papalitan ang straw dahil sa palagay ko, ito ay barado.

"Miss, barado po ata yung straw, hindi po ako maka-inom" magalang kong pagkakasabi sa staff. "Ay sir hindi po talaga kayo makakainom kung mag-isa lang kayong magsi-sip sa straw. May kasabay ka po dapat." paliwanag niya at ngumiti.

Nilingon ko si Min at mabilis siyang umiling-iling.

Wala pa nga akong sinasabi eh...

"Miss, bigyan niyo nalang po kami ng seperate na-"

"Huwag na po" pagpuputol ko sa utos ni Min. Aba, masaya toh ah. Ang KJ nito kahit kailan. "May need pa po ba?" tanong ng staff at sinabi kong "Wala na po, thank you".

Umalis na ang staff at heto ako, kinukulit si Min na sumipsip sa drinks kasabay ko.

"No way" saad niya na ikinataas ng nguso ko. "Dali na, ang arte-arte mo. Once in a lifetime lang toh! Gusto ko rin maranasan ang mga high tech ngayon noh" pangungumbinsi ko ngunit hindi siya nagpadala sa pang-uuto ko.

"Hindi ka ba na-ccurious?" tanong ko with puppy eyes. Feeling ko ay medyo umepekto yun, umiiwas siya ng tingin.

"Ehem, about nga pala sa gustong sabihin ni sir Lawrence..." pagbabago ko sa usapan at mabilis na tumugon ni Min.

"What is it about?" atat niyang tanong.

"Di ko sasabihin." - Me

"What?" - Min

"Watawat." - Me

"I'm dead serious" - Min

"Me too" - Me

"What do you want?" - Min

Malaki akong ngumisi bago tinuro ang drinks gamit ang aking nguso. "No" mabilis niyang sabi.

"Edi no rin" pang-aasar ko sa kaniya. Dahil sa pagkapikon ay tumayo na siya akmang aalis pero pinigilan ko. "Isa lang please. Huwaaaah😭 gusto ko talagang ma-try🥺" pagmamakaawa ko kaya naman ay muli siyang umupo.

"Isa lang ha" bulong niya na ikinatuwa ko.

YESS!!

"OKI!" sigaw ko at napatingin sa amin ang ibang mga tao sa restaurant. Itinago naman ni Min ang mukha niya dahil sa pagkahiya. "Shut up, please" tumango-tango na lamang ako bago pa magbago ang isip ni Min.

Isinubo ko ang straw at ganun din siya. Sabay kami humigop habang magkalapit ang aming mga mukha.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil ba masarap ang iniinom namin o dahil ang ganda ng view ko ngayon?

Ang ganda ni Min...

*********

Min's POV

What on earth am I doing? I don’t like this idea, but I can't stop sipping. It’s incredibly delicious. However, it feels awkward to drink this with someone so close to my face. Plus, his eyes are so pretty to ignore. This catman...

Should I close my eyes?

Definitely not; that might feel like I’m kissing him.

We didn’t realize that the drink was almost finished. How long have we been in this position?

"Sarap" he said.

I agree.

"Ubusin na ba natin?"

I don't agree.

Basketball x Soccer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon