******
CatmanMin's POV
It is now 7 a.m., and another day as a Fang Academy scholar awaits me. I'm currently waiting for Ezequiel, my best friend, on a school yard bench. As usual, many girls are staring at me, blushing and chatting like little squirrels.
Cute...
I'm a Chinoy, (Half Pinoy, Half Chismosa)
Pft, just kidding
Half Chinese ako, my mother is a Filipina. We're not that rich so nag-apply ako ng scholarship sa isang Academy. Luckily natanggap ako dahil matalino naman ako at magaling sa sports.
They said that my father is a famous businessman but hindi ko pa siya nakikilala since birth.
Iniwan niya kami ni mama...
******
Sobrang tagal na akong naghihintay wala pa rin si Ezequiel. Malalate na ako ...
After a few decades of waiting, dumating na rin sa wakas ang tropa ko.
"Ang bilis mo ah" I said sarcastically. "Sorry pre, yung girlfriend ko nagpahatid pa sa room nila eh" rason naman niya na ikinailing ko nalang.
Halos ganito nalang araw-araw...
"Tara na baka malate pa tayo" sabi niya kaya tumayo na ako at sabay kaming pumunta sa classroom.
Hindi pa kami nakakapasok sa room ay madami nang nagbubulungan, karamihan sa kanila ay mga babae.
What the hell is happening??
Andami ng tao...late na nga talaga ata ako
—"Akkkk, may dalawa ng pogi sa room A" rinig kong sabi ng kung sino.
Hindi ko na sila pinansin at dire-diretsong pumasok sa room. Nanlisik ang mga mata ko ng makita ang isang lalaking may panyo sa uluhan ang natutulog sa upuan ko.
Who tf is this guy? I already told everyone that no one is allowed to sit at my chair!
Nilapitan ko siya at tinanggal ang panyo sa ulo niya.
???????
White hair?!
Ginising ko siya pero mukhang napasarap ang tulog niya.
"Pre, are you still alive?" bulong ko sa mismong tenga niya at nakarinig ako ng mahinang ungol mula sa kanya.
"Pre~ wake up~" bulong ko ulit at bigla niyang tinakpan ang tainga niya.
Pft, nakikiliti ba siya?
"Wag kang istorbo" sabi niya at humarap sakin nang nakakunot ang noo, pero nakapikit pa rin.
Fck, he's hot! Mukha din siyang Chinese...
Dahan-dahang nawala ang kunot ng noo niya...tulog ulit?!
I couldn't stop myself so I pinched his nose. "Aww" daing niya.
Deserve.
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at napatayo ako nang makitang magkaiba ang kulay ng mga mata niya.
"Woah! Are you a cat?" gulat kong tanong at tinakpan pa ang bibig sa gulat.
It's cool...
Kumunot nanaman ang noo niya nang marinig ang tanong ko. "You're so loud" maikli niyang sabi at umayos ng upo.
Napansin ko ding umayos ng upo ang lahat at tahimik. Napatingin ako sa board at nakita si Ms. Carla na nakatitig sa akin.
Ako nalang pala ang nakatayo...
"Mr. Wang... What's the problem?" tanong niya sakin at agad naman akong sumagot.
"Ah Ms. Carla, this guy is sleeping on my chair and doesn't want to wake up"
"But I'm awake" singit naman ng catman na toh.
He really looks like a cat.
"Mr. Fang, if it is ok... pwedeng sa ibang upuan ka nalang umupo? Diyan na kasi si Mr. Wang ih, sorry~" pakiusap ni Ms. Clara kay catman.
"Ok" mabilis siya sumunod at tumayo.
Bago lumipat sa likuran ay kinurot niya muna ang ilong ko. "Aw" inda ko sa sakit. "Pabawi lang" sambit niya at dumiretso na sa bakanteng upuan sa likod.
Ang bango ng kamay niya...
Wait? Whut? Min! Bat mo pinapansin amoy ng kamay niya? Mabango din kamay mo remember?!
Napailing nalang ako dahil sa naisip ko. Umayos na ako ng upo at nakinig sa klase. Gaya ng nakasanayan, active ako sa klase at highest palagi sa mga quizzes.
Matalino ako eh~
I noticed the transferee student was just silent and staring out the window.
Ano bang meron sa labas?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Xiao's POV
So ito pala yung academy na itinayo ng Dad ko...not bad.
Trinansfer ako ni Dad dito kase wala ng tumatanggap sakin na ibang university.
Bakit ba kasi ang bobo ko?
Well, okay naman na dito. Maganda naman yung school, madami ding magagandang girls.
Nagalalakad ako ngayon papuntang classroom, room A daw ako.
Pagpasok ko sa room ay madami ng student, lahat sila ay nagtinginan sakin at madaming babae ang nagbulungan.
First time nakakita ng pogi?
Isa nalang ang nakita kong bakanteng upuan sa harap kaya dun na ako umupo. Matagal dumating ang teacher kaya umidlip muna ako.
******
Ang init ng tenga ko, anuyun?
"Pre~ wake up~" rinig kong bulong ng kung sino sa tainga ko. Nakakakiliti kaya tinakpan ko.
"Wag kang istorbo" singhal ko sa kanya. Natutulog yung tao eh.
Nanahimik siya bigla, sa tingin ko ay umalis na siya kaya continue ko na sleep ko hehe.
Antok pa ako eh
"Aww" daing ko nang maramdaman ang kurot sa ilong ko.
Sino ba toh?
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki sa harap ko.
Ang cute niya...
Napakunot ang noo ko nang bigla siya tumayo at nagbitaw ng weird na tanong. "Woah! Are you a cat?" tanong niya at nakatakip pa ang isang kamay sa bibig niya.
Cat? Pinaglihi lang ako dun, pero hindi ako pusa!
"You're so loud" sagot ko nalang sa kaniya dahil may napansin akong pumasok sa pinto ng classroom kaya umayos ako ng upo. Ito na siguro teacher namin.
Napansin ng teacher na nakatayo itong lalaki sa tabi ko kaya agad siyang kinausap.
Upuan niya pala tong inuupuan ko kaya't pinalipat ako ng puwesto. Nang tumayo ako saka ko lang napansin na maliit siya.
Haha, pati pala height niya cute.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya pinisil ko ang ilong niya. Idinahilan ko nalang na bumawi ako sa kanya.
Nagsimula ang klase at lutang nanaman ang isip ko.
Bakit ba kailangan pa mag-aral? Hindi naman ako mag-aalgebra habang naglalaro ng basketball.
Ay speaking of basketball, papipiliin na ako ng club mamaya.
Syempre... Basketball pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
Basketball x Soccer (BL)
Teen FictionHi! My name is Min Wang, a top student at Fang Academy as well as the captain of the Fang soccer club. Mr. Linn Fang, a Chinese businessman with only one child, owns Fang Academy. Despite being in a different club, his son, Xiao Fang, is my favorite...