Debt
Min's POV
I just got off the bus and am now walking home. I was surprised to see a truck in front of our house retrieving our belongings. I saw mama crying and preventing the men from loading our belongings into their truck.
Sh*t
I approached Mama quickly to find out what was going on. "Mama, anong nangyayari?" I asked, but all she did was cry. "K-kuya, sandali lang. Anong ginagawa niyo?" I pulled the hem of a man's dress and demanded to know.
He just looked at my hands and didn't say a word.
Wtf? nagtatanong ako eh.
He now looked me in the eyes and smirked.
Manyak ata toh eh.
I took my hand off his shirt because I know he was thinking something bad.
I can't do anything, so the men took our belongings. I returned my attention to mama, who was now crying in the corner of the house. They even took our sofa. Fortunately, they only took the equipment from the living room. The other rooms are still in working order.
"Nak sorry *sob* w-walang nagawa si mama. Nabaon ako sa utang nak *sob* s-sorry" humihikbing ani mama. I also want to cry, pero kailangan kong maging matatag saming dalawa ni mama. It's just difficult because I inherited my mother's weak heart. Masyado akong emotional.
"Ma, okay lang yan. As long as buhay pa tayo, makakahanap pa tayo ng way para magpatuloy" pag-papagaan ko ng loob sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na ulit siyang ngumiti. She kissed my cheeks repeatedly and say "Ang bait-bait talaga ng anak ko. Pasaway minsan, pero swerte ko na sayo"
I laughed softly.
Her kisses tickled me...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Xiao's POV
Ahhh~ refreshing! Sarap ng Iced tea nila hehe
"Bro, bakit nandito ka nanaman?" tanong sakin ni Charles na ikinakunot ng noo ko. "Ikaw lang best friend ko dito eh, ipagtatabuyan mo pa ako? *Sob* Sama-sama mo Charles!" arte ko at nagwala na parang bata.
"Tumigil ka nga! kahapon din pumun—" natigil ang sasabihin niya dahil may truck na pumasok sa gate nila. "Ano yun?" nagtataka kong tanong kay Charles.
"Hayaan mo na yan. For sure, house furnitures nanaman yan ng kung sinong bahay"
"Huh? Para saan?"
"Diba nga si mom~ maraming nagkakautang sa kaniya na hindi makabayad, kaya ayan"
"Edi kawawa naman yung iba"
"Kasalanan na nila yun" sagot niya at ininuman ang baso ko ng iced tea. "Lah akin yan eh" pag-angkin ko naman.
Dagdagan mo ulit yan.
Nagsimulang naglaro si Charles ng video games kaya wala akong maka-usap. Hindi naman ako makasali kase hindi naman ako magaling sa e-sports, kaya pinapanood ko nalang ang mga mama sa pagbubuhat ng mga bagong dating na furnitures.
"Kuya kailangan niyo po ng tulong?" pagp-presenta ko pero agad nilang tinanggihan. "Hindi na po sir" sagot ng isa sa kanila.
Habang binubuhat ang isang divider ay may nahulog na isang album. "Kuya may nahulog po" pagbibigay alam ko sa kanila pero mukhang walang nakarinig
"Edi wag, ako nalang kukuha" bulong ko at dinampot ang album.
Bumalik ako sa living room nila Charles pero wala na siya dun.
Ay nang-iiwan.
Dumiretso ako sa kuwarto niya at dun ko siya nakitang naglalaro. Humiga ako sa bed niya para tingnan na ang laman ng album.
"What's that?"
"Album, di ba obvious?"
"Saan mo nakuha?"
"Basta dun" tamad kong sagot.
Binuksan ko na ang album at nakita ko ang isang batang may hawak na soccer ball. Mga 4 years old pa lang ata ito.
"Haha ang cute naman nito"
"Sino?" tanong naman ni Charles. "Wala, maglaro ka nalang diyan" masungit na sagot ko.
Nilipat ko pa ng pages ang album at nakita kong puro picture ito ng batang soccer player. Natutuwa ako sa pictures niya, pero bigla akong naawa dahil naalala kong nabaon sila sa utang at kinuha ang mga gamit nila.
Tiningnan ko pa ibang picture at sa dulo ng album, nakita ko ang nag-iisang picture na naiiba. Binatilyo na siya sa picture na ito subalit may hawak pa ding bola ng soccer.
Pamilyar ito sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
Sorry naman, mahina utak ko eh.
"Kamusta nga pala first day mo sa academy ng dad mo?" biglang tanong ni Charles na nagpaalala sakin kung sino ang binatang nasa picture.
What a coincidence!
"Okay lang, kaklase ko nga pala siya" sabi ko at ipinakita ang picture na nasa album. "Seriously?" Gulat na tanong naman niya.
"Magkano utang nila?" Tanong ko kay Charles.
"Huh? Bat mo naman natanong?"
"Basta magkano?"
"Hindi ko alam kay mom, itatanong ko wait"
Narinig kong tinawagan ni Charles si Auntie Fe at agad naman itong sinagot ng mom niya. Mabilis lang ang pag-uusap at ibinababa na ni Charles ang telepono.
"50k daw"
50 000 lang? Yun lang? Hindi pa nila mabayaran? Pano nakakapagbayad ng tuition yung lalaking yun kung 50k wala silang pambayad.
Kinuha ko ang credit card ko sa wallet at iniabot kay Charles. "Ano toh?" nagtatakang tanong niya "May pera naman ako ah" dagdag niya pa.
"Babayaran ko utang nila"
"Nino?"
"Yung may 50k." Maikling sagot ko.
Napapikit-pikit siya sa sinabi ko at oarang hindi makapaniwala. "Ano?" Masungit na tanong ko.
"Nababaliw ka na ba? Bat mo naman gagawin yun?"
Onga naman? Baliw na ba ako?
"T-trip ko lang gumastos, tama, oo" dahilan ko sa kanya.
Wala na siyang masabi pa kaya tinawagan niya ang secretary ng mom niya para asikasuhin ang utang na babayaran ko.
Hindi ko din alam kung bakit ko toh ginagawa...
Naalog ba utak ko dahil sa soccer ball kanina?
BINABASA MO ANG
Basketball x Soccer (BL)
Teen FictionHi! My name is Min Wang, a top student at Fang Academy as well as the captain of the Fang soccer club. Mr. Linn Fang, a Chinese businessman with only one child, owns Fang Academy. Despite being in a different club, his son, Xiao Fang, is my favorite...